:::

Museo Nagpapakita ng Lakas ng Pagkilos sa Pagharap sa Mahihirap na Isyu: Pananaw sa ICOM Pagpupulong sa Prague

ICOM PRAGUE

ICOM PRAGUE

      Ang taunang pagtitipon ng pangkalahatang kapulungan ng ICOM (International Committee of Museums) ay matagumpay na nagtapos, sa pagwawakas ng kanilang pagtatanghal noong ika-28 ng Agosto sa Prague, Czech Republic.  Dahil sa pandemya ng COVID-19 at matapos ang halos tatlong taon ng paghihintay, and ika-28 na edisyon ng pangkalahatang kapulungan, pinamagatang 'The Power of Museums," ay naghatid ng ilang mga paksa na hindi lamang sumisibl sa mga komunidad ng museo ngunit pati na rin sa lipunan.  Mayroonng apat na magkakasakop at magkakaugnay na paksa na pinagsama-sama sa isang pangunahing entablado: Layunin: Ang Mga Museo at Sibil na Lipunan, Kakayanan Manatili: Mga Museo at Katatagan, Pananaw: Ang Mga Museo at Pamumuno, Paghahatid: Ang Mga Museo at Bagong Teknolohiya, nagsisikap na makapagbigay ng isang pangkalahatang talakayan kung papaano ang mga museo bilang isang komunidad at mas lalu pang makikilahok ng higit pa sa mga gawaing kultural.

        Bilang bahagi ng pamayanan, nakilahok ang National Human Rights Museum of Taiwan sa pagpupulong at naglahad ng pamamaraang edukasyonal ng pakikilahok sa aming pagtatanghal na nagbubunsod na magkaroon ng pagkakaunawaan at pagtanggap sa mga nagaganap na pagbabago sa sistema ng hustisya.  Sa loob ng tatlong araw ng pagpupulong, alinsunod sa mga ibinahing paksa ng ICMEMO (International Committee of Memorial Museums in Remembrance of the Victims of Public Crimes), ilang mga suliranin ang nabanggit na nangangailangan ng pansin.

Museo at Pagbibigay ng Kapangyarihan sa Sarili: Pagbibigay ng Tulong sa Panahon ng Digmaan

        Noong ika-24 ng Pebrero, ang sandatahan ng Russia ay nagsimulang gumamit ng pwersa upang sakupin ang Silangang bahagi ng Ukrain na pumatay sa libu-libo at higit pa.  Simula noon, ang mga institusyong kulturan ng Ukraine ay inatake, at ang pagpapanatili ng mga kundisyon ng mga tala at alaala ay lubhang nanganib. Si Marta Havryschko, direktor ng Babyn Yar Interdisciplinary Studies Istitute, ay lumipad mulasa Ukraine patungong Switzerland, ay nagpakita ng isang talangguhit ng mga piyesa ng isang kultura na maaaring napuksa o nasira sa digmaan: 36 na museo, 165 na mga gusali ng mga relihiyon, at 219 na mga sinaunang gusali at iba pa. Bilang karagdagang suportang sibil, ang memorial center ay nagpasimula ng misyon ng pagtitipon ng mga patotoo laban sa Russia at sa iba't ibang tagapagpatupad ng batas nito, tulad ng international court sa Hague at pagsasagawang digital ng mga talang Ukraine. Ang data digitalization ay aging isang di maiiwasan at lubos na mahalagang gawain sa mga museo ng ika-21 na siglo; lalung napatunayan ito sa panahon ng digmaan.  Bagaman ang kaso ng Ukraine ay isang bagay na walang sinuman ang mangangahas hamunin o isipin na mamuhay rito, ang pagpapakita ng Havryschko kung papaano ang mga museo ng Ukraine at mga institusyong kultural nito na may kalakip na pagsubok ay tunay na  nagpakita ng potensyal ng mga museo ng pagiging higit pa bilang isang lugar ng pagkatuto.

Museo at Propaganda: Pagtuturo ng Politiko sa Lugar na tila Walang Pinapanigan

        Bilang daluyan ng kultura at kaalaman, ang mga museo ay mayroon ring bahagi sa tungkuling paghahatid ng ng impormasyon at mga katotohanang walang pagkiling sa pamamagitan ng mga kasalukuyan o makasasayang pangyayari. Ang mga kaisipan na may kinalaman sa mga personal na kwento at karanasan ay lumalabas kapag nahaharap sa mga bagay, maging ito man ay gamit o isang teksto.  Ipinapakita sa iba't ibang pag-aaral na ang pangangasiwa sa mga museo o ang museo mismo ay malayo sa pagiging isang gawa na walang kinikilingan.  Ang mga pamamaraan at posisyon ay naglalahad ng kwento mula sa mga tiyak na  pananaw. Gamit ang kanyang karanasan sa pagtatayo ng Museum of Second World War sa Gdansk , si Propesor Pawel Machecewicz ay naglahad ng isang matibay na halimbawa kung paano ang  impluwensya ng mga maka kanan ay mariing nakapagdidikta sa direksyon ng museo; ang mga impormasyon na nagpapakita ng pagiging maka bayan ay isang pagtataksil sa estado.  Ang pagtatayo ay nahinto at naharap pa sa mas pang maraming balakid. Ang mga institusyong kultural na itinatag sa pamamagitan ng mga yaman ng estado, maliban pa sa itinatag ito sa ilalim ng isang rehimeng diktadura, ay nanganganib na magkaroon ng iisang salaysay. Alinsunod sa direksyon na ito, si Voytech Kynci na mula sa Academic Science ng Republika ng Czech ay nagpaalala sa atin na ang pagsasailalim sa Soviet ng kanyang nayon ay hindi dapat kailanman malimutan at dapat idiin na ito ay isang paghihirap ngunit mahalagang nakaraan.

       Kapareho nito, si Barbara Thimm, isang taga pagsalita mula sa dating kulungan ng Khmer Rouge ng S21 sa Cambodia, ngayon isang museo na nagtatala ng mga sakit at kirot ng mapang aping, diktaduryal na nakaraan sa ilalim ng Khmer Rouge, ay nagbanggit ng kanilang pamamaraan sa pangangasiwa sa pakikipag-ugnayan sa mga tao na kumekwestyon sa kanilang mga pagsisikap na makapagbigay ng mga makatotohanang materyales at hayaang ang mga katibayan ito na ang magsalita para sa kanilang mga sarili.  Bilang isang isang takas na nagtungo sa Estados Unidos, ang alagad ng sining na mula Cuba na si Geandy Pavón ay nagbigay din ng babala sa publiko na naniniwala sa lahat ng maaaring sabihin ng mga institusyon  sa ilalim ng isang mapang aping rehime.

Museo at Diyalogo:  Ang Patuloy na Umuunlad na Pagpapalitan para sa isang Maliwanag na Kinabukasan

        Ang museo sa ika-21 siglo ay isang lugar para sa madla. Sa kabila ng pananatiling isang mahusay na institusyon sa mata ng ilang mga piling tao, dumadami ang mga mangangaral na nagdadala ng pamamaraang pakikilahok at bottom-up sa mga museo upang isama ang mas marami pang boses bukod sa kanila. Ang museo ay kailangang maengganyo ang madla at makapagdala ng hindi lamang mas maraming salaysay mula sa mga mamamayan ngunit mga konteksto tungkol sa isang panahon, mga makasaysayang pangyayari, at ang pang araw-araw na pamumuhay ng tao sa isang lipunan.  Sa paglalahad ng mga kwento mula sa iba't ibang aklat-aralin, ang mga tagapag sanay ng museo na gaing Portugal at Espanya na sina Aeda Rechna at Almudena Cruz Yeba, ay parehong nagbigay diin sa kahalagahan ng patuloy na bigyang pansin ang mga kasaysayang hindi palagay ang ilan, higit pa rito, anyayahan ang pamayanan na makilahok sa pagbuo ng alaala, mga panyayari at pagtuklas muli ng kanilang pamanang kultural. Ang pakikipag-usap at pagpapalitan ng diskurso ay naging isa sa mga pinaka mahalagang gamit sa pagbuo ng tulay sa pagitan ng hindi kilala at hindi pa narinig.

        Sa kanyang talumpati tungkol sa museo at lipunang sibil, lalong idiniin ni Margarita Reyes Suárez, isang anthropologist at museologist (pag-aaral sa tao at sa museo) na magkaroon ng kamalayan sa kapitalisasyon at pagiging Amerikano ng mga museo sa turismo. Dapat mapangalagaan sa maraming paraan ang pamanang kultural hindi lamang sa pumapasok na kapital. Sa pagsasaad ni Suárez ng pagbabalik ng responsibilidad ng museo sa mga tao sa komunidad, binigyan-diin niya rin ang pag-alis ng pananaw ng taga-kanluran at pagbibigy ng mas maraming puwang para sa magkakaibang kultura. “Ang mga museo ay dapat maging isang lugar na nakikinig at kung saan dinidinig ang mga tao.”

         Ganoon din, upang maipaliwanag ang pagkakaroon ng mga taong kakaiba sa nakalipas sa Republika ng Czech, hinimok ni Ladislav Jackson ang komunidad ng mga museo na lumihis sa  pangkaraniwang kaisipan n dalawa lamang ang kasarian, na maingat na gumagawa ng mga progresibong hakbangin sa pagkilala ng mga karapatan sa buhay  at maalala ng mga taong ito.  Ang mga gamit at buhay ng mga taong hindi heterosexual ay kailangang naitatala at naitatabi, tulad ng anu pa mang piraso ng kasaysayan.  Kaya, ang pagsasama sa mga tagapagsanay ng museo at mananaliksik na kakaiba ay dapat lalung mabigyan ng  bigat at pansnin sa mundo ng mga museo. Sa pamamagitan ng pagbubukas ng daluyan para sa mga pangkaraniwan at komunidad, kung saan ang mga museo ay naninidigan para sa pagkakapantay-pantay, saka lamang makakamit ang mga makatotohanang dokumentaryo.

       Sa kabuuan ng pag-unlad ng museo, simula kay Alexandria, ang paglikom at pag-aaral ay ang laging naging layunin nito. Ang makabagong museo ang may katungkulan nito at gumaganap ng makabuluhan at inklusibong hakbang para sa mga mamamayan at gumagamit ng espasyo ng museo. Sa pagpupulong, ipinapakita na ang pagbubuklod sa isang lipunan ay bumubuo at nagpapahiwatig ng lakas. Ang mga modernong museo ay dapat, ngayon higit pa kailan man, ay maging isang komunidad at magpatibay sa ugnayan sa pagitan, mo, ako , at nating lahat.