:::

Hayaan ang mga Bagay na Maglahad ng Kanilang Mga Kwento: Mga Obserbasyon mula sa Proyektong Oktubre 6 ng Museo

Tungkol sa May-akda:Patporn (Aor) Phoothong

Si Patporn (Aor) Phoothong ay isang mananaliksik na nakatuon sa edukasyon ng kapayapaan sa pamamagitan ng mga talaan at museo sa kapayapaan. Ang pinakahuli niyang saliksik ay isang pag-aaral ukol sa posibilidad ng pagtataguyod ng museo sa kapayapaan na may kaugnayan sa ikabuturang bahagi ng timog ng Thailand. Kasama rin siyang nagpasimuno sa pagtatatag ng Oktubre 6, 1976 Massacre Museum at ng Initiative of Southern Museum and Archives. Nakatuon siya sa paggamit ng mga museo at talaan bilang instrumento sa pagbabago ng mga hidwaan at pagtataguyod ng kapayapaan. Nagsimula si Aor sa kanyang gawain sa museo at mga talaan para sa kapayapaan at katarungan magmula noong 2011 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng saliksik ukol sa Patungo sa Kapayapaan at Pagkakasundo: Pag-aaral ng mga Museo ng Kapayapaan sa Japan at sa Pilipinas sa ilalim ng Asian Public Intellectual, Fellowship Program ng Nippon Foundation.

Ang Proyektong Oktubre 6 ng Museo

Ang Proyektong Oktubre 6 ng Museo ay itinatag noong July 2019 ng isang grupo ng apat na tao na kinabibilangan ng isang patnugot mula sa isang maunlad na tagapaglathala, isang litratista at direktor ng pelikula, isang arkitekto at isang mananaliksik. Ang proyekto ng museong ito ay naglalayong lumikha ng isang lugar na panlipunan at pampulitika kung saan maaaring pag-usapan ng mga tao na mula sa iba’t ibang karanasan ang ukol sa nakaraan at kasalukuyang karahasan sa pulitika ng Thailand. Inaasahan nito na maibahagi  sa madla at lipunan ng mga Thai ang mga impormasyon at ebidensya sa pamamagitan ng mga pagtatanghal, seminar at workshops, na magbibigay daan sa mga pagtatanong, pagpupuna at sa huli, pagharap sa kulturang nagbibigay proteksyon at seguridad sa ilan mula sa mga kaparusahan at pagharap sa kanilang pananagutan sa batas.


Ang Thailand ay isang bansang napupuno ng kuru-kuro; ang katotohanan ay mahirap makamtan sa Thailand, madalas malapit sa katotohanan ang mga kuru-kuro at hinahayaan ang mga taong mag-isip kung ano ang nangyari. Kapag ako ay may pagkakataong sumali sa isang proyekto ng museo na naglalayong ipahayag ang mga nakaraang karahasang pulitikal, iniisip ko kung paano ihahayag ng isang pagtatanghal ang mga katotohanan upang makalikha ng diyalogo sa publiko para sila ay makapag tanong, makapagbigay puna at higit sa lahat ay makatuklas sa totoong nangyari.

Sa Oktubre 6, 1976, pinatay ng militarya ang lupon ng mga mag-aaral at sibilyan sa Thammasat University na mapayapang nagproprotesta upang ibalik ang dating diktador sa Thailand. Ayon sa opisyal na bilang, 46 na katao oang napatay, 167 ang nasugatan at mahigit sa 3,000 mag-aaral ang inaresto. Kalaunan, noong 1978,ang Amnesty Bill ay naipasa, na nagdulot ng pagpapalaya sa lahat ng mga nasangkot, partikular na ang mga salarin: mga tanod at opisyal sa kapulisan, paramilitary at mga grupong ultra-right-wing. Noong Hulyo 2019, 43 taon makalipas ang maramihang pagpatay, sinimulan namin ang Proyektong Oktubre 6 ng Museo upang harapin ang kultura ng pagkawala ng parusa at pananagutan sa batas, lumikha ng lugar para sa panlipunan at pampulitikang pagkatuto na may kaugnayan sa parehong nakaraan at kasalukuyang karahasang pulitikal. Ang kabiguan sa hustisya at gayundin sa kultura ng pagkawala ng parusa na siyang malalim ng nakabaon sa Thailand ay maaaring harapin sa pamamagitan ng komunikasyon, maging ito man ay sa pamamagitan ng mga pagtatanghal, seminars, pelikula o iba pang anyo na maghihikayat sa publiko na magtanong, magsalita at magpuna. Ito ang nilalayong makamit ng aming proyekto sa museo.

Inabot nang mahigit sa 20 taon upang malaman kung bakit hindi kami pinapayagan magsalita o mag-imbestiga pa ng mas malawak ukol sa pangyayaring ito. Matagal nang pinamamahalaan ng rehimeng military ang Thailand kung saan inuuna ang pambansang seguridad. Kinokontrol ng pamahalaan ang alaala ng mga mamamayan sa pamamagitan ng kultura ng pagkawala ng parusa kasabay ng mga kabiguan sa pamamahalang panghukuman. Itinuturing na maselan o isang paksang hindi dapat pag-usapan ang mga nakaraang karahasang pulitikal, kung saan may mga ilan na  naniniwala na para makausad, kinakailangang kalimutan na ang nakaraan. Ang lahat ng mga ito ay humahamon sa pagpapanatili ng mga alaala at komunikasyon ng nakaraan.

Gayunpaman, ang pinakahuling naganap na kudeta noong 2014 ay nagpabago sa pananaw ng mga nakararaming Thai sa militar. Ang mga Thai, partikular na ang mga kabilang sa nakababatang henerasyon, ay nagsimulang pag-usapan at tanungin ang mga nakaraang pangyayaring ukol sa karahasang pulitikal at pananagutan ng estado. Ang maramihang pagpatay na nangyari sa Oktubre 6, 1976 ang isa sa mga paksang tinatalakay sa publiko, kung saan ang maramihang pagpatay noong Oktubre 6 1967 ay siyang naging paksang lantarang tinalakay sa publiko.

Ang aming uang pagtatanghal na “Prajak / Payan” (“Eyewitnesses”) ay ginanap noong Oktubre 5-6, 2019. Mayroon lamang tatlong bagay na itinanghal: pantalong maong mula sa katawan ng isang lalaking mag-aaral na binaril at pinatay noong Oktubre 6, 1976, isang loudspeaker na may mga butas ng bala dito, at isang pulang tarangkahan kung saan isinabit ang dalawang katawan noong Setyembre 24, 1976. Amin lamang inihatag ang mga materyales na may lakip na maiksing paglalarawan sa mga ito, bilang sila ay totoo at naturingang mga saksi sa karahasan. Nang mapabilang na sa pagtatanghal ang mga materyales na ito ay nagkaroon ng tahasang diyalogo sa madla, nilahad nila ang katotohanan at hinayaan ang mga ito na magsalita para sa kanilang mga sarili.

Habang nakatayo sa eksibisyon, tinitingnan ang mga taong naglalakad sa palibot ng pagtatanghal, naalala kong nag-iisip ako, “bakit naparito ang maraming tao para makita ang tatlong bagay na ito, dahil ba hindi pa nila ito nakita noon? Dahil ba gusto nilang malaman ang katotohanan? Dahil gusto nilang matiyak na totoong may naganap noong ika-6 ng Oktubre, 1976? O marahil gusto nila kaming makilala at ang iba pang tao na nakikibahagi sa aming mga kaisipan at katanungan?”

Ang aming pangalawang pagtatanghal, ang “Kwean” (“Hang”), ay tumakbo mula Oktubre 1-10, 2020, at sa pagkakataong ito ay ginamit namin ang teknolohiyang Augmented Reality-AR upang makipag-ugnayan sa mga bisita. Tumuon kami sa umaga ng Oktubre 6, 1976 kung saan may hindi bababa sa limang tao ang ibinitay sa mga punong nakapaligid sa Sanam Luang, isang ceremonial royal field. Ang aming pagtatanghal ay nasa mismong lugar kung saan naganap ang maramihang pagpatay, at ang mga madla ay nagkaroon ng pagkakataong makita ang mga katawan na binitay at binaril mula sa mga larawan noong araw na iyon, salamat sa teknolohiyang AR. 

Habang sinusubukan ng estado ng Thai na makalimot ang kaniyang mga mamamayan tungkol sa kanilang ginawa at matakasan ang kanilang pamamaslang, ang isang simpleng paraan upang kumprontahin sila ay ang pagsasariwa sa kanilang ginawa at ilantad ito sa publiko, kasama ng mga ebidensya at gamit na galing sa insidente. Ang aming pagtatanghal, bilang ito ay nasa mismong lugar kung saan naganap ang maramihang pagpatay, ay tahasang nagturo kung sino ang mga salarin, biktima, yungib ng karahasan, at kung saan naganap ang naturang krimen. Ang mga manonood ng pagtatanghal ang mga saksi sa karahasan ng nagdaang panahon.

Ang natuklasan ko ay ang madla, partikular na ang mga kabataan, ay may mabuting pagkakaunawa sa Oktubre 6, 1976 Masaker , na kanilang natamo mula sa dokumentasyon tungkol sa Oktubre 6, isang talaan na nasa internet, sa internet at sa mga lathalain. Pumarito sila sa pagtatanghal upang lalung matuto, para makipag-usap sa mga tauhan ng pagtatanghal at sa kani-kanilang sarili. Napagalaman ko rin na bagamat ang kontekstong panlipunan at pulitikal ng Thai ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagsupil ng mga alaala at kalayaan na makapagpahayag, ang kasalukuyang konteksto nito ang siyang nagtutulak sa mga tao na tuntunin ang katotohanan. At sa ganitong paraan ko nakikita ang pagsulong at pagpapalaganap ng mga museo sa isang kultura ng kapayapaan at sa pagpigil sa mga darating pang kasamaan at kalupitan.

Ang Proyektong Oktubre 6 ng Museo ay kasalukuyan pa ring pinapagbuti; malayo pa rin ang aming lalakbayin bago kami magkaroon ng isang pisikal na museo.  Ngunit, sa gitna nito, ang proyekto ay maaaring gumanap ng isang papel halintulad sa isang museo, tulad ng pag-iipon ng iba pang mga bagay, pagsasagawa ng mga pagtatanghal, workshops at seminars, bilang halimbawa. At naniniwala akong hindi kami titigil 1)  na magtanong: anu-ano ba ang aming nalalaman at ano ang hindi, nasaan ang mga mga materyales, ebidensya at impormasyon, sino ang mga kasama at sino ang mga namuhunan? 2) paglikom ng impormasyon, katunayan, alaala at gamit mula sa iba’t ibang grupo ng tao: mga salarin, biktima, tagamasid at iba pa 3) na siyang magpapahintulot sa mga impormasyon, pagpapatunay, alaala mga gamit na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa madla; at 4) makapagtaguyod at makapagpatibay ng isang kulturang pang museo at talaan para sa katarungan .

1: Isang dating aktibistang mag-aaral noong Oktubre 6, 1976 na nagboluntaryo upang maging isang gabay sa pagtatanghal, nagbabahagi ng kanyang mga alaala at karanasan. Ang litrato sa pader ay nilagay malapit sa lugar kung saan ang biktima ay binaril.(Larawan ni: Patporn (Aor) Phoothong)

1: Isang dating aktibistang mag-aaral noong Oktubre 6, 1976 na nagboluntaryo upang maging isang gabay sa pagtatanghal, nagbabahagi ng kanyang mga alaala at karanasan. Ang litrato sa pader ay nilagay malapit sa lugar kung saan ang biktima ay binaril.(Larawan ni: Patporn (Aor) Phoothong)

2: Ang mga madla at ang pulang tarangkahan sa unang pagtatanghal “Prajak / Payan” (“Eyewitnesses”).(Larawan ni: Patporn (Aor) Phoothong)

2: Ang mga madla at ang pulang tarangkahan sa unang pagtatanghal “Prajak / Payan” (“Eyewitnesses”).(Larawan ni: Patporn (Aor) Phoothong)

3: Ang mga nagboluntaryo sa pagtatanghal ay nagpapaliwanag sa isang grupo ng mga mag-aaral tungkol sa nangyari sa mismong lokasyon kung saan nakatayo ang mga ito, bilang isang aktibista ang natagpuang patay dito noong umaga ng Oktubre 6, 1976.(Larawan ni: Patporn (Aor) Phoothong)

3: Ang mga nagboluntaryo sa pagtatanghal ay nagpapaliwanag sa isang grupo ng mga mag-aaral tungkol sa nangyari sa mismong lokasyon kung saan nakatayo ang mga ito, bilang isang aktibista ang natagpuang patay dito noong umaga ng Oktubre 6, 1976.(Larawan ni: Patporn (Aor) Phoothong)

: Ang madla at ang pulang tarangkahan sa pangalawang eksibisyon "Kwan" ("Hang") kung saan maaaring masuri ng masinsinan ng madla ang mga bagay ng museo.(Larawan ni: Patporn (Aor) Phoothong)

: Ang madla at ang pulang tarangkahan sa pangalawang eksibisyon "Kwan" ("Hang") kung saan maaaring masuri ng masinsinan ng madla ang mga bagay ng museo.(Larawan ni: Patporn (Aor) Phoothong)

5: Ito ay isang litratong kumakatawan sa Oktubre 6 Masaker; wala pang nakikilala sa sinuman sa litrato. Nakasabit ang litratong ito sa pader na mayroon lamang 20 metrong agwat kung saan ito kinunan.(Larawan ni: Patporn (Aor) Phoothong)

5: Ito ay isang litratong kumakatawan sa Oktubre 6 Masaker; wala pang nakikilala sa sinuman sa litrato. Nakasabit ang litratong ito sa pader na mayroon lamang 20 metrong agwat kung saan ito kinunan.(Larawan ni: Patporn (Aor) Phoothong)


Mga video
RAP AGAINST DICTATORSHIP - ประเทศกูมี

RAP AGAINST DICTATORSHIP - ประเทศกูมี