:::

FIHRM Oslo 2022 – makabuluhang impormasyon

Gaganapin ang FIHRM pagpupulong sa tatlong araw sa tatlong lugar sa Oslo. Ilalathala sa lalong madaliang panahon ang detalyadong impormasyon ukol sa pagpupulong.

Paano makilahok

Napakadali. Pumarito sa Oslo at makilahok! Magsisimula ang rehistrasyon mula Hulyo 2022 at matatagpuan ang digital rehistrasyon form para sa taong dadalo sa webpage na ito: Programme FIHRM 2022.

Kapag nais mong maglahad ng case presentation sa pagpupulong, may open call out ngayon at may extended deadline hanggang Agosto 1. May mas madaming mababasa tungkol sa open call rito: Call for papers Fihrm Oslo 2022 .

Ngayong taon, gagawin na hybrid (maaaring makilahok sa aktuwal sa kinaroroonan o virtual sa online) ang ilang bahagi ng programa ng pagpupulong kaya maaaring makilahok mula sa anumang lugar sa mundo. Mas madami pang impormasyon ukol rito ang ilalathala sa www.fihrm2022.org

Iskedyul ng Programa

Gaganapin ang pagsimula mula tanghali ng Setyembre 19 (Lunes) sa museo Eidsvoll 1814. May mga piling tagapagsalita at isang espesyal na talakayan.

Sa Setyembre 20, gaganapin ang unang buong araw ng pagpupulong sa Nobel Peace Center, matatagpuan sa central Oslo waterfront. Kasama sa programa sa araw ang mga plenum sessions (dapat daluhan ng lahat ng kalahok) at may tagapagsalita at talakayan sa bawat isa, kasama na rin ang mga inspirational workshops. Sa programa sa gabi, may pormal na reception sa kalapit na Oslo City Hall kung saan ginaganap ang Nobel Peace Prize seremonya bawat taon. Susundan ito ng isang salu-salong hapunan sa isang restawran sa kalagitnaan ng lungsod.

Setyembre 21, iimbitahan ang mga kalahok sa pagpupulong sa islang museo ng Bygdøy, sasakay sa bangka nang sandaliang panahon mula sa City Hall. Gaganapin ang pangalawang buong araw ng pagpupulong sa Norwegian Centre for Studies of Holocaust and Religious Minorities (sa HL-centre) at magbibigay ng pagkakataong malaman ang ukol sa kasalukuyang kalagayan at mga nagsisimulang proyekto sa iba’t ibang museo ng karapatang pantao sa buong mundo. Kasama ang parallel sessions, plenary talakayan at ang pagtapos ng workshop sa araw na ito.

Sa mga kalahok na nais pang maggalugad habang nasa Oslo at sa Norway, may post-programme na ihahandog sa Setyembre 22. Kasama rito ang tour sa ilang pangunahing museo sa Oslo tulad ng bagong bukas na Munch Museum at ang Nasyonal Museo. May hiwalay na pamamasyal magpaparoon sa Utøya, kung saan itinatag ang unang sentrong edukasyon para sa kabataan sa islang tinarget ng mga terorismo sa Oslo noong 2011.

Itala ang mga petsang Setyembre 19-22. Ilalabas sa lalong madaling panahon ang buong programa. Matatagpuan ang pinakabagong programa sa: Programme FIHRM 2022.

 

Mga museo na nasa ilalim ng presyon: Pamahalaan, komunidad, awtonomiya

Mga museo na nasa ilalim ng presyon: Pamahalaan, komunidad, awtonomiya