:::

Pakikipagtulungan sa mga Komunidad: ICSC Workshop

Mga kalahok sa pagsasanay na may temang 'Pagsusulong ng Epektibong Pakikipagtulungan: Museo, Pamayanan, at Karapatang Pantao' na ginanap sa National Human Rights Museum (NHRM) noong Nobyembre 8. (Larawan mula kay FIHRM-AP)

Mga kalahok sa pagsasanay na may temang 'Pagsusulong ng Epektibong Pakikipagtulungan: Museo, Pamayanan, at Karapatang Pantao' na ginanap sa National Human Rights Museum (NHRM) noong Nobyembre 8. (Larawan mula kay FIHRM-AP)

May-akda: An Chen, mag-aaral sa Graduate Institute of Museum Studies, National Taipei University of the Arts (TNUA)


Pakikipagtulungan sa mga Komunidad: ICSC Workshop

Sa kasanayan ng pagsusulong ng karapatang pantao, ang paraan kung paano kinikilala ng mga museo at mga organisasyon ng karapatang pantao ang kanilang mga komunidad na nilalayung makipagtulungan ay susi sa pakikilahok ng komunidad. Sa temang “Building Effective Collaborations: Museums, Communities and Human Rights”, isang workshop ang idinaos ngayong taon sa gitna ng taunang kumperensya ng FIHRM-AP. Si Linda Norris, Senior Specialist ng Methodology and Practice sa International Coalition of Sites of Conscience (ICSC), ay inimbitahan bilang tagapamahala upang pangunahan ang mga talakayan kung saan hinihiling sa mga kalahok na masusing suriin ang mga komunidad na kanilang tinutulungan at ang mga isyu sa karapatang pantao na kanilang nilulutas, upang mas maintindihan nila kung paano gamitin ang kanilang mga yaman para simulan ang pakikilahok ng komunidad.

Ang ICSC ay itinatag noong 1999 bilang isang lupon ng mga makasaysayang lugar, museo, at mga inisyatibang may kinalaman sa alaala. Sa pamamagitan ng mga pandaigdigang at panrehiyon na pakikipagtulungan, maraming pagsisikap ang ginagawa upang markahan ang mga sugat ng nakaraan, na maaaring magsilbing aral na siyang magsusulong ng modernong kilusan ng karapatang pantao. Bilang isang senior specialist, si Norris ay nangunguna sa maraming proyekto sa ICSC; halimbawa, ang Maison des Esclaves (ang Bahay ng mga Alipin), ang unang world heritage site sa Africa. Ipinaliwanag din ni Norris ang iba't ibang paraan upang mapadali ang pakikilahok ng komunidad at pagsusulong ng karapatang pantao sa pamamagitan ng pagbahagi ng ilang proyekto ng ICSC.

Natuklasan ng mga kalahok ang kanilang mga target na komunidad, kung saan isinama ang heograpiya, pagkakakilanlan, at pagkakapareho ng damdamin. (Larawan mula saFIHRM-AP)

Natuklasan ng mga kalahok ang kanilang mga target na komunidad, kung saan isinama ang heograpiya, pagkakakilanlan, at pagkakapareho ng damdamin. (Larawan mula saFIHRM-AP)

Kilalanin ang sarili, bago mo kilalanin ang mga komunidad!

"Saan ka galing? Anong klase ng pagkain ang nagpapaalala sa iyo sa iyong tahanan?" Ito ang tanong na ginamit ni Norris para simulan ang workshop. Sa isang banda, mas maraming natutunan ang mga kalahok tungkol sa isa't isa, at nagsilbing pampainit para sa kanila upang mag-isip ng mga paraan kung papaano lapitan ang isang komunidad. Nag-umpisa sila sa paglalarawan kung sino sila at ang kanilang sariling pagkakakilanlan upang masusing suriin ang kahulugan ng isang "komunidad". Ang tanong ay - ano nga ba talaga ito? Ang isang komunidad ay maaaring tumukoy sa isang grupo ng mga taong nagsama-sama na may kumplikasyon at may partikular na katangian na karaniwan sa lahat, at may tatlong pangunahing elemento: heograpiya, pagkakakilanlan, at pagkakapareho ng damdamin. Sa pagsasaalang-alang sng tatlong elemento, kasama ang misyon ng bawat institusyon, heograpikong lokasyon, at kontekstong pangkasaysayan, natukoy ng mga kalahok ang mga target na komunidad na kanila nang katulong, pati na rin ang mga iba na wala pang ugnayan. Halimbawa, ibinahagi ni Assistant Professor Phrae Sirisakdamkoeng mula sa Faculty of Archaeology sa Silpakorn University, Thailand, na ang Thai military ay isang komunidad na wal pang ugnayan na nabubuo; mayroong iilang pagkakataon na magsimula ng diyalogo dahil sa hindi pantay na kapangyarihan. Binanggit ng isang kurador mula sa NHRM ng Taiwan, bilang isa pang halimbawa, na ang NHRM ay matagal nang nakikipagtulungan sa mga biktima noong Panahon ng White Terror, at ngayon ay nakikipagtulungan sa mga komunidad ng mga bata upang itaguyod ang edukasyon sa karapatang pantao sa mga kabataan at isulong ang mga bagong konsepto sa publiko.

Ipinaliwanag ni Norris ang Ladder of Citizen Participation, kung saan ang bawat pagtaas ay kumakatawan sa  pagtaas ng mga antas ng pakikilahok mula sa manipulasyon at therapy patungo sa pagbibigay impormasyon, konsultasyon, at pakikipagtulungan, itinalagang kapangyarihan, at kontrol ng mamamayan. (Larawan mula sa FIHRM-AP)

Ipinaliwanag ni Norris ang Ladder of Citizen Participation, kung saan ang bawat pagtaas ay kumakatawan sa pagtaas ng mga antas ng pakikilahok mula sa manipulasyon at therapy patungo sa pagbibigay impormasyon, konsultasyon, at pakikipagtulungan, itinalagang kapangyarihan, at kontrol ng mamamayan. (Larawan mula sa FIHRM-AP)

Sa pagkakatukoy sa mga target na komunidad, ang pagtatatag ng tiwala ang magiging susi sa isang magaan at mabisang pakikipagtulungan. Para dito, ipinakilala ni Norris ang "Ladder of Citizen Participation" na iminungkahi ni Sherry Arnstein. Mayroong iba't ibang antas ng pakikilahok na nagsisimula sa ibaba kung saan ang isang komunidad ay walang pakikilahok at nasa ilalim lamang ng isang direksyong daloy ng impormasyon sa ilalim ng manipulasyon at therapy; sa susunod na antas, mayroong tokenismo na may pekeng kapangyarihan, tulad ng pagtanggap ng impormasyon at pagpapahayag ng opinyon sa pamamagitan ng konsultasyon, kung saan may impluwensiya ang komunidad sa paggawa ng mga desisyon; sa huling antas, mayroong samahan, kung saan ang isang komunidad ay may naitalagang kapangyarihan na gumawa ng mga desisyon at manguna sa grupo. Pagkatapos ipakilala ang modelong ito, hiniling ni Norris sa mga kalahok na isipin kung nasaang antas ng pakikipagtulungan naroon ang kanilang komunidad ngayon. Tinapos ni Norris ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagbibigay diin na hindi dapat ituring ng mga museo at pasilidad ang kanilang mga sarili mga tagapagbigay o magdesisyon kung anong yaman ang kailangan ng mga komunidad; bagkus, sila ay dapat na maglikha ng mga kasanayan kasama ang komunidad.

"Pagsisimula! Paglalapit ng mga Museo sa mga Pamayanan"

Sa ikalawang bahagi ng workshop, ibinahagi ni Norris ang mga malikhaing pamamaraan na sinunod ng iba't ibang museo pagdating sa pagsusuri sa mga isyu ng karapatang pantao. Isang halimbawa ay ang Last Address, isang pansibikong simulain sa Russia. Kumikilos ayon sa motto na "Isang pangalan, isang buhay, isang tanda," kinikilala ng proyektong ito ang mga biktima ng pang-aapi sa Soviet Union sa ilalim ni Stalin. Inilalagay ang isang parangal sa mga gusali at bahay na huling kilalang tirahan ng mga naaresto; ang parangal ay may kasamang impormasyon tungkol sa inaresto na tao: ang kanyang pangalan, propesyon, petsa ng kapanganakan at kamatayan, at petsa ng pagpapawalang-sala. Sa ganitong paraan, naisusulong ng proyekto ang edukasyon sa karapatang pantao sa publiko at ipinapakita na ang mga sugat ng nakaraan ay hindi kailanman lubos na gumagaling sa paglipas ng panahon, kundi nag-iiwan lamang ng mga pilat hanggang sa kasalukuyan. Isa pang halimbawa ay ang Youth for Peace sa Cambodia, isang community memory initiative na nagbibigkis ng mga kabataan ngayon at ng mga nakaligtas mula sa rehimen ng Khmer Rouge (Red Khmer), habang iniiba nila ang mga lugar ng masaker sa mga sentro para sa mga diyalogo, pag-aalala, at pagtatayo ng kapayapaan. Namuno pa ang proyekto ng mga art workshop na nagbigay-daan sa mga nakaligtas na ipahayag ang kanilang paghihirap sa pamamagitan ng pagpinta, at ang mga likha ay ipinakita sa mga pang publikong eksibisyon at palabas, na nagdurugtong sa mga nakaraang pakikibaka sa mga kilusan ngayon.

Ibinahagi ng mga kalahok sa talakayang pangkat ang kanilang mga inihandang plano para sa pakikilahok sa komunidad para sa kani-kanilang mga sariling pasilidad. Winakasan ni Director Pooja Pant ng Voices of Women Media ang talakayan kung saan pinag-usapan ng mga kasapi ng grupo ang posibilidad na makipag-ugnayan sa mga namiminsala kapag isinaalang-alang ang pakikilahok sa komunidad. (Larawan mula sa FIHRM-AP)

Ibinahagi ng mga kalahok sa talakayang pangkat ang kanilang mga inihandang plano para sa pakikilahok sa komunidad para sa kani-kanilang mga sariling pasilidad. Winakasan ni Director Pooja Pant ng Voices of Women Media ang talakayan kung saan pinag-usapan ng mga kasapi ng grupo ang posibilidad na makipag-ugnayan sa mga namiminsala kapag isinaalang-alang ang pakikilahok sa komunidad. (Larawan mula sa FIHRM-AP)

Matapos marinig ang iba't ibang kasanayan, naggrupo-grupo ang mga kalahok at tinalakay kung paano mahihimok ang mga komunidad na bihirang nakikilahok sa mga proyekto ng pagtutulungan. Winakasan ni Direktor Pooja Pant ng Voices of Women Media ang talakayan sa mga kasapi na nagusap-usap tungkol sa posibilidad na makipag-ugnayan sa mga namiminsalang tao kapag ang isinasaalang alang ay ang pakikilahok sa komunidad. Dahil dito, nagkakaiba ang kalagayan ng mga pumipinsala, kaya't mahirap na magkaroon ng pangkalahatang lunas. Binanggit ng ilan sa mga kalahok na ang mga namiminsala ay laging isang grupo na mahirap abutin sa kabila ng partisipasyon ng komunidad. Hinggil dito, binanggit ni Norris ang isang kaso sa bilangguan sa Siberia kung saan inanyayahan ang mga guwardiya at bilanggo na maupo at makipag-usap sa isa't isa; naging pagkain sa kaisipan ng mga kalahok ang ideyang ito sa araw na iyon.

Konklusyon

Sa lumalagong atensiyon tungkol sa pakikilahok ng komunidad, tulad ng iminungkahi sa bagong kahulugan ng museo para sa 2022 ng ICOM, isang isyu na kinakaharap ng mga museo ay kung paano nila maaring sundin ang iba't ibang perspektibo sa pamamagitan ng partisipasyon at pakikilahok ng komunidad upang isulong ang mga inisyatiba para sa karapatang pantao, lalo na't maraming paglabag sa karapatang pantao ang nagaganap sa kasalukuyan. Sa workshop na ito, natutunan ng mga kalahok ang paghanap ng mga komunidad na may kaugnayan sa kanilang sariling mga museo, at nakakuha  sila ng mga prinsipyo at pamamaraan ng pagbuo ng samahan sa mga komunidad; nagkaroon  ng pagpapalitan ng mga kasanayan at kaisipan tungkol sa kolaborasyon sa komunidad upang mapalalim ang mas maraming maunlad na pamamaraan na maaaring isakatuparan.