【6/5】FIHRM-AP Pagpupulong at Paunang Pagbabahagi sa Workshop “Nakaraan, Ngayon at Hinaharap: Kalayaan ng Sining at Pagpapahayag ng Likhain”

Paksang Itatalakay: Pagbabahagi ng Karanasan sa Asya Pasipiko – Paano Hinaharap ng Curator at ng Artistang Tagasining ang mga Kumplikadong Paksa sa Karapatang Pantao?
FIHRM-AP Pagpupulong at Paunang Pagbabahagi sa Workshop “Nakaraan, Ngayon at Hinaharap: Kalayaan ng Sining at Pagpapahayag ng Likhain”
- Paksang Itatalakay: Pagbabahagi ng Karanasan sa Asya Pasipiko – Paano Hinaharap ng Curator at ng Artistang Tagasining ang mga Kumplikadong Paksa sa Karapatang Pantao?
- Petsa: Hunyo 5, 2024 14:00-16:45 (Oras sa Taiwan)
Itinatag ang Federasyon ng Museo ng Internasyonal Karapatang Pantao Asya Pasipiko (FIHRM-AP) sa ICOM Kyoto Conference noong Setyembre 2019, pinapanindigan ang layunin ng FIHRM, ginaganap ng FIHRM-AP ang pagiging platform ng palitan sa pagitan ng mga museo at ng mga organisasyon sa rehiyon ng Asya Pasipiko, inaanyayahan ang bawat bansa na magkasamang magbigay ng pansin sa sitwasyon ng karapatang pantao sa rehiyon ng Asya Pasipiko, bumuo ng halaga ng museo na pinapanguna ang mga karapatang pantao, at magtaguyod ng pagsasagawa ng kontemporaryong konsepto ng karapatang pantao.
Sa Hunyo ngayong taon, magkasamang isasagawa ng National Human Rights Museum (NHRM) at Artists at Risk Connection (ARC) ang “Nakaraan, Ngayon at Hinaharap: Kalayaan ng Sining at Pagpapahayag ng Likhain” workshop. Ang workshop na ito ay magsisilbing plataporma para sa pagninilay at pag-uusap na magtataguyod ng mga kasanayang pangsining upang isulong ang mga talakayan sa karapatang pantao. Bilang paunang warm-up aktibidad sa workshop, isasagawa ang pagbabahagi sa online. Inimbitahan ang mga artistang tagasining at mga curator sa pagtatalakay ng “Paano harapin ang kumplikadong paksa sa karapatang pantao” sa rehiyong Asya-Pasipiko. Sa pagpupulong ngayon, maaaring makilahok sa talakayan ang sinumang may interes sa pagtataguyod ng karapatang pantao. Isasagawa ito sa paraang may pagsasalin sa wikang Chinese at Ingles. Mangyaring agahan ang pagrehistro.
*Mag-click dito upang pumasok sa link sa rehistrasyon*
Ipapadala ang link sa pagpupulong kapag nagtagumpay ang rehistrasyon
Iskedyul ng Pagpupulong:
📍 14:00 — 14:05 Talumpati
Hong, Shi-Fang, Direktor ng Nasyonal Museo ng Karapatang Pantao at Presidente ng Federasyon ng Museo ng Internasyonal Karapatang Pantao Asya Pasipiko (FIHRM-AP)
📍 14:05 — 14:45 Pagbabahagi (1)
Paksa | Pagbuklod at Paglalampas ng Museo at LGBTIQ+
Speaker | Craig Middleton, Beteranong Curator sa National Museum of Australia
📍 14:45 — 15:25 Pagbabahagi (2)
Paksa | Umuusok na Baga
Speaker | Pooja Pant, Direktor ng Voices of Women Media
📍 15:25 — 16:15 Pagbabahagi (3)
Paksa | Patani Sining at Espasyo – Sining at Pamayanan
Speaker | Jehabdulloh jehsorhoh, Direktor ng Patani Sining at Espasyo, Visual Arts Department Assistant Professor sa Prince of Songkla University
📍 16:20 — 16:45 Panglahatang Talakayan
Host | Lin, Wen-Ling, Assistant Professor sa Graduate Institute of Art Management and Museum Studies ng National Taiwan University of Arts
Commentator | Wu, Jieh-Xiang, Professor sa Arts Department ng National Changhua University of Education
* Isasagawa ang pagbabahagi na may consecutive pagsasalin sa wikang Chinese at Ingles.
* Ipapadala ang link sa pagbabahagi sa e-mailbox ng nagrehistro.
* Para sa anumang tanong, maaaring magpadala ng sulat sa : museumfju.website@gmail.com
Pagpapakilala sa Speaker:
Si Craig Middleton ay beteranong curator ng National Museum of Australia at honor speaker sa Australian National University (ANU) sa Canberra. Sa National Museum of Australia, siya ang may pananagutan para sa mga malikhaing ideya, paglikha ng nilalaman ng eksibisyon, pagtayo at pagbuo ng mga koleksyon, at namumuno sa isang serye ng mga proyekto sa Discovery and Collection Department, nakatuon sa pagtaguyod ng konsepto ng pagpaparaya, makikita ito sa paglibot sa museo, sa mga proyekto, eksibisyon at pananaliksik na kanyang pananagutan. Isa rin siyang may-akda, nakasama niya si Nikki Sullivan sa 《Queering the Museum》. Inilathala ito ng Routledge (publisher sa England) sa taon 2019.
Pagpapakilala sa Speaker:
Si Pooja Pant ang tagapagtatag at Direktor ng Voices of Women Media, isang organisasyon na nagtataguyod ng mga karapatan ng kababaihan sa pamamagitan ng multimedia at teknolohiya. Isa ring prodyuser ng mga dokumentaryong film at aktibista sa karapatan ng kababaihan si Pant. Nakakasama niya sa trabahong paggawa ng mga ulat at video sa pag-uulat ng balita, mga eksklusibong paksa at palatuntunan ang Netflix, Channel News Asia (CAN), RAW Factual Productions sa London, AFP News Agency, United Nations, International Centre for Integrated Mountain Development (ICIMOD), BBC World ng England at iba pa. Kasalukuyan siyang nakatira sa Nepal at bukod sa pag-aalaga sa anak na babae, patuloy na nakikilahok sa mga kilusan at aktibidad upang ikalat ang mga impormasyon at kuwento ng iba’t ibang lugar.
Kaugnay na ulat: Mga Talaan ng Pagkatahimik (Chronicles of Silence) – ang mga tinig ng magigiting na kababaihan na dumanas ng karahasang sekswal kaugnay sa pagsasalungat
Pagpapakilala sa Speaker:
Ipinanganak si Jehabdulloh jehsorhoh sa probinsya ng Pattani sa taon 1983 at nagtapos ng pag-aaral ng visual arts sa School of Fine and Applied Arts sa Prince of Songkla University sa Pattani. Pagkatapos, nakuha niya ang master’s degree sa School of Painting, Sculpture and Graphic Arts sa Silpakorn University. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng visual arts sa mga paaralan kung saan siya nag-aral at itinaguyod niya rin ang Patani Artspace na humahawak sa mga kilalang aktibidad ng sining sa Thailand. Nagmumula sa larawan ng Pattani Malay sa pinakatimog na lugar ng Thailand ang kanyang mga ideya sa paglilikha. Tulad ng 〈The Image of Local Malay Pattani〉, nanggaling ang kanyang ideya sa disenyo ng Kolae boat, tradisyonal na bangka ng mga mangingisda sa lugar na iyon. Bukod dito, mayroon pang 〈The Beauty in the Dark at Pattani〉, nagmula sa bandana (hijab), lapida (batu nisan) at iba pang pang-araw-araw na kagamitan ng Moslem at naggalugad ukol sa relihiyong Islam. Madalas pinagsasama ang iba’t ibang materyales sa pagguhit ng larawan at may kasama pang sining ng papel at gawa sa kamay. Kasalukuyang gumagawa ng saliksik sa mga kaguluhan, karahasan at aktibidad ng mga ekstremista sa rehiyon sa pinakatimog ng Thailand, Syria at Palestine. Makikita ang paksang ito sa mga gawain niya tulad ng 〈Budu Bomb〉at〈Born in the War〉. Mayroon ding mga gawang nagpapakita ng pulitikang sitwasyon. May mga pangyayari sa bahaging timog ng Thailand, malapit sa tatlong probinsya sa border at may ibang nagpapaliwanag naman ng internasyonal na sitwasyon. Kabilang sa materyales sa paglilikha ang pangkaraniwang pagguhit ng larawan, mixed media na pagpipinta, pag-uukit, sining sa paglalagay, potograpiya, behavior arts at may mga paksang karahasan sa lugar ng trabaho, kaligtasan ng mamamayan, mga lakas na hindi maganda, pulang espasyo at iba pa.
Kaugnay na ulat: Sining ng Pagsasalungat sa Bahaging Timog ng Thailand