:::
Paano Hinaharap ng mga Museo ang mga kasalukuyang Isyu sa Karapatang Pantao: Mula sa Co-learning hanggang Adbokasiya Isang Pag-aaral ng Pagtatanghal na Ayo! Ayo! Ang Bukas ay Dapat Mas Mainam

Tungkol sa May-akda :Chang, Wen Hsin

Si Chang, Wen Hsin ay kasalukuyang isang miyembro ng mga kawani ng Pambansang Museo ng mga Karapatang Pantao sa Taiwan at ng FIHRM-AP Secretariat. Mula 2020 hanggang 2021, siya ang bumuo ng Migration and Human Rights Co-learning Workshop, Migration and Human Rights Online Forum at the International Migration and Human Rights Forum and Workshop.

Tungkol sa Nasyonal Museo ng Karapatang Pantao sa Taiwan

Ang National Human Rights Museum ng Taiwan ang kauna-unahang museo sa Asya na itinayo sa isang lugar na “negative heritage”, lugar na may alaala ng karahasan, hidwaan o sakuna na may layuning ipakita kung paano isinagawa ng nakaraang pamahalaang diktatura ang mga pang-aabuso sa mga karapatang pantao. Ang museo ay nangangasiwa ng dalawang lugar ng negative heritage - ang Jing-Mei White Terror Memorial Park at ang Green Island White Terror Memorial Park. Pareho nitong naitala ang mga buhay at makasaysayang alaala ng maraming bilanggong politikal ng White Terror ng Taiwan at ngayon ay ginawang muson na bantayog na nagpapatunay ng paglaban ng lipunan ng Taiwan para sa mga karapatang pantao.


Sa mga nakaraang taon, pinagtatalunan ng mga iskolar at tagapag sanay ng museo ang mga pangunahing halaga at tuntunin ng moralidad ng mga museo at binalikang muli ang mga panlipunang responsibilidad at gampanin ng museo sa prosesong ito. Ang resulta ay ang aktibismo ng museo na nagsusulong ng mga karapatang pantao at mga isyung panlipunan ay hindi na bukod tanging lugar para sa ilang ispesipikong tema ng museo. Dapat itigil na ang paniniwalang walang pinapanigan ang museo at dapat maging lubos na matapat mga ang museo sa pakikipag-ugnayan sa lipunan, na ginagamit sa mabuti ang kanilang impluwensya politikal at pampubliko.

Noong 2019 sa 25th ICOM General Conference na ginanap sa Kyoto, ipinahayag ni David Fleming, tagapagtatag at presidenten ng Federation of International Human Rights Museums, ang pagtataguyod ng Federation of International Human Rights Museums- Asia Pacific (FIHRM-AP) sa National Human Rights Museum ng Taiwan (NHRM). Ipinaglalaban ng FIHRM-AP na hindi na sila dapat nakatuon lamang sa kanilang mga sarili sa harap ng mahihirap na mga isyu, kadalasan hinahamon at sensitibo, tulad ng mga kasalukuyang karapatang pantao, suliranin sa kapaligiran at pagbabago sa klima. Dahil may kinalaman ang mga mahahalagang isyu na ito sa panlipunang katarungan, kapakanan ng mga tao at mga pag-unlad sa ekonomiya na may kakayahang mapanatili, hinihikayat ang mga museo na gamitin ang pagbibigay ng kapangyarihan, pakikipagtulungan, pakikipag-ugnayan at pakikipag sosyo upang mailantad ang sirkulo ng mga tradisyonal na elitista at awtoridad at aktibong makisali sa lipunang sibil sa pag-uusap at pakikipagtutulungan.

Pagtatayo ng Pamayanang Magkatulong sa Pagkatuto para sa mga Karapatan ng Dayuhan, Pagbubuo ng isang plano ng estratehiya sa pakikipag Alyansa

Sa 2020, bilang pagtugon sa tema ng International Museum Day “Museo para sa Pagkakapantay-pantay:  Pagkakaiba at Pagsasama”, inimbitahan ng FIHRM-AP ang mga miyembro ng 14 na pribado at pampublikong museo at 15 na mga NGO na nagtataguyod at nagsusulong ng mga karapatan ng mga dayuhang migrante sa Taiwan. Isang grupo ng co-learning ang siyang binuo para tuklasin ang mga bagong posibilidad ng pakikipagtulungan para sa pinabuting mga karapatan ng mga migranteng manggagawa.

Ang pagtatrabaho sa ibang bansa at ang mga naidulot na isyu nito sa mga karapatang pantao ay hindi lamang natatangi sa iisang bansa.  Sila ay ang mga kinalabasan ng pagpapalawak ng mga korporasyon na multinational at pagtitipon ng kapital sa konteksto ng pandaigdigang kapitalismo. Simula noong 1980s, nakikipaglaban ang Taiwan para sa posisyong semi-peripheral sa pandaigdigang pamilihan ng kapital at napabilang sa ranggo ng mga “pagawaan sa mundo”.  Simula noong 1990s, habang humaharap ang bansa sa pagtataas ng pinakamababang sahod at kakulangan ng trabaho na dulot ng tumatandang populasyon, ginawang legal ng pamahalaan ang pagpasok ng migranteng manggagawa mula sa Thailand, Pilipinas, Vietnam at Indonesia. Sa mga nagdaang taon, nakinabang ang lipunan ng Taiwan sa mga bunga ng murang halaga ng trabaho na inialok ng mga migranteng manggagawa, ngunit nabigo sa pagtitiyak ng patas na trabaho, sosyal, politikal at pang kulturang trato at pagpoprotekta sa kanilang mga pangunahing karapatan. Ang pamamahala sa labor market tulad ng guest worker program ang nagtiyak na makukuha ng mga kapitalista at ng mga broker ang pinakamataas na benepisyong pang-ekonomiya mula sa mga manggagawang migrante. Pinagkaitan maging ng mga regulasyon sa pagtatrabaho ang mga manggagawa ng karapatang makapagpalit ng trabaho, na siyang lalung nagpatibay ng hindi balanseng kapangyarihan sa pakikipag-ugnayan ng mga manggagawa at kanilang amo at lalung pinalala ang samu’t saring pang-aapi ayon sa lahi, katayuan sa lipunan at kasarian.  Ang mga problema sa istraktura at patakaran ay hindi natinag sa kabila ng maraming taon ng adbokasiya ng mga NGO.

Sa usapin tungkol sa mga isyu sa karapatang pantao at sa mga suliraning politikal ng pangingibang bansa, bumuo ang FIHRM-AP ng isang Co-learning workshop. Nabuo ang isang komunidad sa co-learning sa pamamagitan ng mga buwanang pagtitipon na nakatulong sa pag-uusap at koneksyon sa pag-itan ng mga museo at mga NGO.  Sa pamamagitan ng mga pag bisita sa mga museo, ang mga kanlunga at ang lugar kung saan namatay ang mga dayuhang manggagawa ng gumuho ang tulay sa Nanfangao, ibinahagi ng mga propesyonal mula sa iba’t ibang organisasyon ang kanilang mga kagawian kaugnay sa  mga karapatang pantao at mga aktwal na karanasan habang natututo mula sa bawat isa. Ang tiwala at ugnayang pampubliko-pampribado ay unti-unting nabuo sa pag-itan ng mga museo at NGOs.  Ang bigkis ng komunidad ng magkasamang pagkatuto ay nalinan ng isang organiko at daynamikong proseso: balikang komunikasyon para sa kasunduan at paghanay sa iisang layunin; START HERE mga magkaka-ibang estratehiya ng mga hakbangin mula sa perspektibong kultural - mga pagtatanghal, programang pang edukasyon at mga pagpapalabas ng pelikula - hanggang sa mga kilusang panlipunan - mga martsa, protesta, at kung anu-ano pa.  Ang mga miyembro ng pamayanan ay naghanap ng mga naaangkop na plano ng hakbangin para makagawa ng isang lugar na nakabatay sa museo para sa mga pampublikong diyalogo patungkol sa komunikasyong panlipunan at adbokasiya ng mga polisiya.

Litrato ng mga miyembro sa 2020 Migration and Human Rights Co-learning Workshop

Litrato ng mga miyembro sa 2020 Migration and Human Rights Co-learning Workshop

Pinagsamang Pasya upang Simulan ang Pagpaplano ng mga Hakbangin at Paggawa ng Pagtatanghal para sa Panlipunang Komunikasyon

Upang mas lalung mapalawak ang konsesus at mga layunin ng co-learning workshop, ang NHRM ay nakipag tulungan sa 15 NGO noong 2021 upang bumuo ng isang pagtatanghal.  Ang mga NGO ang nasa sentro ng modelo ng  pagbuo at pamamahala ng kapangyarihan ng interpretasyon at diskurso ng proseso,  pinapalitan ang tradisyunal na modelo ng pagbuo kung saan ang bumubuo ang namuno at ang field research ang nauna sa proseso.  Ang mga tauhan ng proyekto ng museo ay gumanap bilang mga tagapamahala at tagapag-ugnay ng proyekto habang ang grupo na tagabuo  ay isinali para makatulong sa pagdidisenyo at produksyon ng pagtatanghal. Tumulong sila para matukoy ng mga NGO ang pananaw ng pagtatanghal at mga layunin nito sa pamamagitan ng  paggawa ng talaan higit sa 100 mahahalagang salita na may kaugnayan sa mga karapatan ng isang migrante.  Ang talaan ay ginamit sa mga talakayan at pagtitipon ng mga tagabuo at workshop sessions na siyang nagpatibay ng konsensus  para maging istruktura at nilalaman ng pagtatanghal.  Sila rin ay naatasan para sa mga gawain tulad ng pagbibigay ng karagdagang saliksik at pagsusulat ng mga pangalan o label ng mga bagay. Ang pagtatanghal ay hiniram mula sa mga NGO, kasama ang mga gamit pang protesta at mga bunga ng pagpupunyagi para sa mga karapatang pantao, tulad ng mga higante papet na ginamit ng mga migranteng manggagawa sa mga martsa, mga alaala ng mga napatay na mga migranteng mangingisda, mga naparangalang gawa sa literatura ng migranteng manggagawa, at mga bloke ng kahoy na ginagamit na pang imprenta na gawa ng migranteng manggagawa.

Kinalaunan, ang mga lumahok na NGO ay nagpasya na hatiin ang pagtatanghal sa apat na bahagi: Gaze—the Rediscovery of Living Space," "Worksite—Hidden Risks Outsourced," "Practice—Equality at Coexistence for Tomorrow," and "Reading Room."  Ang mga bahaging ito ang nagbigay gabay para mapag-isipan ng mga bisita kung gaano ang kalayo ang pagitan ng madla at mga migranteng manggagawa.  Unang nakita ng madla ang mga karaniwang pang araw-araw na kalakal at katalogo ng mga produktong gawa ng mga migranteng manggagawa bago magtungo sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan kung saan naranasan nila ang masikip at makitid na lugar, ang ingay at kahirapan ng parating may nakamasid.  Matapos maranasan ng mga bisita ang mga dinanas ng mga migranteng manggagawa, sila naman ay malalantad sa makatotohanang salaysay at testimonya ng mga mga migranteng manggagawa.  Ito naman ay sinusundan ng panimula sa mga hakbanging ginanwa ng mga NGO para sa mga karapatan ng migrante at ang pinagtulungang Chronicle of Migrant Rights History.  Dito ang madla ay magkakaroon ng pangkalahatang ideya tungkol sa kasaysayan ng mga kilusan para sa mga karapatan ng migrante, isang panahon ng aktibismo na mahigit 30 taon.  Ang pagtatanghal ay naglalayong maitaas ang kamalayan ng madla tungkol sa mga karapatang pantao, puksain ang diskriminasyon at mga pagkiling at gumawa ng pagkakataon para sa mga hakbangin na magsusulong ng pagbabago sa lipunan.

Bilang karagdagan sa komunikasyong panlipunan at adbokasiya ng NGO, ang pagtatanghal ay gumawa ng isang bahagi para ng kunwaring botohan, na naglalahad ng mga hinihingi ng mga NGO at binibigyan ang bisita ng pagkakataon na bumoto ayon o laban sa mga pagbabago sa pamamahala kaugnay sa mga migranteng manggagawa.  Isang ding laro ang idinisenyo para hikayatin ang mga bisita na sumali sa mga sinisikap ng mga NGO ayon sa mga isyung panlipunan na kanilang lubos na tinatangi.  Ang mga museo ay hindi lamang nagsisilbi bilang isang entablado para sa mga pampublikong diyalogo ukol sa mga pampublikong isyu, kundi sila din ay nagsisilbing sentro ng mga gawain na nag-uugnay ng mga bisita ng museo sa mga eksena patungkol sa mga karapatang pantao.

 

 

Sa pamamagitan ng mga nakatanghal na pang araw-araw na kagamitan ng mga migranteng manggagawa, ipinaalala sa madla ng pagtatanghal ang presensya ng mga migranteng manggagawa.

Sa pamamagitan ng mga nakatanghal na pang araw-araw na kagamitan ng mga migranteng manggagawa, ipinaalala sa madla ng pagtatanghal ang presensya ng mga migranteng manggagawa.

Ipinakita ng pagtatanghal ang mahigpit na kapaligiran kung saan ang mga migranteng manggagawa ay palagiang binabantayan at pinagkakaitan ng pribadong oras

Ipinakita ng pagtatanghal ang mahigpit na kapaligiran kung saan ang mga migranteng manggagawa ay palagiang binabantayan at pinagkakaitan ng pribadong oras

Ipinakita sa pagtatanghal kung paano sinusuportahan at pinalalakas ng mga NGO ang mga migranteng manggagawa sa iba’t ibang paraan tulad ng mga kurso sa wikang Intsik, mga tulong na legal, mga workshop at pagtuturo sa paggamit ng make-up

Ipinakita sa pagtatanghal kung paano sinusuportahan at pinalalakas ng mga NGO ang mga migranteng manggagawa sa iba’t ibang paraan tulad ng mga kurso sa wikang Intsik, mga tulong na legal, mga workshop at pagtuturo sa paggamit ng make-up

Konklusyon

Sa pamamagitan ng mga museo, paano natin mahuhulma ang mga polisiya at pagbabago sa lipunan bilang tugon sa mga mahihirap at kontrobersyal na makabagong isyu?  Kung tatakbo mag-isa, ang mga museo ay nakikipagbuno sa mga limitasyon at hamon.  Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga NGO, pagbabahagi ng kapangyarihan at yaman, ang antas ng mga isyu na nagdudulot ng hadlang at pakikipagtulungan sa mga pamayanan ay bumaba.  Ang pakikipag-ugnayan ay naging mas epektibo sa pagtuon sa mas higit na positibong pagkilos ng lipunan.  Gamit ang pagtatanghal sa pamamag-itan bilang paraan upang makipag-ugnayan sa lipunan, ang mga museo ay nakakapagpalakas ng mga pinatahimik, dehado, mga may estigma at mga pamayanan na naisantabi upang marinig at mapansin.  Sa pagiging bukas sa mga mamamayan at mga NGO at sa pagbuo ng lugar para sa mga diyalogo ukol sa mga isyung pampubliko, ang mga museo ay hindi lamang nakakapagpakita ng kanilang mga pinahahalagahan sa isang publikong kabilang sa isang lipunang demokratiko kundi nakahahanap din ng pagkakataong magkaroon ng tulungan para sa mas higit na impluwensya sa lipunan.