:::

Lockdown ba o Crackdown?

Protesta Laban sa Martial Law

Protesta Laban sa Martial Law

Tungkol sa Nag-uulat – Michael Beltran

Si Michael ay naging isang mamamahayag ng anim na taon at ginugol halos ang buong buhay niya bilang isang aktibistang pulitikal. Ang kanyang trabaho ang nagdala sa kanya upang tumalakay ng mga kwento tungkol sa kanyang bansa na may kinalaman sa mga karapatang pantao, pagliit ng puwang para sa demokrasya, ang pamamagitna ng Tsina at iba pang mga makapangyarihang bansa, sapilitang pangingibang bansa, pagpapaalis at paglilikas kasama pa ng iba pang mga kwentong nakatuon sa iba’t ibang mga sektor na naisasantabi. 


Habang ang Pilipinas ay unti unting lumalapit sa pagtatapos ng lockdown, ang buong bansa ay nananatiling nagdurusa mga troma ng pandemya.  Hindi ang virus, o ang kawalan ng katiyakan ng bakuna at kinabukasan ang labis na nakakapagpabagag sa mga Pilipino.

Sa Pilipinas, may malawak na uri ng mga grupong panlipunan ang may iba’t ibang pananaw sa kani-kanilang mga adhikain.  Ang mga NGO, organisasyong pang masa, grupong sektoral at kultural ay lahat nakapag ambag ng malaki sa bansa at sa kanyang mga nanganganib na mamamayan upang makaraos.

Nakilahok na ang mga grupong panlipunan upang punan ang mga kakulangan sa gitna ng lockdown habang may pandemya.  Ang pagkain at ang seguridad nito ay nanatiling isang mahalaga at kritikal na bagay sa buong panahon ng pandemya.  Ang kakayanang  makapag imbak at makapagpanatili ng pagkakaroon ng pagkain ng mga komunidad na may mababang kita ay mga bagay na madalas kinakaharap ng mga grupong may adhikaing lutasin ang mga tulad nito.

Itinaguyod ng mga pang masang organisasyon at foundations ang Community Gardens and Kitchens sa buong bansa lalong-lalo na sa mga pamayanang mahihirap kung saan kakaunti ang pinanggagalingan at seguridad ng pagkain. May mga tanim na nakasabit mula sa bubungan ng mga bahay na nakalagay sa mga pasong gawa sa mga gamit na boteng plastik. Ang pag-ani ay sama-samang ginagawa ng mga grupo sa pamayanan at ang resulta ay isang tulong-tulong na pagsisikap sa pagluluto at paghahatid ng pagkain sa lahat ng nagugutom at naghihirap.

Isa pang hakbangin na nagtamo rin ng matinding popularidad ay ang mutual aid phenomenon na  kilala bilang community pantry. Si Patricia Non, isang lokal na aktibista at alagad ng sining, ang nagpasimula ng isang simpleng ideya kung saan ang isang tao ay magtatayo ng isang mesa o lalagyanan sa isang pampublikong lugar, lalagyan ng maraming pagkain at may karatulang: “Kunin ang iyong kailangan, iwanan kung ano ang iyong kayang iwanan.” Nagsimula ito ng malawakang kilusan ng masa sa buong bansa para sa mutual aid.

Maliban sa pagtugon sa isang pangangailangan na malinaw sa kasalukuyan, ang mga pagsisikap na ito ay naglantad din sa mga kakulangan ng estado sa pagtugon sa pandemya. Hindi nakakagulat na sinubukan ng pamahalaan na supilin ang mga ito at ituring na tila mga terorista, bagay na siyang naging palagiang tema ng politika sa pandemya.

Ang labis na kawalan ng tiwala sa naging pagtugon ng pamahalaan sa krisis ang siyang nagpahiwatig ng damdamin ng publiko sa nakaraang dalawang taon. Maaaring iyan o ang isang pangkaraniwang pananaw na ang Pamahalaang Duterte ay walang kakayahang magsagawa ng anuman sa gitna ng mga peligrosong pangyayari. Imbis na tugunan ang isang mahalagang pangangailangang medikal, ginamit nito ang sitwasyon ng lockdown upang maghasik ng mas marami pang karahasan at takot sa kanyang mga biktima.

Mula noong huling bahagi ng taon 2018, nagpahayag ng giyera ang pamahalaan ni Presidente Rodrigo Duterte laban sa mga kaaway nito sa pulitika. Sa mata ng bansa, isang komunista o terorista lamang – halinhinan nilang ginagamit ang mga ito, ang magtatangkang kwestyunin ang pamahalaan.  Ang pagmarka o pagbansag sa mga aktibista at kritiko bilang mga taga suporta o rekruter ng mga komunistang rebelde ay ginagawa sa mga kumakalaban sa gobyerno. Ang mabansagan ay sapat na upang ang isang tao na terorista ay iligpit.

Itinatag ni Duterte ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Para sa karagdagang kaalaman, ang digmaang sibil sa Pilipinas ay nagaganap na sa mahigit 50 taon, inilunsad ng Communist Party of the Philippines (CPP o Komunistang Partido ng Pilipinas) kasama ang mga guerilla ng New People’s Army (NPA). Habang sila ang pinakamatinding kalaban ng isang mapang-aping gobyerno ng Pilipinas sa loob ng maraming taon, ang mga sibilyang kritiko ng rehimen ay sumasailalim din sa parehong pagsisiyasat tulad ng mga rebelde. Ang rehime ay umabot sa puntong na lahat ng anumang uri ng pagpapahayag tungkol sa pamahalaan ay itinuring bilang propaganda ng komunista na may layuning manghikayat ng mga kabataan sa rebolusyon.

Ang hidwaang ito ay naglantad ng napakaraming tanong sa pamahalaan na nanatiling walang kasagutan.  Bakit maraming Pilipinong ang umaalsa at naghihimagsik, at bakit nila ito matagal nang ginagawa? Matagal nang may daan tungo sa mapayapang kasunduan, ngunit sadyang pinipili ni Duterte ang pag-isahin lahat ng kanyang mga kaaway palabasing lubhang masasamang tao upang gawing marapt ang pagtaas ng karahasan.

Ang ganitong panghuhuli ng mga komunista, tila nagpapaalala ng mga gawaing McCarthyist noong panahon ng Cold War ay halos puma pareho sa kilalang di kanais nais at karumal-dumal na laban sa droga ni Duterte. Sa unang bahagi ng kanyang paninilbihan bilang presidente, ipinatupad niya ang Oplan Tokhang, isang kampanya laban sa droga na pinamumunuan ng mga nagpapatupad ng batas. Tulad ng laban sa droga, ang mga binansagang adik o pusher ay kusang ipinaliligpit, katulad ng mga ginagawa sa mga karibal ng pamahalaan sa pulitika.

Noong 2020, sa kasagsagan ng pandemya, ang mga aktibista ay nasa pinaka maselang sitwasyon.  Ang pananatili sa bahay ay nangangahulugang pagiging bukas sa anumang badya ng panganib.  Ang mga pagpatay sa mga namarkahang aktibista ay kitang kitang dumami kung saan ang mga kilala at matataas na pinuno ay marahas na pinatay nang walang anumang paglilitis na naganap sa kani-kanilang mga bahay na.

Sina Jory Porquia, Randall Echanis, Zara Alvarez at Carlito Badion ay ilan sa mga kilalang biktima ng karahasan ng pamahalaan. Bago ang kanilang kamatayan, inakusahan sila ng pagiging “teroristang komunista”. Ang salitang ito ay pinasikat ng mga militar sa paglalayong idiin na ang isa ay hindi maaaring maging komunista kung hindi ito terorista. Hindi iligal sa Pilipinas ang umanib sa anumang idelohiya.  Ngunit para sa sandatahang lakas, ang isang taong kumikiling sa kaliwa ay tiyak na isang komunista kaya’t ito rin ay, at mananatili ding, isang terorista.  Kaya naman dapat puksain ang mga teroristang ito.

Maging ang Komisyon sa Karapatang Pantao ay nagpahayag ng labis na pag-aalala tungkol sa mga nakababahalang daloy ng mga pangyayari kung saan ang kinahuhulihan ng mga namamarkahan ay sa kabaong.  At hindi lamang ito mga aktibistang namarkahan. Ang malawak na uri ng mga miyembro ng lipunan ay tinuring na mga terorista, magmula sa mga mambabatas, miyembro ng simbahan, mamamahayag at maging ang isang UN Special Rapporteur  at ilan pang mga sikat na personalidad na nagkakawanggawa.

Ang mga pagpuna sa pamahalaan ay mahigpit na pinagbabawal!  Ang Pilipinas ay nagkaroon ng ilan sa mga pinakamalaking donasyon at utang para sa COVID-19 ngunit siya ring nakapag-alok ng ilan sa pinakamababa at pinakamaliit na anyo ng tulong.  Karamihan sa pondo ay ginamit sa pagpapalakas  sa presensya ng kapulisan at militar sa bansa na may matinding pagkiling laban sa kahit na pinakamaliit na paglabag. Maaari kang mahatulan ng pagkabilanggo dahil lamang sa hindi paggamit ng facemask, hindi pagsunod sa curfew o kahit na paglabas ng iyong pintuan.

Karaniwan mong maririnig mula sa mga Pilipino sa iskwateran ang kanilang takot sa pagkagutom dulot ng kawalan ng trabaho higit pa sa virus mismo. Lahat nang ito ay lumutang noong April 2020, dadaang daang mga ikwater sa Maynila ang sabay sabay na nagprotesta sa kawalan ng tulong at sa kakulangan sa pagkain habang ang mga kakampi ni Duterte ay tahasang nagpapakita ng kanilang mga yaman at pribilehiyo.  Sinalubong sila ng mga batuta at posas. Dalawampu’t isa sa pinakagutom sa buong bansa ang itinapon sa kulungan at kinailangang ang buong bansa ang humiyaw para sila ay makapagpiyansa at makalaya.

Noong Hulyo 2020, lalong pinadali ng pamahalaan ang buong proseso ng pagpuksa sa kanilang mga inaasinta. Ipinasa nila ang kontrobersyal na batas na tinatawag na Anti-Terror Law. Ito ang pinakamalupit at pinakamapaniil na patakaran ng pamahalaan magmula nang maranasan ng bansa ang lantarang diktadurya sa maraming taon ng Martial Law noong dekada 70 at 80.

Ang Anti-Terror Law ang nagpalinaw sa lahat ng mga sinasabi ni Duterte at ng kanyang mga kasamahan at hinayaan nito ang walang habas na paniniil sa kalayaan ng mga sibilyan.  Ang mga pag-aresto ngayon ay maaari nang maganap kahit walang warrant at kahit base lamang sa pwang mga ispekulasyon na ang isang indibidwal ay isang terorista. Ang natatanging konsepto ng terorista ay binigyan ng malawak na kahulugan na maaaring masakop ang sinuman.

Ang karamihan ng aking inilarawan ay sa taon lamang ng 2020. Sa kasawiang palad, tulad ng virus, ang mga pangyayari ito ang siyang naghulma sa mga nangyayari sa Pilipinas mapasa hanggang ngayon.  Ang bansa ay kasalukuyang dumadanas ng isa sa pinaka masahol na sakuna sa mga karapatang pantao sa kanyang makabagong kasaysayan kaakibat ng patuloy na pagkait sa mga karapatang pang ekonomiya ng mga nasa bingit ng peligro. Ang pinaka malala pa sa Pilipinas ay hindi lamang ang mga brutal na tala sa mga karapatang pantao, kundi ang napakalaking hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan na kitang kita noong panahon ng lockdown.   Marami pang kapareho nito, kung hindi man mga nagsangang pangyayari mula sa mga nakaraang krisis ang patuloy na bumabagabag sa atin.  Ang resulta ng pinaka huling eleksyon nitong Myo 2022 ay lalung nagpatibay ng damdaming ito.

Sa kabutihang palad, dahil sa pangunguna sa pagsisikap ng mga komunidad, malayo layo na rin ang narating ng lipunang sibil sa pakikipaglaban nito upang umukit ng kahit maliit na puwang para sa mga karapatang demokratiko sa kaparaanang hindi pag hintulot nito sa bansa na muling masadlak sa matinding karahasan at bumalik sa panahong Martial Law.

May mga kadahilanan para umasa. Ang mga hardin, kusina at community pantries ay kumakatawan lamang sa isang panig ng paglaban. Ang paglaban ay maaaring magkubli sa maraming anyo.  Ngunit ang hindi lantad na hindi pagsang-ayon ay nag-uumapaw sa mga kalye na mayroong maraming tao at ito ay nagaganap ng may kadalasan. Mas madalas at mas maraming taong hindi sumasang-ayon ang lumalabas sa kalsada. Ang mga bagay ay mas lalo pang lalala bago bumuti at maraming mga Pilipino, organisasyon, asosasyon at kung anu-ano pa ang naghahanda sa kanilang mga sarili para rito.

Community Gardens (Hardin ng Komunidad)

Community Gardens (Hardin ng Komunidad)