:::

Ang Pagbubuklod at ang mga Museo ng Burma (Pangalawang Bahagi)

Maaaring iuri ang mga museo sa ilalim ng Ministeryo ng Kultura ayon sa: pambansang museo, arkiyolohikal na museo, museo ng kultura na pang rehiyon bilang mga etnolohikal na mga museo, at mga bantayog na museo. May mga museo sa relihiyon, pribadong museo at makasaysayang lugar sa ilalim ng ibang institusyon, ang gumaganap sa tungkulin na pangalagaan ang mga pamanang kulutural ng Myanmar. Sa ngayon, ang ibang uri ng museo ay madalas makita sa ilalim ng ibang ibang ministeryo at pribadong sektor sa Myanmar. Nilalayon ng Polisiyang Kultural ng Myanmar na itaas ang pambansang dangal at integridad sa pamamagitan ng pagpapanatili at pagprotekta sa pamanang kultural at pambansang katauhan.

Ayon sa pangunahing patakaran sa kultura ng Myanmar, ang layunin ng Ministeryo ng Kultura ay ‘bigyang dangal ang estado sa pamamagitan ng kultura’. Ang Myanmar ay may mayabong at samu’t saring pamanang kulutural sa parehong pisikal at hindi pisikal na kaanyuan. Ang pamanang ito ay pangunahing pinangangalagaan ng Pambansang Museo (Yangon at Arkiloyohikal na Museo ng Bagan, kasama ang iba pang mga museong kultural na pang rehiyon at mga arkiyolohikal na museo sa ilalim ng Ministeryo ng Kultura.

Kabilang sa mga pinakaunang museo ng Myanmar ay ang mga sinaunang palasyo, mga silid-aklatan ng Pitaka, at mga museong naitatag bago pa ang kalayaan tulad ng Arkiloyohikal na Museo ng Bagan, at ang mga bagong kaganapan sa museo ay ang mga sumusunod.  Ang pagtatag ng Ministeryo ng Kultura noong 1952, apat na taon matapos makamit muli ng bansa ang kalayaan, ay nagbigay daan sa pagtatayo ng unang Pambansang Museo (Yangon) at ilan pang mga museo.

1. Ang Lumang Gusali ng Museo sa Bagan (Larawan ni: Thet Oo Maung)

1. Ang Lumang Gusali ng Museo sa Bagan (Larawan ni: Thet Oo Maung)

2. Mga sulat sa bato sa Bagan (Larawan: Thet Oo Maung)

2. Mga sulat sa bato sa Bagan (Larawan: Thet Oo Maung)

3. Mga yapak ni Buddha sa Bagan (Larawan: Thet Oo Maung)

3. Mga yapak ni Buddha sa Bagan (Larawan: Thet Oo Maung)

Ang Pambansang Museo ng Republika ng Unyon ng Miyanmar ay unang nagbukas noong June, 1952 sa Bulwagan ng Gusali ng Jubilee sa Shwedag  na nasa Kalye Pagoda, Yangon. Nilipat ang museo sa mas malaking lugar sa  24/26 Pansodan Street noong 1970 at sa kaniyang kasalukuyang kinaroroonan noong 1996. Nagbukas sa publiko ang bagong limang palapag na Pambansang Museo magmula ng Setyembre 1996. Ang mga koleksyon ng museo ay nakahatag sa mga sumusunod na 14 na galeriya at bulwagan. Ang museo ay nahahati sa dalawang pangunahing kategorya:

1. Kultura ng Myanmar (Burma)

·          Myanmar (Burmese) Pagsusulat sa Bato at sa Papel

·          Myanmar (Burmese) Tradisyonal at Katutubong Sining

·          Myanmar (Burmese) Sining ng Pagganap

·          Myanmar (Burmese) Galeriya ng Sining

·          Sining ng Budismo

·          Etnikong Kultura

2. Mga Makasaysayang Panahon ng Myanmar (Burmese)

·          Natural na Kasaysayan

·          Panahong Prehistoric at Panong Protohistoric

·          Sibilisasyon ng Myanmar (Burmese)

·          Royal Regalia 

·          Lion Throne 

·          Panahon ng Yadanabon 

·          Sinaunang Pahiyas

·          ASEAN Corner

Ang pagtatanghal ng Pambansang Museo ay karaniwang nagpapalaganap ng kulturang Burmes at Budismo. Ang mga lumang kagamitan ng Pambansang Museo ay may pangunahing layunin na palaganapin ang kulturang Burmes, kahit na opisyal ng kinilala ng pamahalaan ang 135 na iba’t ibang grupong etniko, bilang karagdagan sa 7 iba pang grupong etniko na hindi pa kinikilala. Kung hahatiin natin ang lahi ng bansa ayon sa pamilya ng wika, magkakaroon ng anim na pangunahing pamilya ng wika sa Burma/Myanmar:

·          Sino-Tibetan 

·          Tai–Kadai 

·          Hmong–Mien 

·          Austroasiatic 

·          Austronesian 

·          Indo-European 

Ang Kagawaran ng Arkilohiya at Pambansang Museo ng Burma ay may taguan na gusali ngunit napakahirap makapasok dito. Ang taguang ito ay kilala bilang “black-hole” ng mga lumang kagamitan ng mga hindi Budista.  Ang ilang mga lumang kagamit na dapat sana ay nakahatag sa mga museo ay naglaho o nasira sa kanilang mga kamay. Ang ilan ay napupunta sa mga lokal na antigong “black markets”.

4. Kopya ng lapidang Armenian sa 1740, nakasulat sa tinta sa wikang Armenian at Dutch at natagpuan sa isang black market ng mga antigo. (Larawan: Thet Oo Maung)

4. Kopya ng lapidang Armenian sa 1740, nakasulat sa tinta sa wikang Armenian at Dutch at natagpuan sa isang black market ng mga antigo. (Larawan: Thet Oo Maung)

Ang isang sikat na alamat sa Myanmar ay ang budistang mongha na tinatawag na Shin ARa Hanbring na nagbigay ng mga sermon kay Haring Anawrahta, ang unang hari ng Dinastiyang Bagan. Nagpalit sa Budismo si Haring Anawrahta at idineklarang pambansang relihiyon ang Budismo. Ganito nagsimula ang Burma (Dinastiyang Bagan) at nalinang ang kultura ng Burma. Ayon sa salaysay sa kathang ito, hindi itinuring na katutubo ang mga tao na hindi Budista sa bansa. May malaking diskriminasyon sa mga grupong Kristiyano at Muslim sa salaysay. Ang totoo niyan, ang Budismo ay naipakilala na sa Burma bago pa ang kapanahunan ni Haring Anawrahta.  Maaari pa ngang makakita ng napakraming lumang kagamitan ng mga Budista at Hindu noong panahong 6/7 A.D ng Kaharian ng Pyu, na tinatawag na Sri-Khitara. 

Matinding nais ng mga pinuno sa militar at sa pulitika sa Burma ang pagkakaisa ng bansa. Marami sa kanila ang naniniwala na para lamang sa mga taga-Burma at sa mga Budista ang Burma base sa alamat. Kasabay nito, maraming mga pamahalaan sa Burma ang nagpapakita ng mga layuning kontra kolonyal. Madami silang isinulat na kuwentong katha na nagkukunwaring makasaysayang katotohanan na naglalayong sugpuin ang mga hindi kinikilalang grupong etniko at mga minoryang grupong relihiyoso sa Burma. Sa ilang pagkakataon, sila ay pinaparatangan na animo’y makakamandag na parasito dala ng mga Britaniko. Ang paniniwalang ito ang nagdala ng diskriminasyon sa relihiyon at lahi sa bansa. Ang maramihang pagpatay, pagkuyog, pagpuksa ng lahi, at pagpatay sa mga bata ang naging resulta nito. Ang mga museo sa ilalim ng pamahalaan ay tila sumusuporta sa kaisipang ito. Ang mga pamahalaang museo sa Burma ay nagpapalaganap ng salaysay ng isang pinaka hihigt na lahi (Burman) at isang pinaka hihigit na relihiyon (Budismo), at ito ang nagdadagdag ningas sa diskriminasyon sa bansa.

5. Ang abandonadong lapida (1749) ng isang Armenian sa Lungsod ng Pagu, nakasulat sa wikang Armenian, Dutch at Burmes. (Larawan: Thet Oo Maung)

5. Ang abandonadong lapida (1749) ng isang Armenian sa Lungsod ng Pagu, nakasulat sa wikang Armenian, Dutch at Burmes. (Larawan: Thet Oo Maung)

Sanggunian:

1. Museums in Myanmar: Brief History and Actual Perspectives, May-akda: Zan, NuMra

2. National Museum of Myanmar (Yangon) – Wikipedia

3. List of ethnic groups in Myanmar - Wikipedia 

4. The Historic Lin Zin Gone Myanmar Muslim Cemetery and Mosque were demolished by using Bulldozers- M-Media, iniulat ni Thuta Maung