:::

Ibahagi ang pilosopiya ng pagkakatatag ng Suiheisha para sa isang mapagmahal na mundo

Ibahagi ang pilosopiya ng pagkakatatag ng Suiheisha para sa isang mapagmahal na mundo

Ibahagi ang pilosopiya ng pagkakatatag ng Suiheisha para sa isang mapagmahal na mundo

Tungkol sa May Akda Tadayuki Komai

Si Komai ay ipinanganak sa Siyudad ng Gosa sa Nara Prefecture ng Japan noong 1972.  Noong 1998,  sumali siya sa museo bilang isang miyembro ng mga tauhan ng Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha simula magbukas ito at naging direktor noong 2015.  Sa mga pasimula nito tulad ng mga binuo ng FIHRM at ng “Memory of the World”, siya ay nagsikap na ipalaganap sa mundo ang pilosopiya ng pagkakatatag ng Suiheisha.  Siya rin ay nagturo ng teorya ng mga karapatang pantao sa Kolehiyo ng Kobe.  Siya rin ay naging isa sa mga may akda ng mga bagong limbag ng The Origin of the Suiheisha (Buraku Liberation Publishing House, 2012), Buraku Issues in Modern Times (Lectures on Buraku Issues in Modern Japan 1”, Buraku Liberation Publishing House, 2022).

Tungkol sa museo: Ang Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha

Pinasinayaan noong Mayo 1998 sa lugar ng pagkakatatag sa Zenkoku Suiheisha (National Leveler’s Society), Kashiwabara, Siyudad ng Gose, sa Nara Prefecture, Hapon, ang Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha ay inilaan para sa paglaganap ng kultura ng karapatang pantao at paggawa ng pangkalahatang pilosopoiya ng mga karapatang pantao, at nagsisikap na ipasa ang amga mensahe tungkol sa diskriminasyon ang mga suliranin sa karapatang pantao.

Noong Setyembre 2015, sa unang pagkakataon, ang Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha ay nakilahok sa isang pagpupulong ng FIRHRM (Federation of International Human Rights Museum) sa Wellington, New Zealand, at naging unang organisasyon ng Japan na umanib sa FIHRM  noong Disyembre ng taong iyon.  Simula sa puntong iyon, ang Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha ay naglunsad ng iba’t ibang mga pasimula upang ibahagi sa mundo ang kanilang pilosopiya na “pagsikapan ang dignidad at kapayapaan ng sangkatauhan”


Pauna

  Noong Marso 3, 1922, ang Zenkoku Suiheisha (National Levelers’ Society) ay itinatag sa Pampublikong  Bulwagan ng Munisipyo ng Kyoto na may layunin na pagsikapan ang dignidad at kapayapaan ng sangkatauhan. Ang mga pangunahing miyembro ng nagtatag ay isang gurop ng mga kabataan na ipinanganak at lumaki sa Kashibara, Siyudad ng Gosho sa Nara Prefecture.

Ang pagtatatag ng Zenkoku Suiheisha ay hango sa kilusan ng liberasyon ng Buraku na naglalayong maalis ang diskriminasyon sa mga tao ng Buraku, isulong ang kalayaan at pagkakapantay-pantay at seguridad ng mga karapatang pantao. Marami sa mga nauna sa kanila na naging bahagi ng kilusan ng Suiheisha ay nagpasa ng diwang ito.  Para maipabatid ang proseso ng kanilang mga paghihirap sa mga susunod na henerasyon, noong Mayo 1998, sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa buong mundo, ang Bahay ng Kasaysayan ng Suiheishanay naitatag sa Kashiwabara, ang orihinal na lugar ng Suiheisha (na pinangalanan muli  noong 1999 bilang Museo ng Kasaysayan ng Seuiheisha).

Ang pilosopiya ng pagkakakatatag na nag-ugnay sa mga tao

   Ang Zenkoku Suiheisha ang nagsulong ng “respeto para sa ibang tao ay siyang magpapalaya sa sarili”, at nagpalaganap ng kanilang deklarasyon na “magkaroon nawa ng init sa ating lipunan, magkaroon nawa ng liwanag sa lahat ng tao”.  Ito ang unang deklarasyon ng karapatang pantao sa Hapon, at ito rin ang unang deklarasyon mula sa mga nadiskrimina. Ang pilosopiya ng Suiheisha ay ang makabuo ng isang lipunan kung saan ang lahat ay tanggap at walang ni sinuman ang magpapahintulot ng diskriminasyon. Ang pilosopiyang ito ay hindi lamang tumutukoy sa mga Burakumin (tao ng Buraku) ngunit ito rin ay nangusap sa marami pang tao at nagbigay inspirasyon at naghikayat sa mga kilusang pang karapatang pantao na kusang sinimulan ng mga Koreyanong Zainichi (etnikong Koreyanong mamamayan o mga naninirahan sa Hapon), Uchinanchu (mga tao sa Okinawa, mga taong Ainu at mga taong nakaligtas sa sakit na ketong. Ang impluwensiya nito ay nakarating maging sa Baekjeong, isang kaste na hindi masaling-saling sa Korea. Ang Hyeongpyeongsa (Equitable Society) ay itinatag sa Abril, 1923 kasama si Baekjeong bilang pangunahing miyembro.  Ang kasaysayan sa alyansa sa pagitan ng Suiheisha at Hyeongpyeongsa ay nag-iwan ng pamana na matibay na samahan na nabuo batay sa pangkalahatang kaugalian ng tao tulad ng mga karapatang pantao, kalayaan, pagkakapantay-pantay, kapatiran at demokrasya. Ang makasaysayang dokumento ng pagpapalitang ito, “tala ng  Suiheisha at Hyeongpyeongsa sa pagkakaisa ng cross-border sa pagitan ng mga minoridad na nadiskrimina” ay naidagdag sa Memory of the World Regional Register For Asia/Pacific noong 2016.  Higit pa rito, ang pagtatatag ng Suiheisha ay nakakuha ng atensyon mula sa madla sa ibang bansa.  Ang The Nation, isang magasin ng amerika, ay naglimbag din ng artikulo tungkol sa deklarasyon ng Seuiheisha na nakasalin sa Ingles   noong Setyembre 5, 1923.

Tungkol sa diskriminasyon laban sa Buraku na siyang pinuksa ng Suiheisha

    Ayon sa pinag uutos ng deklarasyon ng pagkakatatag, ang pilosopiya ng Zenkoku Suiheisha ay nagsisikap na mapuksa ang diskriminasyon laban sa minoridad na “Burakumin”.  Ang ugat ng diskriminasyon laban sa Buraku ay nagsimula sa diskriminasyon sa identidad ng mga taong kilala bilang “Eta” (ubod ng dumi) ng hirarkiya ng lipunan noong panahon bago ang makabagong Hapon.  Kahit na binuwag na ng Hapon ang hirarkiya ng lipunan ng sistemang ligal  matapos maging isang makabagong bansa, at ang estado ng Eta ay pinawalang bisa noong 1871, ang mga tao ng Buraku, matapos mmuling isama sa makabagong lipunang sibil, ay nakakatanggap pa rin ng diskriminasyon. Ito ay naging katangi-tanging suliraning panlipunan sa mga Hapones. Ang ganitong uri ng diskriminasyon laban sa mga Buraku ay katulad sa diskriminasyon laban sa mga untouchables, outcasts at Dalit sa sistemang caste ng mga Indiano.

Bilang karagdagan, ang diskriminasyon laban sa Buraku ay pinakahulugan bilang diskriminasyon batay sa “estado sa lipunan at katayuan ng pamilya” sa Artikulo 14 ng Konstitusyon ng Hapones ipinatupad noong Nobyembre 1946.  Ang International Convention on All Forms of Racial Discrimination (ICERD) ay tinukoy ito bilang isang diskriminasyon batay sa “lahi” na nagpapakita na ang pag tanggal ng diskriminasyon ay naging isang mahalagang isyu ng karapatang pantao sa Hapon at sa buong mundo.

Sinimulan ng Hapon ang “Meiji Restoration” noong 1968, isang taon na nagsilsilbing tanda ng simula ng pagiging makabagong bansa ng Hapon.  Subalit, ang mga diskriminasyong batay sa pagkakakilanlan ng isang tao bago ang modernisasyon ng Hapon ang bumuo ay ng bagong ayos ng diskriminasyon sa baong lipunan.  At ang diskriminasyon labas sa mga Burakumin ay nagpatuloy makabagong lipunang sibil.  Ang diskriminasyon laban sa Buraku ay lalung lumala sa paglipas ng panahon, lalu na noong kapanahunan ng 1900.  Kaugnay rito, ang pamahalaan at ibang mga ahensya ay sumubok na simulan ang isang kilusan para mapabuti ang estado ng Buraku at isulong ang pagsama sa mga Burakumin sa isang mas malawak na lipunan sa pamamagitan ng mga patakaran na top-down.

Subalit, ang mga Burakumin ay hindi kampante sa ganitong mga kilos.  Matapos ang Unang Digmaang Pangdaigdig, sila ay naglunsad ng kilusan sa paghahangad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, kapatiran, at umaasang maging tunay na malaya mula sa mga diskriminasyon laban sa Buraku.  Ang Zenkoku Suiheisha ang nanguna sa kilusang ito ng mga Burakumin.

Ang Pagsisikap para makamit ang makataong dignidad

Pagktapos ng 1942, bagaman hindi na umiiral sa diwang ligal  ang Zenkoku Suiheisha, ang pilosopiya ng pagkakatatag ng Suiheisha ay patuloy pa ring nagsusumikap na makamit ang dignidad ng tao at ang pagkakapantay-pantay ay naging isang pamanang nagtagal simula noon, at ang kilusan ng kalayaan ng Buraku ay nagpatuloy.

Noong 1948, pinagtibay ng United Nations ang Universal Declaration of Human Rights, na siyang naglahad ng mga prinsipyo ng mga karapatang pantao, pinangunahan ang United Nations Decade for Human Rights Education noong 1995 at nangampanya para gawing karaniwan ang karapatang pantao simula 2005.  Ang mga gawaing ito ay nagbunsod ng malaking epekto at ang kilusan na nagpapatibay ng mga karapatang pantao ay naging isa pandaigdigang konsesus sa paglipas ng panahon.  Dagdag pa rito, noong 2015 World Summit on Sustainable Development, ang lahat ng mga kasaping estado ay nagkaisang tinanggap ang Sustainable Goals (SDGs).  Ang mga adhikaing ito ay para sa pagbuo ng isang kinabukasan kung saan walang ni sinuman ang maiiwan at lahat ng tao sa mundo ay maaaring makapamuhay ng masaya at masaganang buhay. Para makabuo ng lipunang may kakayanang umiral ng mahabang panahon, ang pagbuo ng Sustainable Development Goals ay nakasalalay sa mga makataong asal at nagtakda ng 17 adhikain at 169 na target  at ito ay nagpatuloy hanggang sa pilosopiyang inilahat sa mga alituntunin ng Suiheisha: (kami) ay naliwanagan ng mga prinsipyo ng kalikasan ng tao, at kami ay susulong tungo sa pagkamit ng pinaka rurok ng mga katangian ng tao. Ang Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha, ang unang museo na naging kasapi ng Federation of Internation Human Rights Museums (FIHRM), ay nagpalaganap ng pilosopiya ng Suiheisha sa buong mundo sa pangunguna sa mga gawain ng Memory of the Word Register at FIHRM.

Ang Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha ay sumubok na itaas ang kamalayan sa mga karapatang pantao at isulong ang dignidad ng tao sa pamamagitan ng mga pagtatanghal.  Ang mga pagsisikap na ito ay nakakuha ng suporta mula sa iba’t ibang mga organisasyon.  Ang Suiheisha History Museum Support Society ay itinatag sa Kashiwabara, kung saan nakatao ang museo, noong 1999, na binubuo ng iba’t ibang grupo kabilan na ang konseho ng pamayanan bilang sentro nito.  Upang makapagbigay ng mainit na pagbati sa mga bisita, muling inayos ng Local Support Society  ang malapit na paradahan sa museo at lalung pinagbuti ang mga gawaing makakalikasan.

Bilang karagdagan, upang maisulong at masuportahan ang iba’t ibang program ng museo at para makapagbigau ambag sa pangangalaga at pag-unlad ng museo, ang mga organisasyon sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, palakasan, relihiyon, mga pangangalakal, ang mga unyon ng manggagawa sa Nara prefecture ay sama-samang nagtatag ng Suiheisha History Museum Sponsor Association. Isa sa mga gurpo na umanib sa Sponsor Association, ang Nara Prefecture Buraku Liberation Alliance, ay itinatag sa diwa ng kilusan ng Suiheisha at siyang umako sa responsibilidad ng kilusan ng pagpapalaya sa Buraku.  Ang Alliance ay bumibili ng ilang ticket ng Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha upang mapataas ang dami ng bilang ng mga pagbisita kada taon.  Kasabay nito, bilang bahagi ng pagdiriwan ng ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Suiheisha, habang inaayos ng museo ang kanilang pagtatanghal, nakipag tulungan din ito sa mga partido tulad ng Sponsor Association upang suriin kung alin ang mapapabilang sa pagtatanghal upang maisama ang iba’t ibang pananaw para sa isang mas komprehensibong pagtatanghal.  Bilang resulta nito, maraming mga bisita ang nagsabing silang ay “labis na naantig”.

Maraming mga nakakaantig na mensahe ang iniwan ng mga tanyag na tao, ang mga “pinaka di malilimutang mensahe” isinumite ng mga ordinaryong mamamayan ay maaaring matatagpuan sa bahaging Epilogue ng naturang pagtatanghal. Nakakabit sa puting dingding ang mga kasabihan tulad ng “paglikha ng kasiglahan ng isang lipunan” na isinulong ng Suiheisha na nakasulat sa “relief characters” (tingnan ang larawan sa ibaba).  Ang limang malalaking tabing sa dingding ang siyang nagpapakita ng mga sipi ng teksto na siyang marubdob na nakakaantig sa mga bisita.  Ang espesyan na bahagi na ito ay pingangalanan din bilang Language Museum, at magpapatuloy na bukas sa pagtanggap ng “mga makabagbag-damdaming mensahe” sa hinaharap. Kami ay lubos na umaasa na ang bahagi ng pagtatanghal na ito, kung saan ang sinuman ay maaaring mag-ambag, ay maging isang puwang para sa lahat upang makapagbahagi ng ideya sa “paggalang sa dignidad ng tao”.

Bumuo ng isang mapagmahal na mundo

    Simula ng pagkakatatag ng Suiheisha noong 1992, tulad ng ibang kilusan na nagsusulong ng mga karapatang pantao sa loob at labas ng bansa, ang kilusan upang puksain ang diskriminasyon laban sa mga Buraku ay isang makasaysayang paglalakbay ng siglong ito.  Ngunit, kung titingnan ay Hapon ngayon, ang mga minoridad sa lipunan na dumaranas ng diskriminasyon at nagtatag ng Zenkoku Suiheisha ay patuloy pa ring dumaranas ng diskriminasyon sa pagsasagawa ng kontrata tulad ng kasal at lupain.  Walang ni sinuman ang mariing makapagsasabi na, sa kasalukuyan, ang diskriminasyon ay tuluyan ng napawi.

    Dagdag pa rito, ang pagsasamntala sa mga hindi pagkakaunawaan at taboo sa pangkalahatang publiko tungkol sa mga may kinalaman sa Buraku, ang mga karumal dumal na gawain  ay talamak, tulad ng pagbebenta ng mga sobrang mahal na libro sa pagsasabing walang masyadong sapat na alam ang mga tao tungkol sa mga isyu ng Buraku. Lahat ng mga gawaing ito ay ginagamit ang mga isyu ng Buraku bilang dahilannupang makalikom ng kita sa hindi tapat na paraan o kaya’y magtakda sa iba na gumawa ng mga bagay na hindi naman silang obligadong gawin. Ang mga gawain rin ito ay nakakadagdag sa pagkiling at maling pagkakaunawa. Bilang resulta, mga malisyosong komento at pagpuna laban sa mga Buraku ay patuloy na lumalabas sa internet, na siyang nagsasakatuparan ng diskriminasyon.

    Kaugnay dito, pinatupad muli ng bansang Hapon ang “Three Human Rights Bills” noong 2016, kabilang dito ang Act on the Promotion of the Elimination of Buraku Discrimination, Act for Eliminating Discrimination against Persons with Disabilities at and Hate Speech Act ng 2016.  Sa taong 2019, ang Ainu Promotion Act ay ipinatupad.

    Sa likod ng nasabing kalagayan ng diskriminasyon labas sa Buraku at takbo ng mga bagay na may kinalaman sa karapatang pano, ang kilusang pagpapalaya sa mga Buraku ay bumuo ng mga lupon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang pang mga kilusan ng kapatang pantao at pagtatayo ng mga lokal na pamayanan. Naipararating din ng kilusan ang kanilang mga mensahe sa pamamagitan ng paggamit ng Nara bilang base nito na nakatuon sa mga pagsisikap na masupil ang diskriminasyon. Ang Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha ay nakipagtulungan sa kilusang ito at gumanap ng tungkulin bilang sentro ng pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa karapatang pantao. Isinasatupad nito ang pilosopiya ng Zenkoku Suiheisha na minimithi ang pagkakapantay-pantay at dignidad ng tao ng may matinding pag nanais na mapuksa ang diskriminasyon at gawin itong isa pamana para sa kinabukasan.

    Kami ay umaaasa na lahat tayo ay makiisa sa pilosopiya ng pagkakatatag ng Suiheisha, at ito ay ang pagbuo ng isang mainit na lipunan ng tao  at magsigsa na maisakatuparan ang adhikaing ito.  Ang mithiin ito ay para sa pagbubuo ng isang mapagparaya at walang tinatanging lipunan, kung saan ang bawat isa ay maaaring maging mga sarili nila at malayang makapamuhay.

Kami ay naniniwala na lahat ng pupunta sa Museo ng Kasaysayan ng Suiheisha makakaintindi at aayon sa ganitong diwa.

“Hayaang magkaroon ng init sa lipunan ng tao, hayaang magkaroon ng liwanag sa lahat ng nilalalng”.

Ibahagi ang pilosopiya ng pagkakatatag ng Suiheisha para sa isang mapagmahal na mundo

Ibahagi ang pilosopiya ng pagkakatatag ng Suiheisha para sa isang mapagmahal na mundo

【Mga Materyales ng Sanggunian】

Ang mga alituntunin at deklarasyon na sinunod sa kapulungan ng pagkakatatag ng Suiheisha noong Marso 3, 1922.

http://blltokyo.net/siryou/kiso/suiheisya_sengen3.html

Mga Alituntunin

 1. Kami, bilang mga Tokushu Burakumin (mga mamamayan ng isang natatatanging pamayanan), ay naghahangad ng lubos na kalayaan sa pamamagitan ng aming mga sariling gawain.

   2. Kami, bilang mga Tokushu Burakumin, ay humihiling na makamit ang lubos na kalayaang pang ekonomiya at pangkabuhayan mula sa lipunan.

Deklarasyon

Mga Tokushu Burakumin sa buong bansa: Magtipon-tipon!

    Mga matagal nang naghihirap na kapatid!  Sa lumipas na kalahating siglo, ang mga kilusan  para sa ating kapakanan, lunsad ng napakaraming tao at sa samu’t saring kaparaanan ay walang masyadong naging bunga.  Ang kabiguang ito ay isang kaparusahan na ating tinamo sa pagpapahintulot sa ating mga sarili, gayun sa ibang taon, na yurakan ang ating dignidad. Ang mga nakaraang kilusan, na tila’y nagningas bunsod ng pagkahabag, sa katotohana’y lumason lamang sa marami nating mga kapatid.  Kaya’t, marapat lamang na ngayon ay bumuo tayo ng isang bagong panlahatang kilusan upang mapalaya ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagsusulong sa paggalang sa dignidad ng tao.

    Mga Kapatid!  Ang ating mga ninuno ay mga taga hanga at tagapag sanay ng kalayaan at pagkaka pantay-pantay, mga biktima ng mga naksusuklam na patakaran ng pang-uuri, at mga martir ng industriyang panglalaki.  Bilang gantimpala sa pagbabalat ng mga hayop, sila ay binalatan ng kanilang mga sariling laman; bilang ganti sa pag pilas sa mga puso ng mga hayop, ang kanilang mga nag-aalab na puso ay pinirapiraso. Silapa ay dinuraan ng panunuya.  Ngunit, sa pamamagitan ng lahat ng mga sinumpang bangungot na ito, ang kanilang dangal ay dumaloy ng malalim sa kanilang dugo. Ngayon, dumatin na ang panahon kung saan tayong mga nilalang, nabubuhay sa dugong ito, ay malapit nang muling makamit ang banal na dignidad. Dumatin na ang panahon para siwaksi ng mga biktima ang kanilang mga kahihiyan.  Dumating na ang panahon sa pagpapala ng mga tinik ng korona ng martir.

Dumating na ang panahon kung saan maipagmamalaki natin ang pagiging isang Eta.

Hindi na natin kailanman dapat hiyain ang ating mga ninuno bastusin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng mga maaliping salita at duwag na gawa. Tayo, na nakakaalam kung gaano kalamig maaaring maging ang isang lipunan, na nakakaalam paano kaawaan, ay marubdob na naghahangad and  at sumasamba sa init at liwanag ng buhay ng tao mula sa ikabuturan ng ating mga puso.

Kaya ang Suiheisha ay isinilang.

Hayaang magkaroon ng init ang lipunan, hayaang magkaroon ng liwanag sa lahat ng nilalang.

Marso 3, 1922

Suiheisha