:::

Ang Pagbubuklod at ang mga Museo ng Burma (Unang Bahagi)

Tungkol sa May-akda:THET OO MAUNG (Tagagawa ng pelikula, Litratista)

Si Thet Oo Maung (kilala rin bilang Stephen Minus) ay isang taong mapagkawanggawa, natutong mag-isa sa pagpinta, litratista at bidyograper. Ginamit niya ang kanyang kakayahan sa paggamit ng kamera upang mabigyan ng mas malakas na boses ang mga napagbintangan, mga nalimutan o mga napatahimik. Ang kaniyang mga gawa ay tumatalakay sa  civil war, landmines, mga taong may kapansanan, edukasyon ng mga bata, pangangalaga sa kalusugan mga ng bata, women empowerment, digital rights, iligal na pagtotroso, pangangangkam ng lupa at paninira sa kapaligiran. Siya ay kasalukuyang nangangasiwa at nagpapatakbo ng unang underground human rights film festival sa Burma, ang “One Step Film Forum”.

ONE STEP FILM FORUM

Ang One Step Film Forum ay nakatuon sa pagpapalaganap ng sangkatauhan sa Myanmar sa pamamagitan ng pelikula. Ang One Step Film Forum ay naging isang lugar para sa mga taong nagnanais na humiyaw ng hustisya. Kami ay nagpapalaganap ng mga karapatan ng malayang pagpapahayag, kalayaan ng pagsasalita kapayapaan at katiwasayan sa pamamagitan ng aming mga film screening events.  Ibinabahagi namin ang kaalaman ukol sa mga karapatang pantao, katarungan at aktibismo. Noong unang araw ng Pebrero 2021, marahas na kinuha ng bagong halal na pamahalaang NLD ang kapangyarihan. Maraming tao ang nagsilabasan sa kalye at nagprotesta laban sa military coup. Pinatay ng mga militar ang maraming kabataan, kasama na ang mga kababaihan at bata, upang sugpuin ang mapayapang pagpoprotesta sa buong bansa. Dahil dito, ang One Step Film Forum ay nagpapatuloy sa pagsulong ng mga karapatang pantao, Kalayaan at Katarungan. Lumalaban kami sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga pelikula.


Ang Myanmar (Burma) ay idineklara ni U Nu bilang isang estadong Budista noong 1961 pagkatapos nitong humiwalay sa United Kingdom. Noong Agosto 29, 1961, ipinasa ng parlyamento ang State Religion Promotion Act ng 1961 na siyang pinangunahan ni U Nu. Dahil dito, naging opisyal na pambansang relihiyon ang Budismo, bilang isa sa kanyang mga paraan ng pangangampanya.  Nang matamo ng Myanmar (Burma) ang kalayaan, ang ilang mga grupong etniko ay nag-alsa laban sa bagong tatag na bansa. Ang minsang naging sikat na etnikong rebeldeng grupo ay ang Karen People, at karamihan sa kanila ay mga Kristiyano. Ang isa pang grupo ay ang Burma Communist Party, at itinuturing sila ng pamahalaan bilang mga barbarong walang relihiyon o kontra budista. Nagsimula ng paghihimagsik ang K.I.A (Kachin Independence Army) pagkatapos ideklara ang pambansang relihiyon noong 1961 dahil karamihan sa mga Kachins ay Kristiyano. Magmula noon, isang pangunahing gawain ng pamahalaan ang pagpapalaganap ng Budismo at gamitin ang Budismo upang pagbukludin ang mga tao sa ilalim ng iisang paniniwala. Sa kabila nito, gumamit ng maraming kaparaanan ang gobyerno upang hadlangan ang iba pang mga relihiyon tulad ng Kristiyanismo, Hinduismo at Islam sa ngalan ng pagpapalaganap ng pambansang relihiyon.

Isa sa mga halimbawa nito ay ang pagtangging sagipin ang mga lumang relihiyosong kagamitan na walang kinalaman sa Budsimo, sa kabila ng katotohanang  ang mga relihiyong ito ay umiiral na rin kasabay ng ilan sa Myanmar sa loob ng ilang libong taon. Minsan, sinasadyang sirain ng pamahalaan ang mga pruweba. Maraming mga iskolar ang nagbansag sa mga gawaing ito bilang “Burmanisasyon”. Ang mga museo sa Myanmar ay nasa ilalim ng pamamahala ng gobyerno. Sa sarili nilang paraan, sinusuportahan nila ang pamahalaan sa polisiya nito ukol sa relihiyon ng estado tulad ng pagbubukod sa mga relihiyosong lumangkagamitan na maaaring iligtas o ipamalas.

Ang Pagkakaiba-iba ng Etniko sa Myanmar

Ang Myanmar (kilala rin bilang Burma) ay isang bansang may samu’t saring lahi, kabilang dito ang 135 na grupong etniko na opisyal na kinilala ng Pamahalaang Burma. Sila ay nagugrupo sa walong ‘pangunahing pambansang lahing etniko’:  Burman, Chin, Kachin, Karen, Kayah, Mon, Arakanese at Shan.  Ang ‘‘pangunahing pambansang lahing etniko” ay nahahati ayon sa rehiyon, higit pa sa mga katangian ng kanilang salita o lahi.

Maraming grupong etniko ang hindi kinikilala, ang pinakamalaki rito ay ang Burmes, Tsino at Panthay (na kapag pinagsama ay bumubuo ng 3% ng populasyon), Burmese Indians (bumubuo ng 2% ng populasyon), Anglo-Burmese at Gurkha. Walang opisyal na bilang ng populasyon para sa huling dalawang grupong nabanggit, ngunit may pinapalagay na 52,000 na bilang ng Anglo-Burmese sa Burma at 1.6 milyon sa labas ng nito. Maraming grupong etniko ang hindi kabilang sa 135  na opisyal na kinikilalang  grupong etniko ng Pamahalaan ng Myanmar (Burma). Kabilang dito ang:

·          Anglo-Burmese 

·          Burmese Chinese 

·          Panthay 

·          Burmese Indians 

·          Taungtha 

·          Rohingya 

·          Burmese Gurkha/Nepalese 

Ang Myanmar ay mayroong samu’t saring  grupong etniko, kultura at mga pamanang relihiyoso.  Marami sa mga ito, maging kabilang man sa kinikilala o di kinikilalang grupong etniko sa Myanmar, ay hindi makikita sa mga pangunahing museo ng bansa.  Ang ilan sa mga ito na nagpapatunay ng magkakasabay na pag-iral ng ilang relihiyon at kultura sa bansa ay sadyang sinira.  Ang ilang mga lumang kagamitang hindi Budista at ipinamalas bilang mga Budsta, kalakip ng mga maling karatula.  Ang Nan Phayar sa Bagan ay ang pinakakilalang labi.

Ang lumang pagoda na yari sa bato at buhangin na itinayo bilang dambana ng mga Hindu noong ika-11 siglo ay mayroong estatwa ni Brahma, ang Diyos ng mga Hindu.  Kapansin pansin ang estatwang may tatlong ulo na nakaawang mula sa dingding, ngunit pinalabas ng pamahalaan at mga pinuno ng mga relihiyon na ang lugar ay isang templo ng mga Budista.  Ang ilan sa mga makasaysayang lumang gamit ay sadyang sinira upang maikubli ang mga relihiyosong katotohanan ng Burma. 

 

1. Ang estatwa ng Diyos ng  Brahma ng Pagoda ng Bagan Nan Phayar (Larawan ni: Thet Oo Maung)

1. Ang estatwa ng Diyos ng Brahma ng Pagoda ng Bagan Nan Phayar (Larawan ni: Thet Oo Maung)

Isang kilalang pangyayari kamakailan ay ang paggiba ng Sementryo ng Lin Zin Gone sa Mandalay noong 2012-2013. Ang mosque at ilang mga puntod sa makasaysayang Sementeryo ng Lin Zin Gone sa bayan ng Amarapura, sa rehiyon ng Mandalay ay giniba ng Kagawaran ng Bayan ng Mandalay. Matapos lumabas sa Mandalay Daily Paper noong Mayo 31, 2012 ang abiso tungkol sa pagbubuwag ng Sementeryo ng Lin Zin Gone, isang opisyal na sulat ng apela ang ipinadala sa ministro at sa iba’t ibang antas ng awtoridad. Isang petisyon na may mahigit na 3000 na lagda laban sa naturang abiso ang ipinadala din sa mga awtoridad. Ang sementeryong ito ay mayaman sa mga makasaysayang labi ng mga kilalang taong hindi Budista na naglingkod sa Hari bago pa ang panahong kolonyal ng mga Britaniko. Maraming mga makasaysayang lapida/bato ng mga Muslim, Armenian at mga Europeo ang giniba ng mga buldoser. Maraming kilalang makasaysayang imahen tulad ni Santo Aabis Sha Husain Ni, Rahmawati Gobernador Shwe Taung Thargha Thu (isang marangal na titulo) U Nu, isang manunulat at makata, na nagsulat at nagbigay ng paliwanag ukol sa Islamto King Boethaw Phayar at iba pang mga sikat na Muslim sa Myanmar, ay nakalibing sa sementeryong ito. Ang aksyon na ito ay naglalayon na burahin ang lahat ng pruweba ng mga taong hindi Budista na noon ay namuhay at naglingkod sa Hari ng Burma bago pa ang pananakop ng mga Britaniko. Iilang lapida lamang ang nakaligtas dahil may isang mongha sa di kalayuang monasteryo  ang nagtago nito sa kaniyang lupain.

2. Ang nasirang lapida ng isang Armenian na tumira sa Mandalay noong panahon Panahon ng mga Hari. Ang lapidang ito ay nailigtas mula sa Lin Zin Gone Sementeryo. (Larawan ni: Tayza Hlaig)

2. Ang nasirang lapida ng isang Armenian na tumira sa Mandalay noong panahon Panahon ng mga Hari. Ang lapidang ito ay nailigtas mula sa Lin Zin Gone Sementeryo. (Larawan ni: Tayza Hlaig)

3. Ang abandonadong lapida ng isang Armenian na tumira sa Mandalay noong panahon ni Haring Min Doneera, na naksulat sa Burmese at Armenian. Ang lapidang ito ay nailigtas mula sa Lin Zin Gone Sementeryo. (Larawan ni: Tayza Hlaig)

3. Ang abandonadong lapida ng isang Armenian na tumira sa Mandalay noong panahon ni Haring Min Doneera, na naksulat sa Burmese at Armenian. Ang lapidang ito ay nailigtas mula sa Lin Zin Gone Sementeryo. (Larawan ni: Tayza Hlaig)