【5/29】FIHRM-AP Pagpupulong at Paunang Pagbabahagi sa Workshop “Nakaraan, Ngayon at Hinaharap: Kalayaan ng Sining at Pagpapahayag ng Likhain”

Paksang Itatalakay: Simula sa Karanasan ng Taiwan – Paano Hinaharap at Pinakalma ng Taiwan ang mga Sugat at Sakit ng Nakaraang Kasaysayan?
FIHRM-AP Pagpupulong at Paunang Pagbabahagi sa Workshop “Nakaraan, Ngayon at Hinaharap: Kalayaan ng Sining at Pagpapahayag ng Likhain”
- Paksang Itatalakay: Simula sa Karanasan ng Taiwan – Paano Hinaharap at Pinakalma ng Taiwan ang mga Sugat at Sakit ng Nakaraang Kasaysayan?
- Petsa: Mayo 29, 2024 14:00-16:30 (Oras sa Taiwan)
Itinatag ang Federasyon ng Museo ng Internasyonal Karapatang Pantao Asya Pasipiko (FIHRM-AP) sa ICOM Kyoto Conference noong Setyembre 2019, pinapanindigan ang layunin ng FIHRM, ginaganap ng FIHRM-AP ang pagiging platform ng palitan sa pagitan ng mga museo at ng mga organisasyon sa rehiyon ng Asya Pasipiko, inaanyayahan ang bawat bansa na magkasamang magbigay ng pansin sa sitwasyon ng karapatang pantao sa rehiyon ng Asya Pasipiko, bumuo ng halaga ng museo na pinapanguna ang mga karapatang pantao, at magtaguyod ng pagsasagawa ng kontemporaryong konsepto ng karapatang pantao.
Sa Hunyo ngayong taon, magkasamang isasagawa ng National Human Rights Museum (NHRM) at Artists at Risk Connection (ARC) ang “Nakaraan, Ngayon at Hinaharap: Kalayaan ng Sining at Pagpapahayag ng Likhain” workshop. Ang workshop na ito ay magsisilbing plataporma para sa pagninilay at pag-uusap na magtataguyod ng mga kasanayang pangsining upang isulong ang mga talakayan sa karapatang pantao. Bilang paunang warm-up aktibidad sa workshop, isasagawa ang pagbabahagi sa online. Inimbitahan ang mga artistang tagasining at mga curator sa pagtatalakay ng “Paano Hinaharap at Pinakalma ng Taiwan ang mga Sugat at Sakit ng Nakaraang Kasaysayan?” mula sa karanasan ng Taiwan. Sa pagpupulong ngayon, maaaring makilahok sa talakayan ang sinumang may interes sa pagtataguyod ng karapatang pantao. Isasagawa ito sa paraang may pagsasalin sa wikang Chinese at Ingles. Mangyaring agahan ang pagrehistro.
*Mag-click dito upang pumasok sa link sa rehistrasyon*
Ipapadala ang link sa pagpupulong kapag nagtagumpay ang rehistrasyon
Iskedyul ng Pagpupulong:
📍 14:00 — 14:05 Talumpati
Hong, Shi-Fang, Direktor ng Nasyonal Museo ng Karapatang Pantao at Presidente ng Federasyon ng Museo ng Internasyonal Karapatang Pantao Asya Pasipiko (FIHRM-AP)
📍 14:05 — 14:45 Pagbabahagi (1)
Paksa | Pagsusulat ng mga Alaala sa Kasaysayan: Pagsusuri sa mga Karanasang Paglilikha ni Atty. Yao, Chia-Wen
Speaker | Yao, Chia-Wen, Tagapayo sa Tanggapan ng Pangulo, biktima ng White Terror
📍 14:45 — 15:25 Pagbabahagi (2)
Paksa | Pagbabahagi ng Karanasan sa Paglilikha, Kalayaan at Paggagamot sa Trauma
Speaker | Tsai, Hai-Ru, Artistang tagasining, curator at kamag-anak ng biktima ng White Terror
📍 15:25 — 16:05 Pagbabahagi (3)
Paksa | Paggalugad sa Kasaysayan sa Teatro
Speaker | Chiu, An-Chen, Pinuno ng The Party Theater Group
📍 16:05 — 16:30 Panglahatang Talakayan
Host | Phebea Shen, Artistang tagasining at patnubay
* Isasagawa ang pagbabahagi na may consecutive pagsasalin sa wikang Chinese at Ingles.
* Ipapadala ang link sa pagbabahagi sa e-mailbox ng nagrehistro.
* Para sa anumang tanong, maaaring magpadala ng sulat sa : nhrm.fihrmap@gmail.com
Pagpapakilala sa Speaker:
Naging biktima ng White Terror si Yao, Chia-Wen at sa kasalukuyan, tagapagpayo siya sa Tanggapan ng Pangulo. Sa taon 1979, nabilanggo siya dahil sa insidente sa Kaohsiung, Taiwan at doon niya tinapos ang pagsusulat ng “Pitong Kulay na Talaan ng Taiwan”. Kasama sa nilalaman nito ang kasaysayan ng Taiwan mula taon 383 hanggang taon 1984. Sa taon 2009, nagkamit ito ng gantimpala sa literatura mula sa Wu San-Lien Foundation sa kategoryang maikling kuwento. Bukod sa maikling kuwento, nag-akda si Yao, Chia-Wen ng madaming ulat sa legal na batas at sa historya. Inilathala niya ang “Unang Korte” sa nakaraang taon, isang malalim na paggalugad sa mga pinakahuling pagbabago sa sistemang authoritarian sa Taiwan.
Pagpapakilala sa Speaker:
Mahigit 30 taon nang naglilinang si Tsai Hai-Ru sa larangan ng sining, dating naging direktor ng Taiwan Women’s Art Association at may trabaho sa pagdisenyo ng sining at multimedia at pagtuturo at pagsasanay ng human resources at iba pa. Mahusay siyang gumamit ng paglikha upang ipakita ang bawat bahagi ng buhay. Naipakita sa eksibisyon sa Taiwan at sa ibang bansa ang mga gawain. Bilang pamilya ng biktima ng White Terror, sinimulan niya sa taon 2008 ang paghahanap sa nakaraan ng ama at ng pamilya at sa unang pagkakataon makaraan ang 2012, ginamit niya ang kanyang nilikha para tuklasin ang naranasan ng pamilya noong White Terror.
Pagpapakilala sa Speaker:
Nagtapos sa Master of Performing Arts si Chiu, An-Chen sa Actors Studio Drama School at the New School University sa New York, Amerika. Matagal na siyang may trabaho sa Teatro at sa 2001, itinatag niya ang The Party Theater Group. Magkakaiba ang hitsura ng paglahad sa gawain, pinagsama ang totoong tao, puppet, maskara at iba pang materyales, nagbibigay ng pansin sa mga less-advantaged na grupo, sa pagkilanlan sa sarili at mga paksa sa karapatang pantao. Bukod sa pagiging direktor, isa rin siyang tagasulat ng script, artista at iba pang pagkilanlan.