FIHRM 2022
Nais imbitahin ng Norwegian Network sa Demokrasya at Museo ng Karapatang Pantao ang lahat ng miyembro ng FIHRM at mga iba pang kasama mula sa komunidad ng internasyonal museo, sa Norway sa Setyembre ng taon 2022.
Gagawin ang pagpupulong sa mga sumusunod na lugar sa Oslo: Nobel Peace Center, isang museo na nakatuon sa Nobel Peace Prize, at sa Norwegian Center for Holocaust and Minority Studies sa may Bygdøy peninsula. Gaganapin sa museo Eidsvoll 1814 ang pambungad na session, sa makasaysayang bahay kung saan binalangkas ng Norwegian constituent katawan ang saligang-batas ng Norway mahigit dalawang siglo nang nakaraan.
Ating tuklasin kung paano nakikibahagi ang mga museo sa mga paksang demokratikong pagbubukod at pagsasama, at kung paano nagsusumikap ang mga museo na panindigan ang awtonomiya sa mga lugar kung saan pinapahirapan ang mga karapatang pantao at mga demokratikong pamantayan.
Ang mga kalahok sa pagpupulong ay may pagkakataong matuklasan ang madaming museo at makulay na kulturang tanawin sa Oslo, kapitolyo ng Norway.
Ilalabas ang programa sa spring ng 2022. Magkakaroon ng detalyadong impormasyon ukol sa rehistrasyon sa malapit na panahon, mangyaring ireserba ang mga petsang Setyembre 19-21, 2022.
Magkita tayo sa Norway.
FIHRM 2022