:::

Ang Mga Pagpatay na Ikinubli: Ang Sining sa Ilalim ng Hidwaan sa Ikabuturan ng Timog Thailand

Tungkol sa May-akda

Nagtapos si Nathaporn Songsawas ay mayroong tinapos na B.A. sa English at minor sa Comparative Literature mula sa Faculty of Arts, Unibersidad ng Chulalongkorn sa Thailand. Kasalukuyan siyang isang malayang manunulat at tagahalili sa pananaliksik ng Karapatang Pantao sa Cross Cultural Foundation, isang organisasyong non-profit sa Thailand na nagsisikap na masiguro ang pantay-pantay kakayanan sa pagkamit ng katarungan para sa lahat ng tao sa Thailand.

Cross Cultural Foundation

Itinatag noong 2002, ang Cross Cultural Foundation (CrCF) ay isang organisasyong non-profit na naka-base sa Thailand na nagsisikap na magkaroon ng pantay-pantay na kakayanan sa pagkamit ng katarungan ang lahat ng tao sa Thailand at siyang maigting na nakikipag tulungan sa mga lupon ng samahang internasyonal para sa mga karapatang pantao upang magpalakas at magsama sa mga populasyong katutubo at minoridad. Ang CrCF ay nakatuon sa pagbabantay at pag-iimbestiga ng mga pang-aabuso sa karapatang pantao; nagsusulong at nagpapalaganap ng isang pananaw ng katarungan na nagbibigay kapangyarihan sa mga tao na maintindihan at maunawaan ang kanilang mga karapatan; pagsasansala sa labis na pagpapahirap; paproprotekta sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng mga legal na paraan; at pagbibigay ng libreng legal na tulong at konkretong ayuda sa mga grupo sa bahaging timog ng Thailand na lubos na nangangailangan ng tulong.


“Gaano man kami kalakas dumaing, hindi nila kami naririnig.”

  Ang kasabihang ito ay isa sa mga mensahe na nakasulat sa hugis saranggolang canvas na nangangakong magbibigay boses mula sa pinaka ibuturan ng Timog ng Thailand sa iba pang mga lugar.  Isa ito sa mga gawang sining na interactive na naka tanghal sa Submerged–isang pagtatanghal ng sining sa Patani, Thailand, noong ika-10-13 ng Hunyo, upang palaganapin ang kaalaman at itaas ang kamalayan tungkol sa iba’t ibang uri ng mga paglabag sa karapatang pantao sa pinakadulong bahagi ng rehiyon ng Thailand.

1. Larawan mula sa Thalufah Group

1. Larawan mula sa Thalufah Group

Ang Patani, Yala, at Narathiwat ay ang tatlong probinsya sa timog na hangganan ng Thailand na lagi nang nasa ilalim ng hidwaan sa estado ng Thai.  85% ng populasyon sa mga lugar na ito ay Muslim, habang ang 15% ay karamihang binubuo ng populasyon ng mga budistang Thai.  Ang hidwaan ay nagsimula pa noong 1902 kung saan ang mga lugar na ito, na dating kilala bilang Patani Kingdom, ay ikinabit sa Kaharian ng Siam o ang kasalukuyang Thailand. Magmula noon, nagkaroon na ng mga pagtatalo sa pagitan ng pamahalaang Thai at isang grupo ng Malay-Muslim na siyang nagtatangkang bawiin ang kasarinlan at maitaguyod muli ang awtonomus na estado ng Patani. Ilan sa mga kadahilanan kung bakit nagsanga at lumawig ang hidwaang ito ay ang mga dekada ng kawalang katarungan at diskriminasyon ng mga opisyal ng estado ng Thai sa populasyon ng Malay-Muslim at ang obligasyon na mamuhay sa ilalim ng ilang regulasyon ng estado ng budistang Thai na labag sa mga kaugaliang Islam.

Ang tanda ng simula ng kasalukuyang daloy ng hidwaan ay ang insidente ng pagnanakaw sa kampo ng Pileng Military, sa Narathiwat, noong ika-4 ng Enero, 1932, kung saan daang daang baril ang ninakaw at apat na tauhang militar ang pinatay.  Matapos nito, mula 1932-1933, ang pamahalaang Thai ay nagpatupad ng tatlong espesyal na batas: Martial Law, Emergency Decree, at Internal Security Act sa 33 distrito sa .  Ang mga espesyal na batas na ito ang nagpahintulot sa mga opisyal ng estado na maghagilap sa mga ari-arian, umaresto, at mag ditina ng mga pinaghihinalaan ng walang warant mula sa korte hanggang 37 araw, kung saan ang mga kaso ng pagpapahirap ay palagiang naiuuulat na nagaganap.

Ayon sa mga lokal, ang kalagayan ukol sa  mga paglabag sa karapatang pantao sa Deep South ng Thai dati ay lubhang mas malala noong mga sinaunang taon matapos ipatupad ang mga batas pang seguridad. Sa pagkontrol sa media, ang mga may awtoridad ay maaaring magsagawa ng anumang pagmamaltrato sa isang liblib na lugar tulad nito. Subalit ngayon, dahil sa paglago ng mga teknolohiya na nagbibigay kakayahan para sa mga lokal na malayang media at maraming mga NGO na umiral, naging mahirap para sa mga may awtoridad na abusuhin ang kanilang mga kapangyarihan ng hindi napapansin.  Ang ilan sa mga NGO na ito ay ang Cross Cultural Foundation (CrCF), isang organisasyong non profit na itinatag noong 2002 na nagbibigay diin sa pagsisiguro sa pagsasama at katarungan para sa mga katutubo at  populasyon ng minoridad. Ang sakop ng lawak ng kanilang gawain ay ang pagsusulong sa paglaban sa mga paglabag sa karapatang pantao; pagbibigay ng libreng legal na tulong at konkretong ayuda para sa mga grupong labis na nangangailangan.

Sa paglipas ng panahon, ang CrCF ay maigting na nakikipag tulungan sa mga lokal sa Deep South ng Thai na subaybayan ang kalagayan sa mga paglabag sa mga karapatang pantao sa rehiyon at sila rin ay nagbibigay ng legal na tulong at kaalaman sa mga lokal na tagapagtanggol ng mga karapatang pantao. Subalit sa taong ito, isang boluntaryo ng CrCF ang nagpasya na kumpletuhin ang kaniyang gawaing adbokasiya na medyo kaiba sa pamamagitan ng kaniyang proyekto, Killas Are Coated.

Si Nathaporn Songsawas, isang boluntaryo ng karapatang pantao sa at may likha ng Kills Are Coated ay nagpapaliwanag na ang kanyang proyekto ay nagsanga mula sa kanyang matinding pagnanais na palaganapin ang “alternatibong katotohanan”.

“Sa loob ng isang taong pagkakataon na maglingkod bilang isang paralegal sa CrCF, nakausap ko ang ilang mga nakaligtas sa matinding pagpapahirap at kanilang mga pamilya, gayun din masubaybayan ang legal na pagproproseso ng mga kaso ukol sa pagpapahirap. Napansin kong marami sa mga damdamin ng mga naabuso ang hindi sinama sa mga legal na napgproproseso na ito o kahit na rin sa mga tala na kumikilala sa mga ito bilang “mga katotohanas”. Sa aking palagay, ang mga “alternatibong katotohana” ma ito–na nagkukubli sa pkatawagang “mga damdamin”-- ay dapat ding itala ng maayos.  Kaya ako lumikha ng ganitong proyekto,” wika ni Nathaporn.

Sinimulan ni Nathaporn ang paglikha ng piyesang ito sa paghango ng mga damdamin at emosyon na ipinakita ng mga nakaligtas sa pagpapahirap at ng kanilang mga pamilya habang sila ay nagsasalaysay ng kanilang mga kwento.  Pagkatapos, ginawa niyang apat na mga maikling kwento ang mga emosyong ito at sumulat ng mga kwento sa green canvas, at bahagyan niya itong tinapos sa pagspray ng itim na pinta upang makabuo ng QR code, na siyang magdadala sa mga manonood sa artikulong tumatalakay sa mga katotohanan at mga kaugnay na bilang tungkol sa mga paglabag sa mga karapatang pantao sa Deep South.

2. Apat na sulat-kamay na maikling kuwento, bahagyang nakatago sa ilalim ng itim na pinta ng QR code.

2. Apat na sulat-kamay na maikling kuwento, bahagyang nakatago sa ilalim ng itim na pinta ng QR code.

 Ang mga maikling kwento na ito ay umiinog sa sinasabing mga “ordinaryong” araw ng mga nakaligtas sa pagpapahirap.  Ipinapakita nito ang mga iniisip, damdamin, at emosyon ng mga bida ng bawat kwento–isang di pinangalanang lalaki, isang ina, ang isang bata–na umuusbong sa ganoong mga sitwasyon ng pang araw-araw na buhay kung saan ang pangkalahatan at pamilyar na nakagawian ay nagaganap kasabay ng resulta o ng sandali ng “karaniwang” pang aabuso sa mga karapatang pantao sa Deep South ng Thai. Ang mga “mabibigat na katotohanan” ng mga sitwasyon ng pang aabuso na inilahad sa canvas sa hugis ng isang QR code, nagkukubli ng mga kwento sa ilalim nito, ay may dalawang pakay: palaganapin sa publiko ang impormasyon tungkol sa mga paglabag sa karapatang pantao sa Deep South ng Thai at, kasabay nito, kumatawan sa pagtatala ng legal na pamamaraan na kadalasan ay naghahayag sa “mga mabibigat na katotohanan” at nagsasantabi ng mga “damdamin” na ito, na sa palagay ni Nathaporn, ay bigo sa pagpapaunawa sa publiko ng buong larawan ng sitwasyon ng Deep South at marubdob na maki simpatiya sa mga lokal.

“Sa ating lupinan na puno ng pagkiling at mga ugnayan sa may kapangyarihan, gusto kong pag-ugnayin ang mga iba’t ibang grupo ng tao gamit ang pianaka katangian ng tao: ang mga emosyon. Sa pamamaigtan ng Kills Are Coated, ninanais kong makaunawa ang mga tao na may iba’t ibang karanasan at maki simpatiya sa isa’t isa sa isang simpleng katotohanan na tayo lahat ay tao na nakakaramdam ng sakit, kaya’t walang sinuman ang dapat pahirapan, maging anuman ang kaniyang lahi o pananaw politikal.” Pagtatapos ni Nathaporn.

3. Isang art installation kung saan ang mga lokal ay maaaring maging bahagi ng sining sa pamamagitan ng pag-upo at pagpapahinga sa isang tila kapehan

3. Isang art installation kung saan ang mga lokal ay maaaring maging bahagi ng sining sa pamamagitan ng pag-upo at pagpapahinga sa isang tila kapehan

Ang Kills Are Coated ay isa sa mga 8 piyesa ng sining mula sa mga batang boluntaryo ng mga karapatang pantao na interesado sa iba’t ibang suliranin ng paglabas sa mga karapatang pantao sa katimugang rehiyon ng Thailand.  Ang kanilang mga likha ay itinanghal sa isang self-host art exhibition, Submerged, na naganap sa Patani Artspace, isang lokal na galeriya ng sining na nagsisilbi bilang isang lugar ng pagkatuto ng sining para sa komunidad.  Ang galeriyang ito ay itinatag ni Jehabdulloh Jehsorhoh, isang alagad ng sining na naka base sa Patani na siyang gumagamit ng kanyang mga likha upang labanan ang mga karahasan sa tatlong hangganan ng katimugang probinsya ng Thailand. Ang pagtatanghal na Submerge ay maluwag na tinanggap ng mahigit sa 150 na lokal at di-lokal na bisita.  Marami sa kanila ang nag-iwan ng tugon na nagpapahayag ng kanilang pagpapahalaga dito, kabilang na ang isang ina na lumaki at tubong Yala na nagnilaynilay sa pagtatanghal na may ningning sa mga mata:

“Ang totoo niyan, ang konsepto ng pagtatanghal na ito ay hindi kakaiba.  Ang mga alagad ng sining sa Deep South ay matagal nang gumagamit ng kanilang mga likha upang punahin ang mga karahasan sa estado ng Thai.  Pero ito ang unang pagkakataon na nakasaksi ako ng isang tao sa labas ng Deep South na naging punong abala sa ganitong klaseng kaganapan sa aming bayan. Ito ay napaka makahulugan para sa akin, dahil ito ay isang paraan kung saan ang aming mga boses ay, sa wakas, makakarating na sa ibang panig ng bansa makalipas ang matagal na panahon, na ang taong ito ay tunay na nagmamalasakit sa amin.”

 

Link sa maikling kuwento (Thai): https://voicefromthais.wordpress.com/2022/06/09/shortstories/

Link sa QR code artikulo (Thai): https://voicefromthais.wordpress.com/2022/05/30/coated/

Sanggunian:

https://www.bangkokbiznews.com/columnist/1014477

http://www.dsdw2016.dsdw.go.th/doc_pr/ndc_2559-2560/PDF/wpa_8216/%E0%B8%9A%E0%B8%97%E0%B8%97%E0%B8%B5%E0%B9%88%203.pdf

https://voicefromthais.files.wordpress.com/2016/02/e0b8a3e0b8b2e0b8a2e0b887e0b8b2e0b899e0b897e0b8a3e0b8a1e0b8b2e0b899e0b89be0b8b1e0b895e0b895e0b8b2e0b899e0b8b5-2557-2558-1.pdf

https://m.facebook.com/683279248798345/photos/a.684290105363926/1119416695184596/?type=3&_rdr

https://kyotoreview.org/trendsetters/the-impact-of-implementation-of-security-laws-on-civilians-in-the-deep-south-of-thailand/