FIHRM-AP Pagpupulong at Paunang Pagbabahagi sa Workshop “Nakaraan, Ngayon at Hinaharap: Kalayaan ng Sining at Pagpapahayag ng Likhain” Paksang Itatalakay: Pagbabahagi ng Karanasan sa Asya Pasipiko – Paano Hinaharap ng Curator at ng Artistang Tagasining ang mga Kumplikadong Paksa sa Karapatang Pantao? Petsa: Hunyo 5, 2024 14:00-16:45 (Oras sa Taiwan) Itinatag ang Federasyon ng Museo ng Internasyonal Karapatang Pantao Asya Pasipiko (FIHRM-AP) sa ICOM Kyoto Conference noong Setyembre 2019, pinapanindigan ang layunin ng FIHRM, ginaganap ng FIHRM-AP ang pagiging platform ng palitan sa pagitan ng mga museo at ng mga organisasyon sa rehiyon ng Asya Pasipiko, inaanyayahan ang bawat bansa na magkasamang magbigay ng pansin sa sitwasyon ng karapatang pantao sa rehiyon ng Asya Pasipiko, bumuo ng halaga ng museo na pinapanguna ang mga karapatang pantao, at magtaguyod ng pagsasagawa ng kontemporaryong konsepto ng karapatang pantao. Sa Hunyo ngayong taon, magkasamang isasagawa ng National Human Rights Museum (NHRM) at Artists at Risk Connection (ARC) ang “Nakaraan, Ngayon at Hinaharap: Kalayaan ng Sining at Pagpapahayag ng Likhain” workshop. Ang workshop na ito ay magsisilbing plataporma para sa pagninilay at pag-uusap na magtataguyod ng mga kasanayang pangsining upang isulong ang mga talakayan sa karapatang pantao. Bilang paunang warm-up aktibidad sa workshop, isasagawa ang pagbabahagi sa online. Inimbitahan ang mga artistang tagasining at mga curator sa pagtatalakay ng “Paano harapin ang kumplikadong paksa sa karapatang pantao” sa rehiyong Asya-Pasipiko. Sa pagpupulong ngayon, maaaring makilahok sa talakayan ang sinumang may interes sa pagtataguyod ng karapatang pantao. Isasagawa ito sa paraang may pagsasalin sa wikang Chinese at Ingles. Mangyaring agahan ang pagrehistro. *Mag-click dito upang pumasok sa link sa rehistrasyon* Ipapadala ang link sa pagpupulong kapag nagtagumpay ang rehistrasyon Iskedyul ng Pagpupulong: 📍 14:00 — 14:05 Talumpati Hong, Shi-Fang, Direktor ng Nasyonal Museo ng Karapatang Pantao at Presidente ng Federasyon ng Museo ng Internasyonal Karapatang Pantao Asya Pasipiko (FIHRM-AP) 📍 14:05 — 14:45 Pagbabahagi (1) Paksa | Pagbuklod at Paglalampas ng Museo at LGBTIQ+ Speaker | Craig Middleton, Beteranong Curator sa National Museum of Australia 📍 14:45 — 15:25 Pagbabahagi (2) Paksa | Umuusok na Baga Speaker | Pooja Pant, Direktor ng Voices of Women Media 📍 15:25 — 16:15 Pagbabahagi (3) Paksa | Patani Sining at Espasyo – Sining at Pamayanan Speaker | Jehabdulloh jehsorhoh, Direktor ng Patani Sining at Espasyo, Visual Arts Department Assistant Professor sa Prince of Songkla University 📍 16:20 — 16:45 Panglahatang Talakayan Host | Lin, Wen-Ling, Assistant Professor sa Graduate Institute of Art Management and Museum Studies ng National Taiwan University of Arts Commentator | Wu, Jieh-Xiang, Professor sa Arts Department ng National Changhua University of Education * Isasagawa ang pagbabahagi na may consecutive pagsasalin sa wikang Chinese at Ingles. * Ipapadala ang link sa pagbabahagi sa e-mailbox ng nagrehistro. * Para sa anumang tanong, maaaring magpadala ng sulat sa : museumfju.website@gmail.com