• Mga Karapatang Pantao_Hope
    Federasyon ng Internasyonal Karapatang
    Pantao Museo – Asia-Pacific Chapter
    Itaguyod ang pag-unawa at paggalang sa karapatang pantao sa Asya sa pamamagitan ng mga kilusan sa Museo
    Sumali bilang miyembro submit
  • Mga Karapatang Pantao_Memory
    Federasyon ng Internasyonal Karapatang
    Pantao Museo – Asia-Pacific Chapter
    Itaguyod ang pag-unawa at paggalang sa karapatang pantao sa Asya sa pamamagitan ng mga kilusan sa Museo
    Sumali bilang miyembro submit
  • Mga Karapatang Pantao_Taiwan
    Federasyon ng Internasyonal Karapatang
    Pantao Museo – Asia-Pacific Chapter
    Itaguyod ang pag-unawa at paggalang sa karapatang pantao sa Asya sa pamamagitan ng mga kilusan sa Museo
    Sumali bilang miyembro submit
  • Mga Karapatang Pantao_Eksibisyon
    Federasyon ng Internasyonal Karapatang
    Pantao Museo – Asia-Pacific Chapter
    Itaguyod ang pag-unawa at paggalang sa karapatang pantao sa Asya sa pamamagitan ng mga kilusan sa Museo
    Sumali bilang miyembro submit
  • Mga Karapatang Pantao_Hope
Federasyon ng Internasyonal Karapatang
Pantao Museo – Asia-Pacific Chapter
:::

Mga Kaganapan

Bagong Balita
2022-11-28

Sa pagharap sa suliranin ng pagbabago ng klima, anu-ano ang mga hakbangin na maaaring gawin ng mga museo upang magsilbing tulay sa pag-uugnay ng madla sa mga suliraning panlipunan? Halintulad sa tema ng ICOM Prague 2022, ang Power of Museums, ipinagpatuloy ng Federation of International Human Rights Museum-Asia Pacific (FIHRM-AP) ang co-learning model ng Migration and Human Rights Workshop noong 2020 at naglunsad ng sunud-sunod na pulong sa co-learning na nagtatampok ng temang "Climate Change and Human Rights Issues". Sa loob ng limang buwan, ang mga nakilahok mula sa 12 NGOs at 9 na pambansang museo na inimbita ng FIHRM-AP ay nagpatuloy sa kanilang talakayan sa pamamagitan ng buwanang pagpupulong, field trips at workshops.  Sama-sama, bumuo sila ng mga plano bilang pagtugan sa mga suliranin sa klima at karapatang pantao. Ang  muling pagsusuri ng FIHRM-AP sa mga pagkakapareho at pagkakaiba ng mga NGOs at museo Sa paglalayong padaliin ang  usapin tungkol sa mga sularanin sa pagbabago ng klima at karapatang pantao, ang dalawang partido ng programang ito ay nagtulungang mag-isip kung papaano higit na maisusulong ang mga ito at makapagsiyasat ng mga hakbangin ukol dito.  Sa unang pulong ng programang co-learning na ito, si Chi Shi-Ting, isang mananaliksik ng Greeen Citizens Action Alliance, ay nagbigay linaw sa mga sularanin sa pagbabago ng klima at nagpahayag ng adbokasiya at kapakakinabangan ng pagkilos ng mga grupong lokal pagdating sa mga pagsulong sa mga patakaran, pagsasagawa ng mga press conference at pagbibigay ng kasanayan sa mga guro. Sa parte ng museo, si Huang Hsu-tsea, isang kasama sa pananaliksik mula sa National Museum of Natural Science ay nagbahagi ng isang kaso ng istratehiya ng pamamahala ng "When the South Wind Blows--the Documentary Photography of Taixi Village,"isang pagtatanghal na nagtatampok ng mga suliraning pang klima.  Sa paglalarawan ng pamamaraan ng museo sa pagsagawa, pagtalakay at pagsaliksik sa paksa ng suliraning pang klima, ang buong larawan ng pag-iisip sa likod ng pagtatanghal ay ibingay bilang isang halimbawa ng sanggunian. Ang ayos ng isang workshop ay nagbigay sa grupo ng mga pagkakataon para sa talakayan, na nagpapahintulot sa parehong partido na makapag-usap tungkol sa at magkabahagian ng ng mga pagkakaiba sa pagitan ng mga museo at NGOs at ang larawan na mayroon sila sa kanilang isipan.  Ang pag-uusap ay lalung naghikayat sa pagsaalang-alang ng posibleng pagtutulungan sa mga gawain para sa parehong kapakanan. Nagpakita ng iba't ibang istilo ng komunikasyon at pananaw ang Playback Theater Higit pa rito, mayroon pa bang ibang ilang pamamaraan ng komunikasyon na maaaring gamitin para sa mga suliranin sa pagbabago ng klima bukod sa mga simulain ng simulain ng mga NGO at pagtatanghal ng mga museo? Inanyayahan ng FIHRM-AP ang Knowing Theater troupe para   pangunahan ang talakayan sa pamamagitan ng pagsasadula.  Ang kapangyarihan ng pagsasadula ng teatro ay nagbukas ng puwang para sa iba't ibang ideya at pakikipag-ugnayan. Ang mga nakilahok ay unang hiniling na ibahagi ang aspeto ng mga suliranin pang klima na nakababahala sa kanila at sa pagsasadula bilang pamamagitan, pinag-isipan nilang muli ang pang araw-araw na relasyon sa pagitan ng klima at mga tao. Ang pagtatanghal ay ipinakita sa mga manonoood bilang isang paraan ng pagbibigay ng bagong kaalaman. Pang huli, ang pinuno ng teatro na si Kao Yu-chen at ang lektor ng drama na si Chen Cheng-yi ay nagbahagi ng mga planong aralin para sa mga pamayanan at eskwelahan.  Ang ayos ng "pagtatanghal" ay naghandog ng mga bagong pananaw at puwang para sa talakayan sa mga mueso at NGO upang makatulong sa kanila sa pakikipag-ugnayan sa mga bisita o sa mga may malasakit sa mga suliranin.

2022-11-28

      Ang taunang pagtitipon ng pangkalahatang kapulungan ng ICOM (International Committee of Museums) ay matagumpay na nagtapos, sa pagwawakas ng kanilang pagtatanghal noong ika-28 ng Agosto sa Prague, Czech Republic.  Dahil sa pandemya ng COVID-19 at matapos ang halos tatlong taon ng paghihintay, and ika-28 na edisyon ng pangkalahatang kapulungan, pinamagatang 'The Power of Museums," ay naghatid ng ilang mga paksa na hindi lamang sumisibl sa mga komunidad ng museo ngunit pati na rin sa lipunan.  Mayroonng apat na magkakasakop at magkakaugnay na paksa na pinagsama-sama sa isang pangunahing entablado: Layunin: Ang Mga Museo at Sibil na Lipunan, Kakayanan Manatili: Mga Museo at Katatagan, Pananaw: Ang Mga Museo at Pamumuno, Paghahatid: Ang Mga Museo at Bagong Teknolohiya, nagsisikap na makapagbigay ng isang pangkalahatang talakayan kung papaano ang mga museo bilang isang komunidad at mas lalu pang makikilahok ng higit pa sa mga gawaing kultural.         Bilang bahagi ng pamayanan, nakilahok ang National Human Rights Museum of Taiwan sa pagpupulong at naglahad ng pamamaraang edukasyonal ng pakikilahok sa aming pagtatanghal na nagbubunsod na magkaroon ng pagkakaunawaan at pagtanggap sa mga nagaganap na pagbabago sa sistema ng hustisya.  Sa loob ng tatlong araw ng pagpupulong, alinsunod sa mga ibinahing paksa ng ICMEMO (International Committee of Memorial Museums in Remembrance of the Victims of Public Crimes), ilang mga suliranin ang nabanggit na nangangailangan ng pansin. Museo at Pagbibigay ng Kapangyarihan sa Sarili: Pagbibigay ng Tulong sa Panahon ng Digmaan         Noong ika-24 ng Pebrero, ang sandatahan ng Russia ay nagsimulang gumamit ng pwersa upang sakupin ang Silangang bahagi ng Ukrain na pumatay sa libu-libo at higit pa.  Simula noon, ang mga institusyong kulturan ng Ukraine ay inatake, at ang pagpapanatili ng mga kundisyon ng mga tala at alaala ay lubhang nanganib. Si Marta Havryschko, direktor ng Babyn Yar Interdisciplinary Studies Istitute, ay lumipad mulasa Ukraine patungong Switzerland, ay nagpakita ng isang talangguhit ng mga piyesa ng isang kultura na maaaring napuksa o nasira sa digmaan: 36 na museo, 165 na mga gusali ng mga relihiyon, at 219 na mga sinaunang gusali at iba pa. Bilang karagdagang suportang sibil, ang memorial center ay nagpasimula ng misyon ng pagtitipon ng mga patotoo laban sa Russia at sa iba't ibang tagapagpatupad ng batas nito, tulad ng international court sa Hague at pagsasagawang digital ng mga talang Ukraine. Ang data digitalization ay aging isang di maiiwasan at lubos na mahalagang gawain sa mga museo ng ika-21 na siglo; lalung napatunayan ito sa panahon ng digmaan.  Bagaman ang kaso ng Ukraine ay isang bagay na walang sinuman ang mangangahas hamunin o isipin na mamuhay rito, ang pagpapakita ng Havryschko kung papaano ang mga museo ng Ukraine at mga institusyong kultural nito na may kalakip na pagsubok ay tunay na  nagpakita ng potensyal ng mga museo ng pagiging higit pa bilang isang lugar ng pagkatuto. Museo at Propaganda: Pagtuturo ng Politiko sa Lugar na tila Walang Pinapanigan         Bilang daluyan ng kultura at kaalaman, ang mga museo ay mayroon ring bahagi sa tungkuling paghahatid ng ng impormasyon at mga katotohanang walang pagkiling sa pamamagitan ng mga kasalukuyan o makasasayang pangyayari. Ang mga kaisipan na may kinalaman sa mga personal na kwento at karanasan ay lumalabas kapag nahaharap sa mga bagay, maging ito man ay gamit o isang teksto.  Ipinapakita sa iba't ibang pag-aaral na ang pangangasiwa sa mga museo o ang museo mismo ay malayo sa pagiging isang gawa na walang kinikilingan.  Ang mga pamamaraan at posisyon ay naglalahad ng kwento mula sa mga tiyak na  pananaw. Gamit ang kanyang karanasan sa pagtatayo ng Museum of Second World War sa Gdansk , si Propesor Pawel Machecewicz ay naglahad ng isang matibay na halimbawa kung paano ang  impluwensya ng mga maka kanan ay mariing nakapagdidikta sa direksyon ng museo; ang mga impormasyon na nagpapakita ng pagiging maka bayan ay isang pagtataksil sa estado.  Ang pagtatayo ay nahinto at naharap pa sa mas pang maraming balakid. Ang mga institusyong kultural na itinatag sa pamamagitan ng mga yaman ng estado, maliban pa sa itinatag ito sa ilalim ng isang rehimeng diktadura, ay nanganganib na magkaroon ng iisang salaysay. Alinsunod sa direksyon na ito, si Voytech Kynci na mula sa Academic Science ng Republika ng Czech ay nagpaalala sa atin na ang pagsasailalim sa Soviet ng kanyang nayon ay hindi dapat kailanman malimutan at dapat idiin na ito ay isang paghihirap ngunit mahalagang nakaraan.        Kapareho nito, si Barbara Thimm, isang taga pagsalita mula sa dating kulungan ng Khmer Rouge ng S21 sa Cambodia, ngayon isang museo na nagtatala ng mga sakit at kirot ng mapang aping, diktaduryal na nakaraan sa ilalim ng Khmer Rouge, ay nagbanggit ng kanilang pamamaraan sa pangangasiwa sa pakikipag-ugnayan sa mga tao na kumekwestyon sa kanilang mga pagsisikap na makapagbigay ng mga makatotohanang materyales at hayaang ang mga katibayan ito na ang magsalita para sa kanilang mga sarili.  Bilang isang isang takas na nagtungo sa Estados Unidos, ang alagad ng sining na mula Cuba na si Geandy Pavón ay nagbigay din ng babala sa publiko na naniniwala sa lahat ng maaaring sabihin ng mga institusyon  sa ilalim ng isang mapang aping rehime. Museo at Diyalogo:  Ang Patuloy na Umuunlad na Pagpapalitan para sa isang Maliwanag na Kinabukasan         Ang museo sa ika-21 siglo ay isang lugar para sa madla. Sa kabila ng pananatiling isang mahusay na institusyon sa mata ng ilang mga piling tao, dumadami ang mga mangangaral na nagdadala ng pamamaraang pakikilahok at bottom-up sa mga museo upang isama ang mas marami pang boses bukod sa kanila. Ang museo ay kailangang maengganyo ang madla at makapagdala ng hindi lamang mas maraming salaysay mula sa mga mamamayan ngunit mga konteksto tungkol sa isang panahon, mga makasaysayang pangyayari, at ang pang araw-araw na pamumuhay ng tao sa isang lipunan.  Sa paglalahad ng mga kwento mula sa iba't ibang aklat-aralin, ang mga tagapag sanay ng museo na gaing Portugal at Espanya na sina Aeda Rechna at Almudena Cruz Yeba, ay parehong nagbigay diin sa kahalagahan ng patuloy na bigyang pansin ang mga kasaysayang hindi palagay ang ilan, higit pa rito, anyayahan ang pamayanan na makilahok sa pagbuo ng alaala, mga panyayari at pagtuklas muli ng kanilang pamanang kultural. Ang pakikipag-usap at pagpapalitan ng diskurso ay naging isa sa mga pinaka mahalagang gamit sa pagbuo ng tulay sa pagitan ng hindi kilala at hindi pa narinig.         Sa kanyang talumpati tungkol sa museo at lipunang sibil, lalong idiniin ni Margarita Reyes Suárez, isang anthropologist at museologist (pag-aaral sa tao at sa museo) na magkaroon ng kamalayan sa kapitalisasyon at pagiging Amerikano ng mga museo sa turismo. Dapat mapangalagaan sa maraming paraan ang pamanang kultural hindi lamang sa pumapasok na kapital. Sa pagsasaad ni Suárez ng pagbabalik ng responsibilidad ng museo sa mga tao sa komunidad, binigyan-diin niya rin ang pag-alis ng pananaw ng taga-kanluran at pagbibigy ng mas maraming puwang para sa magkakaibang kultura. “Ang mga museo ay dapat maging isang lugar na nakikinig at kung saan dinidinig ang mga tao.”          Ganoon din, upang maipaliwanag ang pagkakaroon ng mga taong kakaiba sa nakalipas sa Republika ng Czech, hinimok ni Ladislav Jackson ang komunidad ng mga museo na lumihis sa  pangkaraniwang kaisipan n dalawa lamang ang kasarian, na maingat na gumagawa ng mga progresibong hakbangin sa pagkilala ng mga karapatan sa buhay  at maalala ng mga taong ito.  Ang mga gamit at buhay ng mga taong hindi heterosexual ay kailangang naitatala at naitatabi, tulad ng anu pa mang piraso ng kasaysayan.  Kaya, ang pagsasama sa mga tagapagsanay ng museo at mananaliksik na kakaiba ay dapat lalung mabigyan ng  bigat at pansnin sa mundo ng mga museo. Sa pamamagitan ng pagbubukas ng daluyan para sa mga pangkaraniwan at komunidad, kung saan ang mga museo ay naninidigan para sa pagkakapantay-pantay, saka lamang makakamit ang mga makatotohanang dokumentaryo.        Sa kabuuan ng pag-unlad ng museo, simula kay Alexandria, ang paglikom at pag-aaral ay ang laging naging layunin nito. Ang makabagong museo ang may katungkulan nito at gumaganap ng makabuluhan at inklusibong hakbang para sa mga mamamayan at gumagamit ng espasyo ng museo. Sa pagpupulong, ipinapakita na ang pagbubuklod sa isang lipunan ay bumubuo at nagpapahiwatig ng lakas. Ang mga modernong museo ay dapat, ngayon higit pa kailan man, ay maging isang komunidad at magpatibay sa ugnayan sa pagitan, mo, ako , at nating lahat.

2022-11-28

Tungkol sa May-akda Nagtapos si Nathaporn Songsawas ay mayroong tinapos na B.A. sa English at minor sa Comparative Literature mula sa Faculty of Arts, Unibersidad ng Chulalongkorn sa Thailand. Kasalukuyan siyang isang malayang manunulat at tagahalili sa pananaliksik ng Karapatang Pantao sa Cross Cultural Foundation, isang organisasyong non-profit sa Thailand na nagsisikap na masiguro ang pantay-pantay kakayanan sa pagkamit ng katarungan para sa lahat ng tao sa Thailand. Cross Cultural Foundation Itinatag noong 2002, ang Cross Cultural Foundation (CrCF) ay isang organisasyong non-profit na naka-base sa Thailand na nagsisikap na magkaroon ng pantay-pantay na kakayanan sa pagkamit ng katarungan ang lahat ng tao sa Thailand at siyang maigting na nakikipag tulungan sa mga lupon ng samahang internasyonal para sa mga karapatang pantao upang magpalakas at magsama sa mga populasyong katutubo at minoridad. Ang CrCF ay nakatuon sa pagbabantay at pag-iimbestiga ng mga pang-aabuso sa karapatang pantao; nagsusulong at nagpapalaganap ng isang pananaw ng katarungan na nagbibigay kapangyarihan sa mga tao na maintindihan at maunawaan ang kanilang mga karapatan; pagsasansala sa labis na pagpapahirap; paproprotekta sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng mga legal na paraan; at pagbibigay ng libreng legal na tulong at konkretong ayuda sa mga grupo sa bahaging timog ng Thailand na lubos na nangangailangan ng tulong. “Gaano man kami kalakas dumaing, hindi nila kami naririnig.”   Ang kasabihang ito ay isa sa mga mensahe na nakasulat sa hugis saranggolang canvas na nangangakong magbibigay boses mula sa pinaka ibuturan ng Timog ng Thailand sa iba pang mga lugar.  Isa ito sa mga gawang sining na interactive na naka tanghal sa Submerged–isang pagtatanghal ng sining sa Patani, Thailand, noong ika-10-13 ng Hunyo, upang palaganapin ang kaalaman at itaas ang kamalayan tungkol sa iba’t ibang uri ng mga paglabag sa karapatang pantao sa pinakadulong bahagi ng rehiyon ng Thailand.

Espesyal Ulat
2022-11-28

Tungkol sa May Akda Tadayuki Komai Si Komai ay ipinanganak sa Siyudad ng Gosa sa Nara Prefecture ng Japan noong 1972.  Noong 1998,  sumali siya sa museo bilang isang miyembro ng mga tauhan ng Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha simula magbukas ito at naging direktor noong 2015.  Sa mga pasimula nito tulad ng mga binuo ng FIHRM at ng “Memory of the World”, siya ay nagsikap na ipalaganap sa mundo ang pilosopiya ng pagkakatatag ng Suiheisha.  Siya rin ay nagturo ng teorya ng mga karapatang pantao sa Kolehiyo ng Kobe.  Siya rin ay naging isa sa mga may akda ng mga bagong limbag ng The Origin of the Suiheisha (Buraku Liberation Publishing House, 2012), Buraku Issues in Modern Times (Lectures on Buraku Issues in Modern Japan 1”, Buraku Liberation Publishing House, 2022). Tungkol sa museo: Ang Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha Pinasinayaan noong Mayo 1998 sa lugar ng pagkakatatag sa Zenkoku Suiheisha (National Leveler’s Society), Kashiwabara, Siyudad ng Gose, sa Nara Prefecture, Hapon, ang Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha ay inilaan para sa paglaganap ng kultura ng karapatang pantao at paggawa ng pangkalahatang pilosopoiya ng mga karapatang pantao, at nagsisikap na ipasa ang amga mensahe tungkol sa diskriminasyon ang mga suliranin sa karapatang pantao. Noong Setyembre 2015, sa unang pagkakataon, ang Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha ay nakilahok sa isang pagpupulong ng FIRHRM (Federation of International Human Rights Museum) sa Wellington, New Zealand, at naging unang organisasyon ng Japan na umanib sa FIHRM  noong Disyembre ng taong iyon.  Simula sa puntong iyon, ang Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha ay naglunsad ng iba’t ibang mga pasimula upang ibahagi sa mundo ang kanilang pilosopiya na “pagsikapan ang dignidad at kapayapaan ng sangkatauhan” Pauna   Noong Marso 3, 1922, ang Zenkoku Suiheisha (National Levelers’ Society) ay itinatag sa Pampublikong  Bulwagan ng Munisipyo ng Kyoto na may layunin na pagsikapan ang dignidad at kapayapaan ng sangkatauhan. Ang mga pangunahing miyembro ng nagtatag ay isang gurop ng mga kabataan na ipinanganak at lumaki sa Kashibara, Siyudad ng Gosho sa Nara Prefecture. Ang pagtatatag ng Zenkoku Suiheisha ay hango sa kilusan ng liberasyon ng Buraku na naglalayong maalis ang diskriminasyon sa mga tao ng Buraku, isulong ang kalayaan at pagkakapantay-pantay at seguridad ng mga karapatang pantao. Marami sa mga nauna sa kanila na naging bahagi ng kilusan ng Suiheisha ay nagpasa ng diwang ito.  Para maipabatid ang proseso ng kanilang mga paghihirap sa mga susunod na henerasyon, noong Mayo 1998, sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa buong mundo, ang Bahay ng Kasaysayan ng Suiheishanay naitatag sa Kashiwabara, ang orihinal na lugar ng Suiheisha (na pinangalanan muli  noong 1999 bilang Museo ng Kasaysayan ng Seuiheisha). Ang pilosopiya ng pagkakakatatag na nag-ugnay sa mga tao    Ang Zenkoku Suiheisha ang nagsulong ng “respeto para sa ibang tao ay siyang magpapalaya sa sarili”, at nagpalaganap ng kanilang deklarasyon na “magkaroon nawa ng init sa ating lipunan, magkaroon nawa ng liwanag sa lahat ng tao”.  Ito ang unang deklarasyon ng karapatang pantao sa Hapon, at ito rin ang unang deklarasyon mula sa mga nadiskrimina. Ang pilosopiya ng Suiheisha ay ang makabuo ng isang lipunan kung saan ang lahat ay tanggap at walang ni sinuman ang magpapahintulot ng diskriminasyon. Ang pilosopiyang ito ay hindi lamang tumutukoy sa mga Burakumin (tao ng Buraku) ngunit ito rin ay nangusap sa marami pang tao at nagbigay inspirasyon at naghikayat sa mga kilusang pang karapatang pantao na kusang sinimulan ng mga Koreyanong Zainichi (etnikong Koreyanong mamamayan o mga naninirahan sa Hapon), Uchinanchu (mga tao sa Okinawa, mga taong Ainu at mga taong nakaligtas sa sakit na ketong. Ang impluwensiya nito ay nakarating maging sa Baekjeong, isang kaste na hindi masaling-saling sa Korea. Ang Hyeongpyeongsa (Equitable Society) ay itinatag sa Abril, 1923 kasama si Baekjeong bilang pangunahing miyembro.  Ang kasaysayan sa alyansa sa pagitan ng Suiheisha at Hyeongpyeongsa ay nag-iwan ng pamana na matibay na samahan na nabuo batay sa pangkalahatang kaugalian ng tao tulad ng mga karapatang pantao, kalayaan, pagkakapantay-pantay, kapatiran at demokrasya. Ang makasaysayang dokumento ng pagpapalitang ito, “tala ng  Suiheisha at Hyeongpyeongsa sa pagkakaisa ng cross-border sa pagitan ng mga minoridad na nadiskrimina” ay naidagdag sa Memory of the World Regional Register For Asia/Pacific noong 2016.  Higit pa rito, ang pagtatatag ng Suiheisha ay nakakuha ng atensyon mula sa madla sa ibang bansa.  Ang The Nation, isang magasin ng amerika, ay naglimbag din ng artikulo tungkol sa deklarasyon ng Seuiheisha na nakasalin sa Ingles   noong Setyembre 5, 1923. Tungkol sa diskriminasyon laban sa Buraku na siyang pinuksa ng Suiheisha     Ayon sa pinag uutos ng deklarasyon ng pagkakatatag, ang pilosopiya ng Zenkoku Suiheisha ay nagsisikap na mapuksa ang diskriminasyon laban sa minoridad na “Burakumin”.  Ang ugat ng diskriminasyon laban sa Buraku ay nagsimula sa diskriminasyon sa identidad ng mga taong kilala bilang “Eta” (ubod ng dumi) ng hirarkiya ng lipunan noong panahon bago ang makabagong Hapon.  Kahit na binuwag na ng Hapon ang hirarkiya ng lipunan ng sistemang ligal  matapos maging isang makabagong bansa, at ang estado ng Eta ay pinawalang bisa noong 1871, ang mga tao ng Buraku, matapos mmuling isama sa makabagong lipunang sibil, ay nakakatanggap pa rin ng diskriminasyon. Ito ay naging katangi-tanging suliraning panlipunan sa mga Hapones. Ang ganitong uri ng diskriminasyon laban sa mga Buraku ay katulad sa diskriminasyon laban sa mga untouchables, outcasts at Dalit sa sistemang caste ng mga Indiano. Bilang karagdagan, ang diskriminasyon laban sa Buraku ay pinakahulugan bilang diskriminasyon batay sa “estado sa lipunan at katayuan ng pamilya” sa Artikulo 14 ng Konstitusyon ng Hapones ipinatupad noong Nobyembre 1946.  Ang International Convention on All Forms of Racial Discrimination (ICERD) ay tinukoy ito bilang isang diskriminasyon batay sa “lahi” na nagpapakita na ang pag tanggal ng diskriminasyon ay naging isang mahalagang isyu ng karapatang pantao sa Hapon at sa buong mundo. Sinimulan ng Hapon ang “Meiji Restoration” noong 1968, isang taon na nagsilsilbing tanda ng simula ng pagiging makabagong bansa ng Hapon.  Subalit, ang mga diskriminasyong batay sa pagkakakilanlan ng isang tao bago ang modernisasyon ng Hapon ang bumuo ay ng bagong ayos ng diskriminasyon sa baong lipunan.  At ang diskriminasyon labas sa mga Burakumin ay nagpatuloy makabagong lipunang sibil.  Ang diskriminasyon laban sa Buraku ay lalung lumala sa paglipas ng panahon, lalu na noong kapanahunan ng 1900.  Kaugnay rito, ang pamahalaan at ibang mga ahensya ay sumubok na simulan ang isang kilusan para mapabuti ang estado ng Buraku at isulong ang pagsama sa mga Burakumin sa isang mas malawak na lipunan sa pamamagitan ng mga patakaran na top-down. Subalit, ang mga Burakumin ay hindi kampante sa ganitong mga kilos.  Matapos ang Unang Digmaang Pangdaigdig, sila ay naglunsad ng kilusan sa paghahangad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, kapatiran, at umaasang maging tunay na malaya mula sa mga diskriminasyon laban sa Buraku.  Ang Zenkoku Suiheisha ang nanguna sa kilusang ito ng mga Burakumin. Ang Pagsisikap para makamit ang makataong dignidad Pagktapos ng 1942, bagaman hindi na umiiral sa diwang ligal  ang Zenkoku Suiheisha, ang pilosopiya ng pagkakatatag ng Suiheisha ay patuloy pa ring nagsusumikap na makamit ang dignidad ng tao at ang pagkakapantay-pantay ay naging isang pamanang nagtagal simula noon, at ang kilusan ng kalayaan ng Buraku ay nagpatuloy. Noong 1948, pinagtibay ng United Nations ang Universal Declaration of Human Rights, na siyang naglahad ng mga prinsipyo ng mga karapatang pantao, pinangunahan ang United Nations Decade for Human Rights Education noong 1995 at nangampanya para gawing karaniwan ang karapatang pantao simula 2005.  Ang mga gawaing ito ay nagbunsod ng malaking epekto at ang kilusan na nagpapatibay ng mga karapatang pantao ay naging isa pandaigdigang konsesus sa paglipas ng panahon.  Dagdag pa rito, noong 2015 World Summit on Sustainable Development, ang lahat ng mga kasaping estado ay nagkaisang tinanggap ang Sustainable Goals (SDGs).  Ang mga adhikaing ito ay para sa pagbuo ng isang kinabukasan kung saan walang ni sinuman ang maiiwan at lahat ng tao sa mundo ay maaaring makapamuhay ng masaya at masaganang buhay. Para makabuo ng lipunang may kakayanang umiral ng mahabang panahon, ang pagbuo ng Sustainable Development Goals ay nakasalalay sa mga makataong asal at nagtakda ng 17 adhikain at 169 na target  at ito ay nagpatuloy hanggang sa pilosopiyang inilahat sa mga alituntunin ng Suiheisha: (kami) ay naliwanagan ng mga prinsipyo ng kalikasan ng tao, at kami ay susulong tungo sa pagkamit ng pinaka rurok ng mga katangian ng tao. Ang Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha, ang unang museo na naging kasapi ng Federation of Internation Human Rights Museums (FIHRM), ay nagpalaganap ng pilosopiya ng Suiheisha sa buong mundo sa pangunguna sa mga gawain ng Memory of the Word Register at FIHRM. Ang Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha ay sumubok na itaas ang kamalayan sa mga karapatang pantao at isulong ang dignidad ng tao sa pamamagitan ng mga pagtatanghal.  Ang mga pagsisikap na ito ay nakakuha ng suporta mula sa iba’t ibang mga organisasyon.  Ang Suiheisha History Museum Support Society ay itinatag sa Kashiwabara, kung saan nakatao ang museo, noong 1999, na binubuo ng iba’t ibang grupo kabilan na ang konseho ng pamayanan bilang sentro nito.  Upang makapagbigay ng mainit na pagbati sa mga bisita, muling inayos ng Local Support Society  ang malapit na paradahan sa museo at lalung pinagbuti ang mga gawaing makakalikasan. Bilang karagdagan, upang maisulong at masuportahan ang iba’t ibang program ng museo at para makapagbigau ambag sa pangangalaga at pag-unlad ng museo, ang mga organisasyon sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, palakasan, relihiyon, mga pangangalakal, ang mga unyon ng manggagawa sa Nara prefecture ay sama-samang nagtatag ng Suiheisha History Museum Sponsor Association. Isa sa mga gurpo na umanib sa Sponsor Association, ang Nara Prefecture Buraku Liberation Alliance, ay itinatag sa diwa ng kilusan ng Suiheisha at siyang umako sa responsibilidad ng kilusan ng pagpapalaya sa Buraku.  Ang Alliance ay bumibili ng ilang ticket ng Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha upang mapataas ang dami ng bilang ng mga pagbisita kada taon.  Kasabay nito, bilang bahagi ng pagdiriwan ng ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Suiheisha, habang inaayos ng museo ang kanilang pagtatanghal, nakipag tulungan din ito sa mga partido tulad ng Sponsor Association upang suriin kung alin ang mapapabilang sa pagtatanghal upang maisama ang iba’t ibang pananaw para sa isang mas komprehensibong pagtatanghal.  Bilang resulta nito, maraming mga bisita ang nagsabing silang ay “labis na naantig”. Maraming mga nakakaantig na mensahe ang iniwan ng mga tanyag na tao, ang mga “pinaka di malilimutang mensahe” isinumite ng mga ordinaryong mamamayan ay maaaring matatagpuan sa bahaging Epilogue ng naturang pagtatanghal. Nakakabit sa puting dingding ang mga kasabihan tulad ng “paglikha ng kasiglahan ng isang lipunan” na isinulong ng Suiheisha na nakasulat sa “relief characters” (tingnan ang larawan sa ibaba).  Ang limang malalaking tabing sa dingding ang siyang nagpapakita ng mga sipi ng teksto na siyang marubdob na nakakaantig sa mga bisita.  Ang espesyan na bahagi na ito ay pingangalanan din bilang Language Museum, at magpapatuloy na bukas sa pagtanggap ng “mga makabagbag-damdaming mensahe” sa hinaharap. Kami ay lubos na umaasa na ang bahagi ng pagtatanghal na ito, kung saan ang sinuman ay maaaring mag-ambag, ay maging isang puwang para sa lahat upang makapagbahagi ng ideya sa “paggalang sa dignidad ng tao”. Bumuo ng isang mapagmahal na mundo     Simula ng pagkakatatag ng Suiheisha noong 1992, tulad ng ibang kilusan na nagsusulong ng mga karapatang pantao sa loob at labas ng bansa, ang kilusan upang puksain ang diskriminasyon laban sa mga Buraku ay isang makasaysayang paglalakbay ng siglong ito.  Ngunit, kung titingnan ay Hapon ngayon, ang mga minoridad sa lipunan na dumaranas ng diskriminasyon at nagtatag ng Zenkoku Suiheisha ay patuloy pa ring dumaranas ng diskriminasyon sa pagsasagawa ng kontrata tulad ng kasal at lupain.  Walang ni sinuman ang mariing makapagsasabi na, sa kasalukuyan, ang diskriminasyon ay tuluyan ng napawi.     Dagdag pa rito, ang pagsasamntala sa mga hindi pagkakaunawaan at taboo sa pangkalahatang publiko tungkol sa mga may kinalaman sa Buraku, ang mga karumal dumal na gawain  ay talamak, tulad ng pagbebenta ng mga sobrang mahal na libro sa pagsasabing walang masyadong sapat na alam ang mga tao tungkol sa mga isyu ng Buraku. Lahat ng mga gawaing ito ay ginagamit ang mga isyu ng Buraku bilang dahilannupang makalikom ng kita sa hindi tapat na paraan o kaya’y magtakda sa iba na gumawa ng mga bagay na hindi naman silang obligadong gawin. Ang mga gawain rin ito ay nakakadagdag sa pagkiling at maling pagkakaunawa. Bilang resulta, mga malisyosong komento at pagpuna laban sa mga Buraku ay patuloy na lumalabas sa internet, na siyang nagsasakatuparan ng diskriminasyon.     Kaugnay dito, pinatupad muli ng bansang Hapon ang “Three Human Rights Bills” noong 2016, kabilang dito ang Act on the Promotion of the Elimination of Buraku Discrimination, Act for Eliminating Discrimination against Persons with Disabilities at and Hate Speech Act ng 2016.  Sa taong 2019, ang Ainu Promotion Act ay ipinatupad.     Sa likod ng nasabing kalagayan ng diskriminasyon labas sa Buraku at takbo ng mga bagay na may kinalaman sa karapatang pano, ang kilusang pagpapalaya sa mga Buraku ay bumuo ng mga lupon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang pang mga kilusan ng kapatang pantao at pagtatayo ng mga lokal na pamayanan. Naipararating din ng kilusan ang kanilang mga mensahe sa pamamagitan ng paggamit ng Nara bilang base nito na nakatuon sa mga pagsisikap na masupil ang diskriminasyon. Ang Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha ay nakipagtulungan sa kilusang ito at gumanap ng tungkulin bilang sentro ng pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa karapatang pantao. Isinasatupad nito ang pilosopiya ng Zenkoku Suiheisha na minimithi ang pagkakapantay-pantay at dignidad ng tao ng may matinding pag nanais na mapuksa ang diskriminasyon at gawin itong isa pamana para sa kinabukasan.     Kami ay umaaasa na lahat tayo ay makiisa sa pilosopiya ng pagkakatatag ng Suiheisha, at ito ay ang pagbuo ng isang mainit na lipunan ng tao  at magsigsa na maisakatuparan ang adhikaing ito.  Ang mithiin ito ay para sa pagbubuo ng isang mapagparaya at walang tinatanging lipunan, kung saan ang bawat isa ay maaaring maging mga sarili nila at malayang makapamuhay. Kami ay naniniwala na lahat ng pupunta sa Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha makakaintindi at aayon sa ganitong diwa. “Hayaang magkaroon ng init sa lipunan ng tao, hayaang magkaroon ng liwanag sa lahat ng nilalalng”.

2022-11-28

Panimula Ang FIHRM-AP ay itinatag upang itaas ang kamalayan sa mga suliranin sa karapatang pantao at masigasig na hikayatin ang mga museo na makilahok sa mga suliranin ng demokrasya at inklusyon. Ang pagpupulong ng FIHRM noong 2022 ay ginanap sa Oslo, Norway ng Setyembre nitong taon.  Pinangunahan ng  Demokratinetverket, ang tatlong araw na pagpupulong na ito ay naganap sa ilang piling-piling lugar na may kabuluhan sa demokrasya at karapatang pantao sa Oslo--ang Eidsvoll 1814, ang Nobel Peace Center at ang Norwegian Center for Holocaust at Minority Studies.   Ang talakayan sa pagpupulong ay unang nakatuon sa kung papaano mapanuring haharapin ang awtonomiya at kakayahang umangkop ng mga museo ng karapatang pantao sa mga lugar kung saan ang mga karapatang pantao at mga kasanayang demokratiko ay sinupil at ang pagtukoy sa uri ng mga ugnayan sa pagitan ng mga museo, estado at mga komunidad, gayun din sa paglalantad sa uri ng mga paghihirap na hinaharap ng mga museo pagdating sa pag-unlad. Tinalakay din dito kung papaano hinuhubog ng mga museo ng karapatang pantao ang kanilang mga gampanin and nakikilahok sa mga kontrobersyal na suliranin. Pagktapos nito, natuon naman sa pag iisa-isa ng kasalukuyang kalagayan ng mga museo ng karapatang pantao sa buong mundo at sa paghahanap ng mga solusyon o estratehiya sa inklusyon sa proseso ng paglutas ng inklusyon/ekslusyon na pang lipunan, kultural at politikal mula sa iba't ibang anggulo. Ang mga kalakok sa pagpupulong ay nanggaling pa mula sa Europa, Asya at Amerika, kasanama na si Hung, Shih-Fang, ang pinuno ng FIHRM-AP at ang direktor ng Taiwan National Human Rights Museuum at si Tenzin Topdhen, ang direktor ng Tibet Museum, at isa ring miyembro ng FIHRM-AP. Sa pamamagitan ng kanilang  pagbabahagi ng kanilang mga praktikal na karanasan at pamamaraan, ang mga kalahok ay nahimok na harapin ang mga suliranin ng inklusyon, hindi lamang sa lugar ng museo kundi sa buong lipunan.  Ang isa museo ay maaaring magsilbing simula ng pagpapalaganap at pagbuo ng isang patas na lipunan. Humaharap ang mga museo sa panloob at panlabas na mga paghihirap at hamon sa paglutas ng mga suliranin sa karapatang pantao Sa isang uliran na lipunan, lahat ay nilikha na pantay pantay.  Subalit, ang paglalakbay patungong Utopia ay isang mahirap na lakbayin.  Nang inumpisahan ang unang pulong sa unang araw ng pagpupulong, si Kathrin Pabst, ang pinuno ng Etika at nakatataas na tagapangasiwa ng Vest-Agder Museum, ay tahasang tinukoy ang mga hamon na maaaring harapin ng mga museo ng karapatang pantao.Ang limang uri ng paghihirap na kadalasang pinapataw sa mga museo ay ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga magkakatrabaho, ang tangkang burahin ang nakaraan, mga hindi inaasahang hadlang na politikal, digmaan at pinsala at ang pagsisikap na mapanatili ang pamanang kultural ng isang bansa.  Ang mga pinagmumulan ng paghihirap ay maaaring mabahagi sa panloob at panlabas. Ang panloob na pinagmumulan ng paghihirap ay nanggagaling sa mga tao sa loob mismo ng organisasyon ng museo at ang panlabas na pinagmumulan ng paghihirap ay nanggagaling sa lokal na pamahalaan at estado. Ngunit, ang krisis ay nagdadala din ng pagkakataon. Sa harap ng lahat ng uri ng mga hamon, ang pag-unlad ng mga museo ng karapatang pantao ay maaari ring magsanhi ng paghihirap.  Si Jette Sandahl, ang pinuno ng mga miyembro ng European Museum Forum, ay nag-alok ng pamamatnubay kung papaano  dapat duulog  sa mga hamonang mga museo.  Tinukoy niya na ang katotohanan na ang mga museo ay dumadaman ng mabigay at matinding pahirap at mga hamon ay ang mismong dahilan kung  bakit dapat lalung magkaisa ang mga museo ngayon higit pa kailan man na puksain ang "exceptionalism" na siyang namayani sa ilang siglo. Wala nang pagkakapiit. Dapat hindi na lamang manatiling komportable ang mga museo bagkus dapat humanap sila ng mga kaparehong pag-iisip. Ang lakbayin ng karapatang pantao ay walang tinatanging sinuman. Ang mga tagalingkod sa museo ay dapat magkaroon ng tapang na manindigan laban sa pagsasawalang kibo tungo sa pagsasabwatan sa kapangyarihan at lutasin ang mga hamon at hidwaan ng may masidhing paninidgan at  lansak na lakas. At tungkol sa papaano gumagana ang pagkakaisa sa isang museo, nagbigay ng mga totoong kaso sa larangang ito ang mga iskolars galing sa National Museums ng Liverpool at University of Leicester. Ang mga museo at pakikipagtulungan sa iba't ibang disiplina para sa pagbabago ng Waterfront Tinalakay ng mga tagapaghayag mula sa National Museums ng Liverpool at University of Leicester  ang proyektong Waterfront Transformation. Ang proyekto ay isang ganap na halimbawa ng pakikinabang sa lansak na lakas na siyang nagtutulak sa pag-unlad ng isang lokal na komunidad para sa isang pantay na lipunan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at mga pagsisikap mula sa lahat ng panig. Ang proyektong Waterfront Transformation ay nagsikap na panatilihin ang ugnayan sa pagitan ng mga museo at makabagong lipunan.  Mula sa pinakasikat na waterfron ng Liverpool, inuugnay ng proyekto  ang pagsasalaysay, pamana, komunidad at magiliw na pakikitungo upang makalikha ng isang mayabong na karanasan para sa mga bisita at magsilbing mitsa para sa pagpapabuting panlipunan at pangkapaligiran sa lugar.  Ang proyekto ay higit pa sa pakikipagtulungan sa pagitan ng mga museo at nagsasama rin ng mga lokal na residente upang makalikha ng isang siyudad na waterfront kung saan ang luma at bago at naghahalo.

2022-09-23

Ukol sa May-akda Erpan Faryadi Si Erpan Faryadi  ay kasalukuyang Project Manager ng Advocacy and Research Circle of Borneo (Link-AR Borneo), isang organisasyong pangkomunidad na nakikibahagi sa adbokasiya, pangangampanya, edukasyon, at pananaliksik sa mga paksa ng demokrasya, karapatang pantao, likas na yaman, pagbabago ng klima, at soberanya ng mga tao sa Kanlurang Kalimantan ng Indonesia. Tungkol sa Link-AR Borneo Ang Link-AR Borneo (Borneo Advocacy and Research Circle) ay isang organisasyong di-pampamahalaan na itinatag Abril 2, 2009. Itinatag ito upang isagawa ang adbokasiya na lutasin ang napakalaking suliranin ng pagkontrol sa mga lupain, kagubatan at mga likas na yaman ng mga industriyang walang habas na lumilikom ng mga ito. Sanhi ito ng mga interes sa ekonomiyang politikal na inuuna ang pangangailangan sa mga materyales na ibinibigay sa mga naglalakihang industriya sa mundo. Ang kondisyon na ito ay hindi maihihiwalay sa lupaing Borneo na may masaganang likas na yaman. Batay dito, itinatag ang Link-AR Borneo upang maisagawa ng adbokasiya batay sa ebidensya. Ang adbokasiyang ito ay isang pagpapakita ng pagkakahanay ng Link-AR Borneo sa mga interes ng komunidad at maaaring mapanatiling katarungang ekolohikal. Simula ng pagkakatatag nito, naging aktibo ang Link-AR Borneo sa paggawa ng iba't ibang pagsisikap sa pagtataguyod at pagtatanggol sa mga karapatang pantao, paghihikayat para sa pagpapabuti ng makatarungan, napapanatiling kagubatan at pangangasiwa sa lupa, gayundin ang paghihikayat ng kasarinlan ng komunidad sa pamamahala ng kagubatan at lupa. Ngayon ay ang pinaka magandang panahon upang suriin ang mga patakaran ng Pamahalaang Indonesia at kanilang mga pagtugon sa pandemyang COVID-19 at ang epekto ng mga patakarang ito sa mga mamamayan, kabilang na ang epekto sa pagpapatupad at paggalang sa mga karapatang pantao. Mula sa simula ng taon 2020 (Enero hanggang Marso 2020), ang pamahalaan ng Indonesia at mga opisyal nito ay hindi lubusang tumugon sa presensya ng COVID-19. Parang minamaliit pa nila at hindi naniniwala sa pag-iral ng COVID-19. Ang bise-presidente ng Republika ng Indonesia noong 2020 ay nagsabing sa mga dasal ng mga relihiyosong pinuno, ang COVID-19 ay hindi sasapit sa Indonesia. Maging ang Pangulo ng Indonesia noong 2020 ay nilinlang ang mga mamamayan sa pagsasabing, “Ang mga mamamayan ng Indonesia ay maaaring masupil ang COVID-19 sa pamamagitan ng pag-inom ng mga halamang gamot”. (Tingnan ang CNN Indonesia, 16 Marso 2020, “Media Asing Soroti Jokowi Minum Jamu Untuk Tangkal Corona”). Ang mga hindi siyentipikong tugon na ito ang naging batayan ng mga patakaran ng pamahalaan ng Indonesia sa pagharap sa pandemyang COVID-19. Mga Hakbang ng Pamahalaan ng Indonesia sa Pagharap sa COVID-19 Simula ng anunsyo ng WHO noong Marso 2020 sa COVID-19 bilang isang pandaigdigang pandemya, dapat sinimulan ng pamahalaan ang mga sistematikong hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa Indonesia sa pamamagitan ng pag-imbita sa mga eksperto sa kalusugan, lalong-lalo na sa mga espesyalista sa nakakahawang sakit. Gayunpaman, kahit na ang pangunahing suliranin ay ang mga problemang pangkalusugan, ang mga pananaw ng mga dalubhasa sa kalusugan ay madalang pakinggan ng pamahalaan. Minsan, minamaliit ang mga ito at may mga pagkakataong taliwas sa pamahalaan ang pananaw ng mga dalubhasa. Ngunit, simula Abril 2020, inatasan ng Pamahalaan ng Indonesia ang Indonesian National Armed Forces (TNI) at pulisya na ikulong ang mga tao sa kanilang mga bahay[1],  paghigpitan ang pagsamba, paghigpitan ang paggalaw ng mga tao at ipagbawal ang mga protesta at demonstrasyon, na mag-aanyaya ng maaaring mga paglabag sa karapatang pantao, partikular na ang mga karapatang sibil at pulitika. Pagkatapos mapagpasyahan na ang corona ay isa nang pandaigdigang pandemya, gumawa ng mga hakbang sa pagkontrol ang pamahalaan ng Indonesia ngunit walang ‘pambansang atas’. Ipinagpalagay ng mga eksperto ng pampublikong kalusugan na tila mabagal ang mga hakbangin ni Jokowi at hindi ito sapat upang pakalmahin ang publiko. (Tingnan ang BBC News Indonesia, 16 Marso 2020, “Virus corona: Jokowi umumkan langkah pengendalian Covid-19, tapi tanpa komando nasional.”) Mahilig ang pamahalaan magpakilala bawat buwan ng bagong tuntunin at patakaran sa pagharap sa pandemyang COVID-19 ng walang makabuluhang intensyon na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa Indonesia. Ipinapakita nito ang matinding takot at kakulangan ng direksyon sa patakaran ng gobyerno sa lahat ng antas sa pagharap sa nakamamatay na sakit na ito. Minanipula din ng mga opisyal sa pamahalaan tulad ng Ministro ng Panlipunang Gawain na si Juliari Batubara, ang tulong panlipunan (bansos) sa pamamagitan ng mga pakete ng mga pagkain para sa mga mahihirap bilang pagbabalatkayong paglutas sa COVID-19 noong Disyembre 2020.[2] Isang kahihiyan ang ginawang ito ng opisyal ng pamahalaang Indonesia sa gitna ng paghihirap na dinaranas ng mga mamamayan ng Indonesia dahil sa COVID-19. Ang pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 at mga namamatay dahil rito ay siyang lalung nagpahirap sa pamahalaang Indonesia sa pagharap dito.  Dapat sana’y tinitiyak ng gobyerno ang karapatan ng mga tao sa kalusugan, na isang karapatang pantao, kasama ang pagsisiguro ng mga personal na gamit ng mga manggagawang pangkalusugan na siyang nasa harapan ng pakikipaglaban sa COVID-19. Sa pagharap sa kalupitan ng pandemyang COVID-19, nagmistulang walang kalaban laban ang gobyerno ng Indonesia habang inuulat araw-araw ang pagtaas ng bilang ng mga pasyente at namamatay dahil sa COVID-19 na siyang patuloy na tumataas mula pa nang kalagitnaan ng Hunyo 2021. Ang Epekto ng COVID-19 sa mga Mamamayan ng Indonesia Magmula noong Abril 2020, pinangasiwaan ng pamahalaan ng Indonesia ang patakaran (PSBB) sa isang malawakang panlipunang paghihigpit na naglalayong maputol ang tanikala ng pagkalat ng COVID-19. Ang patakarang PSBB ay nabigong matamo ang kanyang adhikain, tulad ng mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 at bilang ng mga namamatay dahil dito, mga bagay na alinsunod sa dalawang pangkalahatang layunin ng WHO sa pagharap sa COVID-19. Noong Hulyo 2021, lalong lumala ang pandemya ng COVID-19 sa Indonesia dahil sa kawalan ng katiyakan ng pamahalaan sa pagpili ng kalusugan ng publiko o sa pag-unlad ng ekonomiya. Sa buong Hulyo 2021, ipinatupad ng pamahalaan ng Indonesia ang Emergency Enforcement of Community Activity Restrictions (PPKM) sa mga isla ng Java at Bali na naging mabisa mula Hulyo 3-20, 2021. Sa pamamagitan nito, inasahan ng pamahalaan na masugpo ang mabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19 at mabawasan ang bilang ng mga namamatay dahil rito. Samantala, sa labas ng  Java at Bali, ipinatupad ng pamahalaan ang PPKM Micro (pagpapatupad ng paghihigpit sa maliit na antas tulad ng mga pamayanan at purok). Ang lahat ng mga patakarang ito ng gobyerno ay walang naidulot na epekto sa pagbawas ng COVID-19. Ang toto nyan, ang bilang ng pagkalat at kamatayan sa COVID-19 sa Indonesia ay tumataas. Ang Papel ng mga Organisasyon ng Panlipunang Sibil sa COVID-19 sa Indonesia Ang mga organisasyon ng panlipunang sibil sa Indonesia ay mga aktibong samahan mula pa noong panahon ng repormasyon o sa panahon matapos ang diktadura. Maraming mga organisasyong sibil sa Indonesia ang nagkaroon ng aktibong papel sa mga larangan ng mga karapatang pantao, pagbabago ng klima, kalusugan, pagbabago ng batas, soberanya sa pagkain, pagbabago at mga karapatan sa lupa, mga isyu sa mga manggagawa at iba pa. Nanghihikayat din ang mga samahang ito ng maraming grupo at indibidwal na makilahok sa kanilang mga kilusan at kampanya, kasama na rito ang mga manggagamot, tagapagtanggol, mga dalubhasa sa agrikultura at iba pa na siyang tumutulong sa mga ogranisasyon ng panlipunang sibil na maging mas katiwatiwala at maraming karanasan sa mga larangang ito. Kung baga, ang mga organisasyon ng panlipunang sibil sa Indonesia ay tumutulong sa proseso ng demokrasya sa Indonesia matapos ang panahon ng diktadura. Tinututukan din sa Indonesia ng mga organisasyon na pangsibil sa lipunan ang pagtugon sa COVID-19, kabilang ang Citizens' Coalition to Report Covid-19. Ang Citizens' Coalition to Report Covid-19 o LaporCovid-19 ay binuo ng isang grupo ng indibidwal na may pagmamalasakit sa mga isyung karapatang pantao ng mga mamamayan at pampublikong kalusugan kaugnay sa pandemyang COVID-19. Binuo itong koalisyon noong simula ng Marso 2020 nang opisyal kung saan opisyal na napag alaman ang maraming kaso ng pagkalat ng COVID-19. Nagtatag ang LaporCovid-19 ng plataporma na ginagamit para makapagbigay-impormasyon tungkol sa mga insidente na may kinalaman sa COVID-19 na napag alamanan ng mga residente, na hanggang ngayon ay malayo sa abot ng gobyerno. Ang paggamit ng crowdsourcing approach kung saan kinakailangan ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pagtala ng mga bilang ng COVID-19 at pagbibigay-alam sa mga isyu ng COVID-19 sa kapaligiran, ay naging tulay sa pagtatala ng bilang ng mga insidente ng COVID-19 sa bansa. Ang LaporCovid-19 ay isang porum na tumutulong sa pamahalaan at sa ilang mga mamamayan para malaman ang distribusyon at lawak ng COVID-19 sa Indonesia. Ang mga impormasyong nakalap tungkol mula sa  LaporCovid-19 ay punla para sa pamahalaan upang makabuo ng mga patakaran at ng mga hakbang sa pagharap sa COVID-19 base sa datos sa paligid. Ang LaporCovid-19 ay binubuo ng mga sumusunod na organisasyon ng panlipunang sibil sa Indonesia: YLBHI, Tempo magasin, Efek Rumah Kaca, Transparency International Indonesia, Lokataru, Hakasasi.id, U-Inspire, STH Jentera, NarasiTV, Rujak Center for Urban Studies, Indonesia Corruption Watch. Ang YLBHI ay isang grupo para sa mga karapatang pantao na itinatag simula noong dekada 1970 upang palagiang bantayan ang obligasyon ng pamahalaan ng Indonesia sa karapatang pantao; samantala ang Tempo Magasin ay isang bahagi ng Grupong Tempo na nakatuon sa mga  karapatang pantao, kapaligiran at katiwalian. Ang kawalan ng sistema sa pagharap sa COVID-19 ay binigyang diin ng Civil Society Coalition na binunuo ng LaporCovid-19, ICW, YLBHI, LP3ES at Lokataru, ang magulong pagsasaayos sa COVID-19. Ayon sa pagsusuri ng koalisyong ito, ang pamahalaan ni Jokowi ay nabigo sa pamamahala sa pandemyang dinaranas ng Indonesia magmula pa noong unang bahagi ng Marso 2020. Mga Puna ng LaporCovid-19: Hindi mapigilan ng gobyerno ang bilang ng mga namamatay dahil sa problema sa pamamahala sa COVID-19. Ayon sa LaporCovid-19, maaaring nabawasan na nung umpisa pa lamang ang bilang ng mga namatay kung ang gobyerno ay maigting at agad agad na nagsagawa ng pagpipigil at pag-aapula. Tingnan ang artikulo "Kasus Meninggal Melonjak & RS Kolaps, Negara Gagal Tangani COVID?", Tirto.id, Hulyo 6 2021, https://tirto.id/ght5.  Kahit na may pondo ang gobyerno na Rp 695.2 trillion para sa pamamahala sa COVID-19 sa taon 2020. (Tingnan ang Kompas, 20 Disyembre 2020, “Kebijakan Pemerintah Menangani Covid-19 Sepanjang Semester II 2020.”)