:::

Museo sa ilalim ng Presyon – Papel ng Pamahalaan, Social Grupo at Karapatang Pagsasarili FIHRM 2022 Taunang Pag-uulat

Panimula

Ang FIHRM-AP ay itinatag upang itaas ang kamalayan sa mga suliranin sa karapatang pantao at masigasig na hikayatin ang mga museo na makilahok sa mga suliranin ng demokrasya at inklusyon. Ang pagpupulong ng FIHRM noong 2022 ay ginanap sa Oslo, Norway ng Setyembre nitong taon.  Pinangunahan ng  Demokratinetverket, ang tatlong araw na pagpupulong na ito ay naganap sa ilang piling-piling lugar na may kabuluhan sa demokrasya at karapatang pantao sa Oslo--ang Eidsvoll 1814, ang Nobel Peace Center at ang Norwegian Center for Holocaust at Minority Studies.  

Ang talakayan sa pagpupulong ay unang nakatuon sa kung papaano mapanuring haharapin ang awtonomiya at kakayahang umangkop ng mga museo ng karapatang pantao sa mga lugar kung saan ang mga karapatang pantao at mga kasanayang demokratiko ay sinupil at ang pagtukoy sa uri ng mga ugnayan sa pagitan ng mga museo, estado at mga komunidad, gayun din sa paglalantad sa uri ng mga paghihirap na hinaharap ng mga museo pagdating sa pag-unlad. Tinalakay din dito kung papaano hinuhubog ng mga museo ng karapatang pantao ang kanilang mga gampanin and nakikilahok sa mga kontrobersyal na suliranin. Pagktapos nito, natuon naman sa pag iisa-isa ng kasalukuyang kalagayan ng mga museo ng karapatang pantao sa buong mundo at sa paghahanap ng mga solusyon o estratehiya sa inklusyon sa proseso ng paglutas ng inklusyon/ekslusyon na pang lipunan, kultural at politikal mula sa iba't ibang anggulo. Ang mga kalakok sa pagpupulong ay nanggaling pa mula sa Europa, Asya at Amerika, kasanama na si Hung, Shih-Fang, ang pinuno ng FIHRM-AP at ang direktor ng Taiwan National Human Rights Museuum at si Tenzin Topdhen, ang direktor ng Tibet Museum, at isa ring miyembro ng FIHRM-AP. Sa pamamagitan ng kanilang  pagbabahagi ng kanilang mga praktikal na karanasan at pamamaraan, ang mga kalahok ay nahimok na harapin ang mga suliranin ng inklusyon, hindi lamang sa lugar ng museo kundi sa buong lipunan.  Ang isa museo ay maaaring magsilbing simula ng pagpapalaganap at pagbuo ng isang patas na lipunan.

Humaharap ang mga museo sa panloob at panlabas na mga paghihirap at hamon sa paglutas ng mga suliranin sa karapatang pantao

Sa isang uliran na lipunan, lahat ay nilikha na pantay pantay.  Subalit, ang paglalakbay patungong Utopia ay isang mahirap na lakbayin.  Nang inumpisahan ang unang pulong sa unang araw ng pagpupulong, si Kathrin Pabst, ang pinuno ng Etika at nakatataas na tagapangasiwa ng Vest-Agder Museum, ay tahasang tinukoy ang mga hamon na maaaring harapin ng mga museo ng karapatang pantao.Ang limang uri ng paghihirap na kadalasang pinapataw sa mga museo ay ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga magkakatrabaho, ang tangkang burahin ang nakaraan, mga hindi inaasahang hadlang na politikal, digmaan at pinsala at ang pagsisikap na mapanatili ang pamanang kultural ng isang bansa.  Ang mga pinagmumulan ng paghihirap ay maaaring mabahagi sa panloob at panlabas. Ang panloob na pinagmumulan ng paghihirap ay nanggagaling sa mga tao sa loob mismo ng organisasyon ng museo at ang panlabas na pinagmumulan ng paghihirap ay nanggagaling sa lokal na pamahalaan at estado.

Ngunit, ang krisis ay nagdadala din ng pagkakataon. Sa harap ng lahat ng uri ng mga hamon, ang pag-unlad ng mga museo ng karapatang pantao ay maaari ring magsanhi ng paghihirap.  Si Jette Sandahl, ang pinuno ng mga miyembro ng European Museum Forum, ay nag-alok ng pamamatnubay kung papaano  dapat duulog  sa mga hamonang mga museo.  Tinukoy niya na ang katotohanan na ang mga museo ay dumadaman ng mabigay at matinding pahirap at mga hamon ay ang mismong dahilan kung  bakit dapat lalung magkaisa ang mga museo ngayon higit pa kailan man na puksain ang "exceptionalism" na siyang namayani sa ilang siglo. Wala nang pagkakapiit. Dapat hindi na lamang manatiling komportable ang mga museo bagkus dapat humanap sila ng mga kaparehong pag-iisip. Ang lakbayin ng karapatang pantao ay walang tinatanging sinuman. Ang mga tagalingkod sa museo ay dapat magkaroon ng tapang na manindigan laban sa pagsasawalang kibo tungo sa pagsasabwatan sa kapangyarihan at lutasin ang mga hamon at hidwaan ng may masidhing paninidgan at  lansak na lakas. At tungkol sa papaano gumagana ang pagkakaisa sa isang museo, nagbigay ng mga totoong kaso sa larangang ito ang mga iskolars galing sa National Museums ng Liverpool at University of Leicester.

Ang mga museo at pakikipagtulungan sa iba't ibang disiplina para sa pagbabago ng Waterfront

Tinalakay ng mga tagapaghayag mula sa National Museums ng Liverpool at University of Leicester  ang proyektong Waterfront Transformation. Ang proyekto ay isang ganap na halimbawa ng pakikinabang sa lansak na lakas na siyang nagtutulak sa pag-unlad ng isang lokal na komunidad para sa isang pantay na lipunan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at mga pagsisikap mula sa lahat ng panig.

Ang proyektong Waterfront Transformation ay nagsikap na panatilihin ang ugnayan sa pagitan ng mga museo at makabagong lipunan.  Mula sa pinakasikat na waterfron ng Liverpool, inuugnay ng proyekto  ang pagsasalaysay, pamana, komunidad at magiliw na pakikitungo upang makalikha ng isang mayabong na karanasan para sa mga bisita at magsilbing mitsa para sa pagpapabuting panlipunan at pangkapaligiran sa lugar.  Ang proyekto ay higit pa sa pakikipagtulungan sa pagitan ng mga museo at nagsasama rin ng mga lokal na residente upang makalikha ng isang siyudad na waterfront kung saan ang luma at bago at naghahalo.

Larawan 1.  Ang Waterfront Transformation ay naglalayong iugnay ang mga museo at makasaysayang gusali sa kapaligiran, kasama rito ang International Salvery Museum (ISM), ang Canning Dock, ang Museum of Liverpool aat iba't iba pang makasaysayang gusali sa tabi ng pantalan.

Larawan 1. Ang Waterfront Transformation ay naglalayong iugnay ang mga museo at makasaysayang gusali sa kapaligiran, kasama rito ang International Salvery Museum (ISM), ang Canning Dock, ang Museum of Liverpool aat iba't iba pang makasaysayang gusali sa tabi ng pantalan.

Ang talakayan sa itaas ay nagbigay daan para sa isang malinaw na pagkakaunawa na ang pakikipagtulungan ay isang mahalagang lakas ng mga museo ng karapatang pantao upang mapagtagumpayan ang mga hamon.  Sa ganitong  kaparehong diwa itinatag ang FIHRM-AP sa estratehiyang tulungang pang rehiyon sa pagitan ng mga museo at NPOs na labanan ang politika at sistema ng pang-aapi. 

Sa pagpapanatili ng mahahalgang pag-uugali ng samahan, ang mga gawain ng FIHRM-AP ay umiinog sa karapatang pantao bilang ito ay nagsusulong ng ugnayan sa pagitan ng mga museo at sibil na lipunanan sa pamamagitan ng mahigpit na samahan sa kanilang mga kasama.  Ang Taiwan bilang halimbawa, ay nasailalim ng martial law sa loob ng halos apat na dekada.  Kung ihahambing sa ibang rehiyon sa mundo, ang demokratisasyon ng mga bansa Asia-Pacific ay isang pinahabang lakbayin.  Pinangunahan ng FIHRM-AP ang pag lipon sa lakas ng lahat ng partido upang magbunsod ng demokratikong pag-nlad sa rehiyon ng Asia-Pacific.

 

Larawan 2.  Isinagawa ng Nasyonal Museo sa Karapatang Pantao ang eksibisyon na“Ayo-Ayo!Dapat mas Mahusay sa Bukas”sa taon 2022, ang karapatang pantao ng mga dayuhang manggagawa bilang pinakasentro ng paksa, ipinapalaganap ang konseptong pagkapantay-pantay ng lahat ng tao.

Larawan 2. Isinagawa ng Nasyonal Museo sa Karapatang Pantao ang eksibisyon na“Ayo-Ayo!Dapat mas Mahusay sa Bukas”sa taon 2022, ang karapatang pantao ng mga dayuhang manggagawa bilang pinakasentro ng paksa, ipinapalaganap ang konseptong pagkapantay-pantay ng lahat ng tao.

Ang awtoritaryan na nakalipas ng rehiyon ng Asia-Pacific ay malinaw na nakapigil sa pagbuo ng mga karapatang pantao. Maraming mga bansa na may mapang aping rehime ang nakapulot ng aral mula sa madilim na nakraang ito.  Subalit, ang mga museo ng karapatang pantao na itinatag sa konteksto ng awtoritaryanismo ay humarap sa maraming hamon.  Maraming mga tagapaglahad ang nagbahagi sa amin ng krisis na hinarap ng mga ganitong museo at kung paano sila tumugon sa kanikanilang karanasan.

Hindi dapat isuko ng isang museo ang kaniyang misyon sa konteksto ng awtoritaryanismo

Para sa estado at publiko, ang awtoritaryanismo ay isang mapanganib na ideolohiya na nakakapagpatahimik sa mga tao.  Kaya, ang mga museo na itinayo sa ganitong konteksto ay nangangailangang magsigsa para makuha ang pansin ng lipunan.  Ang DOI-CODI   ay isang intelligence at political repression agency sa panahon ng dikatdurya ng militar.  Tinukoy ni Dr. Deborah Neves na ang layunin ng isang museo ay magbigay pugay sa mga biktima ng pagpaslang at matinding pagpapahirap at kasabay nito ay ang pagpapanatili sa mga ebidensya ng kalupitan ng gobyerno ng Brazil.  Para sa mga pampublikong miyembro na hindi nakaranasan na mabuhay sa madilim na panahon ng kanilang kasaysayan, ay museo ay naririyan upang ipakita kung papaano ang diktaduryang militar ng Brazil ay nagsikap na supilin ang mga tao at ang ayos ng sistema.

Ang museo ay humarap sa maraming mga hamon noong umpisa at naglagak ng maraming panahon sa pagharap sa mga ahensya ng gobyerno upang malipon ang mga dokumento at materyales.  Ang ilan pa nga sa mga dokumento ay nawala.  Sa kabilang banda, ang museo ay nangailangan din hanapin ang mga biktima ng mga pag-uusig na politikal o kanilang mga pamilya at kaibigan upang maibalik ang panahon ng diktaduryang militar sa pamamagitan ng mga tala, dokumento at mga nakatalang panayam (sa mga tape) ng mga taong nakaranas o may personal na kaalaman ng nakaraan. Sa kaunaunahang pagkakataon, isang institusyon na pagpapanatili ng pamana ang nakipagtulungan sa mga dating mga bilanggong politikal upang kilalanin at protektahan ang mga gusali ng mapang aping estado.  Ang espasyo ay ginawang isang lugar para sa mga alaala at kamalayan upang isulong ang kahalagahan ng demokrasya at kalayaan.

Nagbahagi din si Kalle Kallio, direkto ng Finnish Labour Museum, tungkol sa krisis na kinaharap ng museo matapos pumutok ang digmaang Russo-Ukrainian at kung papaano ito hinarap ng museo.  Noong 2014, ang Tampere Lenin Museum ay nakipag sanib sa Finnish Labour Museum.  Sa kabila ng pagdedeklara ng museo sa kanilang pagpapahalaga sa mga karapatang pantao, lipunang makakapagpanatili, kapayapaan, pagkakaisa, at kasaysayan sa hustisya, hindi pa rin mapasaya ng Lenin Museum ang lahat. Noong Pebrero 2022, nang sakupin ng Russia ang Ukraine, naramdaman muli ng mga tao ang poot sa Leninismo.  Nakaharap sa isang hindi inaasahang krisis, ang museo ay nanindigan para sa kapayapaan, kinondena ang digmaan at nagpakita ng suporta para sa Ukraine.  Sa kabilang banda, sinuspinde din nito ang kaniyang pakikipagtulungan sa mga museo ng Russia at nagbigay wakas sa mga kampanyang pangangalakal na katawa-tawa.  Sa pagpapakita nito ng matinding paglaban sa totalitaryanismo, naiwasan ng museo ang hindi magandang reaksyon.

Ang mga museo na itinayo sa ganitong konteksto ng awtoritaryanismo ay maaaring maharap sa maraming hamon sa umpisa tulad ng pagpigil ng gobyerno o pagsira ng mga katibayan. Kahit pagkatapos ng pagkakatatag, ang mga  panlipunang pagdiriwang na nakasasaling sa poot ng publiko laban sa totaliryanismo ay maaaring magdulot ng matinding pagtutol laban sa museo.  Tila ang mga ito ay likas na pagpapahirap sa isang museo ng karapatang pantao.  Ngunit, habang ang mga museong ito ay nagtataglay ng isang masaklap na kasaysayan, naipamamalas din nila ang mga hindi malilimutang aral, na nagbibigay babala sa buong mundo na huwag nang ulitin ang landasing awtoritaryan. Samakatuwid, higit kailan man naging mas importante para sa isang museo ng karapatang pantao ang manindigan sa kaniyang misyon para sa isang malaya at pantay na lipunan.

Tulad ng pilosopiya ng DOI-CODI nang itinatag, ang mga museo na itinayo sa konteksto ng awtoritaryanismo, sa isang banda ay itinayo upang gunitain ang mga biktima dahil walang sinuman ang maiiwan sa lakbayin para sa karapatang pantao.  Dahil maaari lamang tayong maghinagpis para sa mga nawalan ng buhay, sa kasalukuyan ay maaari pa rin nating samantalahin ang pagkakataon, bigyan ng pansin ang mga karapatang panta ng mga grupong minorya at magpakita ng suporta.

Lugar para sa mga minorya?  Mga ugnayan sa pagitan ng gobyerno at mga museo, at ang kapangyarihang magbigay kahulugan

Ang huling araw ng pagpupulong ay tumuon sa talakayan ng mga suliranin ng mga minorya, kung saan itnatampok ang mga taong Sámi at ang kaisipan ng dekolonisasyon.  Ang Sámi ay mga katutubong naninirahan sa pinaka hilagang bahagi ng Europa at ang tanging lokal na grupong etniko na kinilala at pinrotektahan ng Internation Convention on Indigenous Peoples.  Sa mahabang panahon, sila ay nagduhas mula sa isang antas ng diskriminasyon at hindi patas na pagtrato at kahit hanggang ngayon ay sumasailalim sa mga alitang legal sa pambansa at mga internasyunal na korte.

Tinukoy ni Jérémie McGowan, dating direktor ng Sámi Dáiddamusea, na ang kamangmangan ng publiko tungkol sa Sámi ay karaniwang may kaakibat ng simpatiya atpaniwala na sila ay nasasamantala ng mga makakapangyarihang bansang kolonyal.  Isa ring tanyag na pananaw na ang kalupitan at kawalan ng hustisya ay mga problema ng mga nakalipas na araw, salungat sa katotohanan. Kaya, mahalaga para sa mga museo ang makipagtulungan sa mga komunidad ng  Sámi  upang makabuo ng mas malawak na pagkakaunawa ng publiko tungkol sa mga katutubo at ilantad ang kanilang mga buhay sa samu't saring mga kultura.

Ibinahagi ni Emma Eliane Oskal Valkeapää, isang Sámi, ang programang Sámi Pathfinders. Isang pakikipagtulungan sa pagitan ng Sámi University College, mga lokal na pamahalaan at mga kagawaran sa kaunlarang pang rehiyon, ang programa ay naglalayong isulong ang kultura ng isang grupo ng minorya. Iminungkahi rin ni Valkeapää na maaaring itaas ng museo ang kamalayan ng mga taotungkol sa mga  grupo ng minorya sa pamamagitan ng pagharap sa pagkakaiba-iba at kaunlaran ng mga katutubong tao.

Larawan 3.  Mga kabataang Sámi gumaganap sa papel na Sami Pathfinders, nagbabahagi ng kultura ng Sámi sa mga paaralan at unibersidad sa iba’t ibang lugar sa Norway.

Larawan 3. Mga kabataang Sámi gumaganap sa papel na Sami Pathfinders, nagbabahagi ng kultura ng Sámi sa mga paaralan at unibersidad sa iba’t ibang lugar sa Norway.

Bagaman ang mga ibinahagi ay tumuon sa mga Sámi, ang diskriminasyon sa lahi at patuloy pa rinumiiral sa bawat panig ng mundo.  Ang pagkakaibaiba sa kultura ang sentro sa pagkakahiwahiwalay.  Ang kakulangan sa pang unawang kultura ang nagbubunsod sa mga damdamin tulad ng pagkamuhi, takot, simpatiya para sa mga minoryang grupo.  Ang mga minorya ay nahihirapan ding mapabilang dahil sa kakulangan sa pang unawa tungkol sa lipunan at kultura ng ibang mga gurpo.  Kaya, ang buong pang unawa tungkol sa bawat kultura ng isa't isa ay naging mahalagang bahagi sa pagkamit ng pagkakapantay pantay ng lahi.

Blang karagdagan sa diskriminasyon at kaihrapan bumilang sa lipunan, ang pinaka malalang pangyayari para sa mga miyembro ng minoryang grupo as ang maharap sa pang-aapi. Tinalakay nila Laura Pérez Díaz at Tenzin Topdhen ang pagtatatag ng Memorial Museum of the Dominican Resistance at ng Tibet Museum.  Ang parehong museo ay nagtampok ng isang grupong minorya na naharap sa pang-aapi.  

Gamitin natin ang Tibet Museum bilang halimbawa, ang museo ay itinatag ng mga Tibetan noong 1998 upang itaas ang kamalayan ng mga tao tungkol sa Tibet. Ibinida ng museo ang kultura ng mga Tibetan, ang mga pagpapatapon kamakailan, ang mga katuruan at pamana ng Ang Kanyang Kabanal banalang Dalai Lama upang ipakita ang makasaysayan, politikal at internasyunal na halaga ng Tibet.  Ang layunin ng ganitong uri ng museo ay itala, panatalihin, pag-aralan, itanghal at ituro ang tungkol sa kasaysayan ang kultura ng kanilang lahi, habang inilalantad ang mga krisis na kinaharap ng mga minorya, tulad ng mga paglabag sa mga karapatang pantao, pagpapaunlad ng kapaligiran at mga ipinagbabawal sa kanilang kultura. Sila ay umaasa na ang mga museo ay makakapukaw ng damdamin ng paglaban habang isinusulong ang halaga ng buhay, ang pinakamahalang karapatang pantao ng kalayaan, paggalaw at pagpapahayag.

Wakas

Ang tatlong araw na pagpupulong ng mga museo ng karapatang pantao ay humaharap sa matinding pwersa mula sa iba''t ibang partido, lalu na nitong mga nakaraang taon kung saan ang ekstremismo at awtoritaryanismo ay nagpakita ng senyales ng pagsibol. Ang mga ginanapan ng mga museo ng karapatang pantao ay naging mas mahalaga higit kailan man.  Bilang karagdagan sa suliranin ng kalayaan at demokrasya, ang mga karapatan ng mga minorya ay kasing halaga.  Ang mga museo ay nagsikap na puksain ang diskriminasyon para sa isang patas na lipunan.  Sa kabila ng mga paghihirap sa pagbuo ng museo ng mga karapatang pantao, hangga't ang mga museo ay sumusulong ng may pagkakaisa at determinasyon, ang mga ipinunlang pangkalahatang asal asa kalauna'y lalago sa bawat sulok ng daigdig.