:::

ANG IKA-ANIM NA ISYU NG FIHRM-AP - ANG LAKAS NG PAGKILOS: FIHRM-AP 2023 SA PAGSASAMA-SAMA PARA SA KARAPATANG PANTAO (I)

Co-authors: Chen Yi-Shan at Ngan Yuet, mga mag-aaral sa Graduate Institute of Museum Studies, Fu Jen Catholic University (FJU)


ANG IKA-ANIM NA ISYU NG FIHRM-AP - ANG LAKAS NG PAGKILOS: FIHRM-AP 2023 SA PAGSASAMA-SAMA PARA SA KARAPATANG PANTAO (I)

Ang seremonya ng pagbubukas para sa 2023 FIHRM-AP Annual Conference na may temang "Synergizing for Human Rights: Collaboration Between Museums and Communities in the Asia-Pacific Region"(© FIHRM-AP)

Ang seremonya ng pagbubukas para sa 2023 FIHRM-AP Annual Conference na may temang "Synergizing for Human Rights: Collaboration Between Museums and Communities in the Asia-Pacific Region"(© FIHRM-AP)

Paunang Salita

Ang layunin ng Federation of International Human Rights Museums - Asia Pacific (FIHRM-AP) ay ang pagtatag ng sarili bilang isang plataporma na nag-uugnay sa mga pandaigdigang museo at mga museo sa Asia Pacific na may kaugnayan sa mga organisasyon ng karapatang pantao. Sa pamamagitan ng diyalogo at pakikipagtulungan, ang FIHRM-AP ay naghahangad na itaguyod ang kasanayan at katuparan ng mga kontemporaryong kaisipan ng karapatang pantao.

Ang taunang pagpupulong ng FIHRM-AP ay idinaos sa Taiwan para sa unang pagkakataon noong 2023. Isinagawa ito sa pangangasiwa ng National Human Rights Museum (NHRM) at tumagal ng tatlong araw simula noong Nobyembre 6 sa ilalim ng temang "Synergizing for Human Rights." Kasama sa mga kalahok ang mga propesyonal sa museo, mga mananaliksik, at mga manggagawang may kaugnayan sa karapatang pantao mula sa Taiwan, Japan, Indonesia, Nepal, India, Thailand, Vietnam, Australia, at iba pang rehiyon. Isinama sa pagpupulong ang tatlong keynote speeches, isang presentasyon ng 16 na research papers, at isang workshop mula sa International Coalition of Sites of Conscience (ICSC). Sa pamamagitan ng iba't ibang format na ito, nagdulot ang pagpupulong ng mga bagong pananaw at inspirasyon para sa pagsusulong ng edukasyon sa karapatang pantao, negatibong pamanang kultural, pakikipagtulungan sa komunidad, at isyu sa migrasyon at interdisiplinaryong aspeto ng karapatang pantao upang magkaroon ng “synergizing effect” sa mga museo at sa iba't ibang larangan.

Bukod sa mga eksperto, mga iskolar, at mga dumalo na may kinalaman sa mga isyu ng karapatang pantao mula sa iba't ibang panig ng mundo, ang mga pulitikal na biktima ng White Terror era tulad nina Chen Chin-Sheng, Chang Tse-Chou, Chou Hsien-Nung, at Wu Kuo-Shou ay naroon din at personal na nagpahayag ng kanilang taos-pusong pasasalamat at suporta sa mga dumalong manggagawa ng karapatang pantao.

Si Richard Benjamin, Senior Lecturer sa Contemporary Museum Practice at Co-Director ng Centre for the Study of International Slavery sa University of Liverpool, UK, ay nagbahagi ng mga progreso na nagawa sa Liverpool tungkol sa paglutas sa mga lokal na isyu kaugnay sa kalakalan ng alipin. (© FIHRM-AP)

Si Richard Benjamin, Senior Lecturer sa Contemporary Museum Practice at Co-Director ng Centre for the Study of International Slavery sa University of Liverpool, UK, ay nagbahagi ng mga progreso na nagawa sa Liverpool tungkol sa paglutas sa mga lokal na isyu kaugnay sa kalakalan ng alipin. (© FIHRM-AP)

Ang Lakas ng mga Museo – Kilos Na!

Sa pagtalakay sa isang masalimuot na kasaysayan, mas marami pang magagawa ang mga museo bukod sa pagsasalaysay at paggunita! Ayon kay Richard Benjamin, Senior Lecturer sa Contemporary Museum Practice at Co-Director ng Centre for the Study of International Slavery sa University of Liverpool, UK, "Maalala natin; kikilos tayo." Ipinaliwanag ni Benjamin kung paano itinatampok ng International Slavery Museum (ISM) sa Liverpool ang mga personal na kwento at mga kasaysayan ng pamilya na siyang madaling naunawaan ng mga manonood kapag tinalakay ang kasaysayan ng kalakalan ng alipin. Sa paraang ito, naitaguyod ang kamalayan at pag-unawa ng publiko hinggil sa sensitibong kasaysayan.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at co-creating sa mga lokal na grupo, ang ISM ay naging tagasulong ng mga makabagong isyu sa karapatang pantao. Ginamit ang mga eksibisyon at iba pang anyo ng dokumentasyon upang itala ang mga paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng kolonyalismo sa Congo[1] at kamakailang kilusan tulad ng Black Lives Matter. Ginamit din ang paraang ito upang tuklasin ang mga nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap na mga isyu sa karapatang pantao mula sa iba't ibang perspektibo at sa pamamagitan ng iba't ibang pamamaraan.

Ang mga makabagong museo ay nag-iba ng kanilang pokus patungo sa mas mas malawak na sakop ng iba't ibang uri komunidad bilang pagsisikap na itaguyod ang kasamaan. Sa mga nagdaang taon, ang Suiheisha History Museum sa Japan, na itinatag na may misyon na "kontra-diskriminasyon laban sa mga katutubong mamamayan," ay nagbigay-pansin na rin sa karapatan sa access ng mga tao na may iba't ibang ipagkakakilanlan, nagsagawa ng reporma at ipinatupad ang mga makabagong naratibo at pamamahayag sa kanilang mga eksibit. Kasama dito ang pag-install ng mga interactive touch panel at pagsasaayos ng taas ng mga eksibit para sa mga bata at mga gumagamit ng wheelchair.

Tungkol sa nilalaman, isinama ng museo ang iba't ibang uri ng media na kaaya-aya sa mga manonood tulad ng puzzle cards, picture books, at comics sa kanilang mga eksibit. Sa pagpapahusay ng pakikilahok ng mga manonood sa pamamagitan ng kakaibang at madaling basahin na materyal, layunin ng museo na bawasan ang mga balakid sa pagdalo sa mga eksibisyon. Sa ganitong paraan, nais nitong iparating ang mga prinsipyo ng karapatang pantao sa mga bisita mula sa iba't ibang background at grupo ng edad.

Ang hinaharap ay kasalukuyan. Patuloy tayong nilalapit ng teknolohiya sa hinaharap. Ang mabilis na pag-unlad ng Artificial Intelligence (AI) ay isa sa mga pinakatanyag na paksa sa mga nagdaang taon. Inihain ni Tracy Puklowski, Senior Director ng Northern Territory Government sa Australia, ang potensyal at mga panganib ng pagdagdag ng AI sa mga museo. Halimbawa, ang data analysis ng AI ay makakatulong sa mga museo na matukoy ang mga katangian at pangangailangan ng kanilang mga taga tangkilik, na siyang lilikha ng isang mas personalisadong karanasan sa museo. Maari rin itong gamitin upang tiyakin ang isang komportable at walang tinatanging karanasan sa eksibisyon para sa mga taong may ibang kundisyon sa pag-iisip[2].

Ang AI ay maaaring magamit ng mga museo sa pagtugon sa mga sensitibong isyu, pagsasalin ng mga mahirap na kasaysayan sa maraming wika, at maging sa paglikha ng mga immersive digital replicas para sa virtual repatriation. Ang ganitong paraan ay nagtatanaw sa repatriation ng mga kultural na artipakto bilang isang pagkakataon na mapadali ang kultural na pakikipag-usap at pagtatatag ng ugnayan sa pagitan ng parehong panig, sa halip na isang pagkawala o pagsuko. Para sa mga kawani ng museo, ang takbo ng AI ay nanghihimok ng pangangailangan na matutunan kung paano matitiyak ang katunayan ng impormasyon at pahintulutan ang mga pinka bagong teknolohiya na gumanap ng positibong katungkulan sa mga museo.

Ang mas interaktibong karanasan sa museo ay maaaring maibigay sa pamamagitan ng iba't ibang anyo ng media tulad ng sining, ilustradong kwento, at laro. Si Professor Lin Bao-An ng General Education Center sa National Penghu University of Science and Technology, kasama ang kanyang pangkat, ay nakipagtulungan sa Human Rights Team ng Penghu County Compulsory Education Counseling Group upang gawing isang board game ang mga pangyayari sa likod ng 713 Incident sa Penghu, at tinawag itong "Exile Files."

Sa pamamagitan ng board game bilang isang medium na pamilyar sa mga batang manlalaro, maaari nilang suriin ang mga kuwento ng buhay ng mga Shandong exiles na dumanas ng digmaan, sapilitang pagtanggap, maling mga paratang at pagkakapiit dahil sa 713 Incident sa Penghu, at maging ang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad. Binibigyang-diin din ng laro ang mga paghihirap ng mga pinatapong mag-aaral at guro na muling magpatuloy sa kanilang edukasyon, itatag ang kanilang mga ugat sa isang hindi pamilyar na kapaligiran, at ang kanilang nalalapit na pagpapawalang sala.

Ang mga dumalo sa kumperensya ay naglaro ng board game na "Exile Files" sa labas ng lugar. (© FIHRM-AP)

Ang mga dumalo sa kumperensya ay naglaro ng board game na "Exile Files" sa labas ng lugar. (© FIHRM-AP)

Ang mga dumalo sa kumperensya ay naglaro ng board game na "Exile Files" sa labas ng lugar. (© FIHRM-AP)

Ang mga dumalo sa kumperensya ay naglaro ng board game na "Exile Files" sa labas ng lugar. (© FIHRM-AP)

Sa kaso ng Taiwan, tinalakay ni National Human Rights Museum Director Hung Shih-Fang ang mga suliranin na kinakaharap ng museo habang ipinuposisyon ang sarili at isinusulong ang panlipunang diyalogo sa loob ng konteksto ng kasaysayan ng autoritaryang pamamahala. Kasama dito ay kung dapat itong magsilbi bilang isang "difficult heritage" o "museo," kung dapat itong tanggapin bilang "pulitikal" higit sa bilang isang mas malawak na pamamamaraan ng mga karapatang pantao, at kung dapat bigyang prayoridad bilang isang "heritage preservation" o "revitalization." Binanggit din ni Hung ang mga kahirapan sa pagsasakatuparan ng mga desisyon alinsunod sa kung paano "ang mga archives ay maaaring hindi laging naglalaman ng katotohanan" at "ang mga panayam ay hindi maaaring maituring bilang mga tala," pati na rin ang mga estratehiya na ipinatutupad upang makahikayat ng mas malawak na madla.

 

Isang Bagong Pananaw sa Negatibong Heritage – Ang Representasyon at Pagbabago ng mga Alaala ng Troma

Ang mga kahirapan at ang pangamba na bumabalot sa negatibong pamana

Bilang isang pisikal na espasyo o alaala lamang na sumasaklaw sa iba't ibang anyo ng troma, tinatawag din ang negatibong pamana bilang "difficult heritage." Ayon kay Associate Professor Huang Shu-Mei ng Institute of Building and Planning, National Taiwan University, maaring hatiin ang mga hamon na kaugnay ng difficult heritage sa dalawang aspeto: Una, sa mababang antas, ang kadiliman at kabigatan ng kasaysayan ay nauugma sa partikular na pisikal na kapaligiran at mga makasaysayang gusali na maaaring magbunsod ng hindi magandang pakiramdam sa mga tao. Pangalawa, sa antas na panloob, ang pagkakaiba-iba sa mga perspektibo at pagkakaunawa hango sa karanasan ng iba't ibang komunidad na may mga personal na interes ay nagreresulta sa magkasalungat na mga salaysay at mutual na pagtanggi. Sa ganitong mga kumplikadong konteksto ng kasaysayan, ang pagkakaroon ng iisang salaysay ay madalas masyadong napapasimple ang tunay na kalagayan sa paligid ng mga salarin/biktima at mga mananakop/nasasakop. Tanging sa pamamagitan ng pagtatatag ng pangmatagalan at mutual na tiwala at kolaborasyon sa loob ng komunidad maaaring makamit ang tunay na pagkakasundo at pagkakaisa.

Tinalakay din ni Chu Fang-Yi, isang doktor sa pagkadalubhasa (doctorate candidate) sa Institute of Cultural Anthropology and Development Sociology sa Leiden University, Netherlands, ang kung papaano maaring magbunsod ng pagkabalisa ng mga lokal na residente ang negatibong pamana. Tulad ng Green Island Human Rights Monument, ang monumento ay isang masakit na paalala para sa mga taga isla gayung karamihan sa mga bilanggong pulitikal ay dating napiit sa Green Island Prison.  Higit pa rito, ang monumento ay tinuring ng karamihan sa mga residenteng Han Chinese bilang isang medium upang makadaupang palad ang mga espirito, diyos, at mga ninuno. Ang kalagiman na iniugnay sa monumento ay nagtulak sa mga taga-isla na "magwisik ng dugo ng aso" bilang pagtangka na alisin ang dumi at mga inaasahang panganib. Idiniin lamang nito ang namumukadkad na sigalot bunga ng ng kalabuan sa pagitan ng tradisyonal na paniniwala ng tribong Han sa mga multo at mga diyos at ang halaga ng mga monumento.  Ito rin ay nagbibigay ng pagkakataon upang makapag-isip at magbulaybulay tungkol sa konsepto ng monumental landscapes.

 

Ang pagmumuseo ng negatibong pamana ang naghinto sa dominasyon ng pagkakaroon ng iisang makasaysayang salaysay at lumikha ng espasyo para sa kolektibong alaala

Ang mga monumento na itinatag upang gunitain ang isang kaguluhan ay dapat mula sa layunin na alalahanin ang mga biktima, gunitain ang mga alaala ng troma, at maiwasan ang muling pagkakamali. Gayunpaman, ang iisang makasaysayang salaysay na inilatag ng mga pamahalaang awtoritarian ay madalas na nakikinabang sa mga nasa kapangyarihan, na siyang nagpipinta sa mga minority group bilang mga rebelde, at nagkukulang sa iba't ibang mga perspektiba.

Ang Lecturer na si Padtheera Narkurairattana mula sa Institute of Human Rights and Peace Studies, Mahidol University, Thailand, ay nagbahagi tungkol sa Dusun Nyor Monument sa ikabuturang timog ng Thailand at sa Seven Martyrs Blessed Memorial of Song Khon sa hilagang-silangan ng Thailand, na nagbibigay pansin sa matagal na dominasyon ng Budismo sa Thailand at ang naging bunga ng pang-aapi at paglabag sa karapatang pantao laban sa mga minority group na may ibang relihiyon, tul  ad ng Malay Muslims at mga Katoliko. Sa pamamagitan ng pagtitipon ng kolektibong alaala mula sa iba't ibang pangkat etniko, inilahad ni Narkurairattana kung paano maaring makuhang muli ang layunin ng mga monumento na ito. Kasama dito ang pagbabalik ng dangal sa mga komunidad na nagdusa, pagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga monumento bilang espasyo para sa kolektibong alaala, at pagsusumikap na maiwasan ang mga hinaharap na insidente ng pang-aapi sa relihiyon.

Ipinaliwanag ni Associate Professor María del Pilar Álvarez ang proseso ng pag-iiba ng mga makasaysayang pook sa mga museo gamit ang May 18 Gwangju Democratization Movement bilang isang case study. (© FIHRM-AP)

Ipinaliwanag ni Associate Professor María del Pilar Álvarez ang proseso ng pag-iiba ng mga makasaysayang pook sa mga museo gamit ang May 18 Gwangju Democratization Movement bilang isang case study. (© FIHRM-AP)

Ang mga museo ay hindi lamang mga lugar para sa mga koleksyon, eksibisyon, at edukasyon, kundi mayroon din itong tungkulin sa pangangalaga at pag katawan. Sa pamamagitan ng pag-iiba ng negatibong heritage sa mga museo, ang mga makakasaysayang pangyayari ay maaaring patuloy na maalala. Si María del Pilar Álvarez, Associate Professor ng Korean Studies Program, School of Social Sciences ng El Salvador University sa Argentina ay nagsagawa ng isang qualitative case study sa mga memory sites ng Gwangju, South Korea. Sa pamamagitan ng mga pamamaraan tulad ng pananayam sa mga miyembro ng The May 18 Foundation, inalisa ni Álvarez ang proseso ng musealization ng higit sa sampung espasyo ng alaala na may kaugnayan sa May 18 Democratization Movement sa Gwangju. Pinagtibay niya na ang pagkatawan at territorialization ng mga alaala ay nabubuo sa pamamagitan ng kolektibong memorya at spatial framework. Ang Gwangju ay naging isang "city of memory" dahil ito ay nagpanatili ng mga pook ng mga alaala at nakatanggap ng masidhing na suporta mula sa lokal na komunidad.

Gamit ang state violence bilang sentro ng kanyang presentasyon, ginamit ni Andi Achdian, Assistant Professor mula sa Sociology Program Study sa Universitas Nasional (UNAS), Jakarta, Indonesia at Board Member ng Munir Human Rights Museum ang Comarca-Balide Museum bilang isang case study upang suriin ang praktikal na batayan ng pag-iiba ng mga hindi makatarungang pook, tulad ng bilangguan na nagtago ng mga political prisoners sa East Timor noong 1975, at gawing mga museo ng karapatang pantao, na nagbigay ng bagong kahulugan sa mga espasyong ito. Kasabay nito, ang aktibong pagsama ng pangkalahatang karapatang pantao at isyu sa LGBTQ, karapatan ng mga kababaihan, at karapatan ng mga bata sa mga eksibisyon ay hindi lamang aani ng mga tugon ukol sa mga makabagong isyu, kundi hihimok din sa mga miyembro ng madla na mag-isip at kumilos.

[1] Noong 2015, nagkaruon ng kolaborasyon ang International Slavery Museum sa Liverpool, UK, at ang Congo Reform Association upang bumuo ng eksibisyon na pinamagatang "Brutal Exposure: The Congo." Ang eksibisyong ito ay naglalarawan ng pang-aabuso at karahasan na naranasan ng mga mamamayan ng Congo sa ilalim ng sapilitang kolonisasyon ni Haring Leopold II ng Belgium.

[2] Ang "neurodiversity" ay tumutukoy sa magkakaibang paglago ng mga ugat sa utak ng tao. Kasama sa konseptong ito ang iba't ibang grupo na may kaugnayan sa paglago ng mga ugat ng tao, tulad ng mga may ADHD, autism spectrum disorders, developmental language disorders, developmental motor disorders, at mga learning disabilities.