:::

Pagsulong sa Pagkakasundo at Pagsasama ng mga Grupong Etniko – Pag-usapan ang Plano sa Kilusang Pagkakasundo ng mga Museo sa Australia

May-akda: FIHRM-AP Website Editorial Team
 



Pagsulong sa Pagkakasundo at Pagsasama ng mga Grupong Etniko – Pag-usapan ang Plano sa Kilusang Pagkakasundo ng mga Museo sa Australia

Kadalasang tinutukoy ng katutubong tao (Indigenous Peoples) ay ang "grupo ng taong naunang nanirahan sa isang partikular na lupain”. Sila ay may sariling wika, kultura, paniniwala at sistema ng kaalaman, bumuo ng natatanging sistemang panlipunan, pang-ekonomiya at pampulitika, at nagpapanatili ng malalim na koneksyon sa lupang tinitirahan nila. [1] Ngunit sa nakaraang kasaysayan ng imperyalismo at kolonyalismo, ang mga katutubong tao ang naging grupo ng mahihina at inapi ng may kapangyarihan sa pulitiko. Mula noon hanggang ngayon, humaharap sila sa kakulangan ng pangangatawan sa pulitiko sa Lipunan [2], kakulangan ng pagbigay ng serbisyo ng lipunan, pagkakawala ng wika at kultura at iba pang paghahamon. Lalong naging isang malaking bahagi ng paksang karapatang pantao ang kung paano muling harapin ang suliranin sa kasaysayan, pagsulong ng pagkakasundo at pag-uunawa sa grupong katutubo at grupong di-katutubo upang mabago at mapahusay ang kapaligiran ng kultura, pulitiko, lipunan at iba pa.

Ang iskulturang Anmatjere Man na matatagpuan sa disyerto sa bahaging norte ng Australia, likha ni Mark Egan. Pinagsama ang dalawang rebulto sa gawain, isang katutubong lalaki na mandirigma at isang ina at ang kanyang anak, nagsasaad ng walang tigil na diwa ng katutubong tribo sa Australia at ang kanilang naranasang pagdurusa sa historya. Larawan mula sa pixabay

Ang iskulturang Anmatjere Man na matatagpuan sa disyerto sa bahaging norte ng Australia, likha ni Mark Egan. Pinagsama ang dalawang rebulto sa gawain, isang katutubong lalaki na mandirigma at isang ina at ang kanyang anak, nagsasaad ng walang tigil na diwa ng katutubong tribo sa Australia at ang kanilang naranasang pagdurusa sa historya. Larawan mula sa pixabay

Bilang nangungunang organisasyon sa kilusang pagkakasundong ginawa ng bansa, ang Reconciliation Australia ay itinatag noong 2001 upang palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga tribong katutubo at mga tao sa Torres Strait at mga hindi katutubo, at pagbutihin ang kapakanan ng lahat ng Australian. Taon 2006, sinimulan ng organisasyon ang Reconciliation Action Plans (RAPs), gabay sa magkakaibang organisasyon sa bansa at pagsulong sa pagkakasundo sa pamamagitan ng patuloy na istratehiyang kilusan. Nagpahayag ng isang sistema ang RAPs at may apat na bahagi na maaaring isagawa [3]:

  • Magnilay(Reflect): Nangangailangan ng 1 taon. Ito ang yugto kung saan ang organisasyon ay mauunang magplano ng nilalaman para sa hinaharap na mga aksyon sa pagkakasundo at hakbang sa negosasyon.
  • Lumikha (Innovate): Nangangailangan ng 2 taon, naglalayong magtatag ng pinakamahusay na paraan sa pagsulong ng pagkakasundo, pagpapatupad ng estratehiya at mga hakbang sa pagkakasundo para sa organisasyon.
  • Pagpapatuloy (Stretch): Nangangailangan ng 2-3 taon, naglalayong isama ang mga hakbang sa pagkakasundo sa mga operasyon ng organisasyon; itaguyod ang pagkakasundo sa loob ng saklaw ng impluwensya.
  • Pagpapahusay (Elevate): Pagtatag ng kakayahang pamumuno ng organisasyon sa kilusang pagkakasundo sa buong bansa. Ang mga organisasyon ay maaaring magtatag ng matibay na relasyon sa Reconciliation Australia upang aktibong isulong ang pagbibigay-kapangyarihan sa komunidad at mga hakbang sa pagbabago ng lipunan.

Ang museo ay institusyong pang-edukasyon na may tungkulin na magpaliwanag ng kasaysayan at kultura sa publiko. Maaari nilang isama ang mas patas, pantay-pantay, magkakaiba at maparayang pananaw sa nilalaman ng salaysay, at magkaroon ng katumbas na impluwensya sa pagkilos ng pagkakasundo sa pagitan ng mga taong katutubo. Kasama ang madaming museo, art hall at iba pang institusyong kultura sa Australia sa “RAPs”. Malaki man o maliit ang institusyon, ang museo ay maaaring magsagawa ng mga makabagong plano at kasanayan sa pagkakasundo sa kanilang sariling lugar ng kadalubhasaan.

Ukol sa prosesong pagsasanay ng pagninilay-nilay, nabanggit ng Museum of Australian Democracy (MoAD) ang natamong progreso sa yugtong ito, kasama ang pagpapaliwanag sa museo, ang kuwento ng pagbabago sa istraktura (dating gusali ng parliyamento) at kuwentong kaugnay sa mga katutubong tribo; gumawa rin ng plano ng pagsasanay ayon sa itinakda ng paaralan, isinulong ang pag-uunawa ng mga mag-aaral sa kasaysayan at kultura ng mga katutubong grupong etniko. Maliliit na grupong kasama sa training upang mapahusay ang pagkilanlan sa paggalang sa kultura ng lahat ng empleyado. Ngunit ang pinakamahalaga, ang pagsasanay ng pagninilay-nilay ay mas nakatulong sa MoAD magtatag ng direksyon ng focus sa mga kilusan sa darating na panahon. Mapatupad ang papel ng museo sa pagsasaad ng mga mahalagang kuwento ng bansa, “tumulong maitanim ang First Nations sa kasaysayan ng bansa at lalong makilala ng mga tao sa kasaysayan at mga karanasan sa buhay”, at ipinapakita nitong lahat ang lipunan, pulitiko at demokratikong kasaysayan ng Australia. Kasalukuyan, nasa prosesong paglikha ng pagbabago na ang kilusang pagkakasundo ng MoAD at pinapatibay ang relasyon sa mga katutubong tribo at sa mga tao sa Torres Strait. [4]                   

Tanawin ng projection mapping sa MoAD. Ang gusali ng Museo ay ang lumang Parliament House sa Canberra at may malaking kabuluhan sa kasaysayan. by Buttontree Lane is licensed under CC BY-NC-ND 2.0.

Tanawin ng projection mapping sa MoAD. Ang gusali ng Museo ay ang lumang Parliament House sa Canberra at may malaking kabuluhan sa kasaysayan. by Buttontree Lane is licensed under CC BY-NC-ND 2.0.

Magkatulad na may prosesong “paglikha ng pagbabago”, ang Australian National Maritime Museum ay nagbigay ng makabagong RAP plano sa 2021. [5] Nabanggit sa nilalaman nito kung paano napalalim ang pagkilala sa pangkaragatang kultura at kayamanan sa pamamagitan ng eksibisyon, pagsasaliksik, pagplaplano ng pag-aaral sa kultura at iba pang mga paraan. Kung katulad ng mga kaso kamakailan, ang Museo ay [6] nagtulak ng seryales na eksibisyon at pagplaplano sa pangunahing mga koleksyon sa 2023 National Reconciliation Week. Isa rito ang espesyal na eksibisyon “Shaped by the Sea”, nakatuon sa kakaibang relasyon ng lupain ng Australia at mga karagatan sa kapaligiran; at mula sa pananaw ng agham at etnolohiya, magkaroon ng mas komprehensibong pagkakasundo sa paraan ng pag-unawa ng mga tao sa sinaunang kontinenteng ito. Sa yugtong ito, ang Australian National Maritime Museum sa pamamagitan ng publikasyong “Signals”, nag-imbita ng mga kasama sa museo at mga manunulat na magbahagi ng kanilang pagsasaliksik at paggalugad tungkol sa pangkaragatang kultura at kayamanan ng mga tribong katutubo sa Australia.

Masasabing isang napakahalagang museo ang Australian National Maritime Museum sa pangkaragatang kultura at kayamanan ng Australia. Naririto ang mga gamit pangsining at pang-eksibisyon na kaugnay sa mga paksang paglalayag, baybayin, hukbong-dagat at kultura. by Bernard Spragg is marked with CC0 1.0.

Masasabing isang napakahalagang museo ang Australian National Maritime Museum sa pangkaragatang kultura at kayamanan ng Australia. Naririto ang mga gamit pangsining at pang-eksibisyon na kaugnay sa mga paksang paglalayag, baybayin, hukbong-dagat at kultura. by Bernard Spragg is marked with CC0 1.0.

Bilang isa sa pangunahing museo sa bansa, ang RAP plano ng Australian Museum ay umabot na sa prosesong “extended eksibisyon”. [7] Ibinabahagi ng Australian Museum ang suporta sa mga empleyado ng museo na may pagkakakilanlan bilang katutubong etniko at nakilahok sa pagplaplano, training sa lahat ng empleyado, pagtugon sa mahalagang pista sa bansa “Nasyonal Reconciliation Week” at pagbigay ng propesyonal na edukasyon at resources sa mga empleyadong may pagkakakilanlan bilang katutubong etniko, mga tagapagtrabaho sa kultura. Kapag ang kilusan ay umabot na sa isang mas mataas na antas, nagpahayag din ang Australian Museum sa panahon ng "extension" na proseso, ng mga hakbang sa pagkakasundo, mga pangmatagalang diskarte sa pagpapatakbo ng museo. Ukol sa pagsasagawa ng advanced kontrol at pagreport, bumuo ng patakaran at pagsasagawa ayon sa pamantayan ng Australian Museums and Galleries Association.

Barka: The Forgotten River, eksibisyong ginawa kamakailan sa Australian Museum, nagsasaad ng kuwento ng pangatlong pinakamahabang ilog ng Barka sa Australia at mga hinaharap na suliranin sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng gawain sa sining, nagtatawag sa publikong makilala at ayusin ang mahalagang kaugnayan ng tao at mga resources sa ilog.

Barka: The Forgotten River, eksibisyong ginawa kamakailan sa Australian Museum, nagsasaad ng kuwento ng pangatlong pinakamahabang ilog ng Barka sa Australia at mga hinaharap na suliranin sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng gawain sa sining, nagtatawag sa publikong makilala at ayusin ang mahalagang kaugnayan ng tao at mga resources sa ilog.

Pagbabalik-tanaw sa mga makasaysayang sugat at alaala ng nakaraan, maaaring mahirap matamo ang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tribo sa maiksing panahon. Gayunpaman, dapat humarap ang mga tao sa mga suliranin sa kasaysayan at gumawa ng aksyon. Mahalaga ang sistema at balangkas (framework) ng praktikal na aksyon sa daan patungong “pakikipagsundo”.  Maaaring magbigay ng gabay sa organisasyon ang bagong balangkas ng pagkilos at isama ang mga aksyon nito sa isang karaniwang praktikal na direksyon.
 


 

[1] “Katutubong Tribo” – sumangguni sa kahulugang ibinigay ng United Nations, tingnan ang link.

[2] Madalas nakakaligtaan o hindi sapat ang pangangatawan sa mga kaugnay na pagpapasyang nakakaapekto sa mga gawain ng katutubong tao. Hindi tinatanong o isinasama ang kanilang mungkahi sa pagtatag ng batas at mga administratibong hakbang lalo na sa mga nakakaapekto sa plano ng lupa. Sa nakaraang panahon, madalas rin silang paalisin at iwanan ang lupain ng kanilang mga ninuno sa panahong kinukuha ang mga likas na kayamanan sa lugar. Sumangguni sa link.

[3] Kabuuang balangkas ng “Plano sa Kilusang Pagkakasundo”

[4] Ang “Bagong Likhang RAP” ng Museum of Australian Democracy (2023-2025)

[5] Ang “Bagong Likhang RAP” ng Australian National Maritime Museum (2021-2023)

[6] Ginaganap Mayo 27 hanggang Hunyo 3 sa bawat taon. Sa historya ng Australia, anibersaryo ng Nasyonal Referendum (1967) ang araw ng Mayo 27, nang bumoto ang mga tao sa Australia para sa pagpapawalang bisa ng batas at artikulo sa Konstitusyon ng Australia na may diskriminasyon sa mga katutubong tao at mga mamamayan sa Torres Strait. Hunyo 3, araw ng pagbibigay-alaala sa paghatol sa kasong Mabo(1992) sa pinakamataas na Hukuman. Tiniyak ng paghatol ang pagkakaroon ng karapatan sa lupa ng mga katutubong tao at ng mga mamamayang nakatira sa Torres Strait kahit na nasailalim ng pamumunong kolonyal. Bawat taon, may mga isinasagawang aktibidad ng pag-alala sa Linggo ng Pagkakasundo (National Reconciliation Week) sa iba’t ibang lugar, paaralan, institusyong edukasyon at pagsisilbi, unibersidad, lokal na sanggunian, mga grupong panlipunan at iba pa sa buong Australia        

[7] Ang “Extended RAP” ng Australian Museum (2022-2025)