2023 FIHRM-AP TAUNANG PAGPUPULONG “TUNOG NG KARAPATANG PANTAO: PAGTUTULUNGAN NG MUSEO AT PAMAYANAN SA REHIYONG ASYA-PASIPIKO” NAGSIMULA NA ANG REHISTRASYON!
2023 FIHRM-AP TAUNANG PAGPUPULONG “TUNOG NG KARAPATANG PANTAO: PAGTUTULUNGAN NG MUSEO AT PAMAYANAN SA REHIYONG ASYA-PASIPIKO”
Itinatag ang Federasyon ng Museo ng Internasyonal Karapatang Pantao Asya Pasipiko (FIHRM-AP) sa ICOM Kyoto Conference noong Setyembre 2019 bilang plataporma para ikonekta ang mga museo at organisasyong
may kaugnayan sa karapatang pantao sa rehiyong internasyonal at Asya-Pasipiko, sa pamamagitan ng diskarteng kooperasyon at koneksyon sa resources ng mga miyembro ng Asia-Pacific Chapter, itaguyod ang halaga ng museo na may pagpapahalaga sa karapatang pantao, magkasamang ipalaganap ang edukasyon sa karapatang pantao at isulong ang kontemporaryong konsepto ng karapatang pantao. Unang beses isinagawa ng FIHRM-AP ang taunang pagpupulong sa Taiwan sa taon 2023. Sa panawagan ng “Tunog ng Karapatang Pantao”, dumalo ang mga museo, organisasyon na may kinalaman sa mga isyu sa karapatang pantao, at mga eksperto at iskolar mula sa lahat ng antas ng pamumuhay. Sa pamamagitan ng pagkakataong ito, maisagawa ang pagpapahayag ng halimbawa ng kaso at makipagbahagi ng karanasan, ipagtulak ang bagong kaisipan ukol sa edukasyon sa karapatang pantao, pagtutulungan ng mga grupo, lumilipat na karapatang pantao, negatibong pamana at pagtawid sa ibang larangan, mailabas ang tunog ng museo at iba’t ibang larangan.
Sakop sa pagpupulong ngayong taon ang mga sumusunod na paksa:
- Pagsasanay sa karapatang pantao gamit ang mga museo bilang pamamaraan
- Isulong ang Partisipasyon ng Madla upang Magsalita para sa Karapatang Pantao
- Paghahamon sa Karapatang Pantao ng Paggalaw at Paglipat sa Teritoryo
- Negatibong Pamana naging Paksang Salaysay ng mga Museo at Komemoratibong Institusyon
- Pagkakaisa at Epekto ng Karapatang Pantao sa Magkakaibang Larangan
Magkakaiba ang pag-unlad ng kasanayan sa karapatang pantao sa rehiyon ng Asya Pasipiko, may napakakomplikadong kasaysayan, at may background ng kolonisasyon, panunupil, at pagkadiktadura. May matinding pagtuon sa isyu ng karapatang pantao ang ilang mga pambansang museo habang may inisyatibang pinamumunuan ng mga katutubong tao, maliliit na lokal na institusyong pangkultura at mga non-profit na organisasyon ang ibang bansa. Paano natin gagawin isang uring landas at paraan ang museo? Tumututok ang taunang pagpupulong na ito sa iba't ibang gawi ng mga museo at institusyong pangkultura sa rehiyon ng Asya Pasipiko sa koleksyon, pananaliksik, eksibisyon at edukasyon, kung paano mapaunlad ang partisipasyon ng komunidad, mga isyu sa diskriminasyon sa lahi at karapatang pantao sa rehiyon ng Asya Pasipiko, at kung paano baguhin ang mga negatibong pamana na iniwan ng panahong awtoritaryan sa mga pag-aaral ng kaso ng mga museo at mga institusyong pang-alaala, pati na ang kooperasyon ng magkaibang larangan, upang ipakilala ang higit pang mga makabagong pamamaraan at pag-iisip sa mga museo.
May tatlong pagtatalumpati sa napiling paksa at pagpapahayag ng 16 na thesis sa taunang pagpupulong ngayon. Magmumula sa Taiwan, Japan, Indonesia, Nepal, India, Thailand, Vietnam, Australia, Argentina at iba pang bansa ang mga magpapahayag ukol sa kanilang pananaliksik. Maaasahang makulay ito at karapat-dapat abangan. Sa umaga ng pangatlong araw, inimbitahan ang International Coalition of Sites of
Conscience (ICSC) sa workshop na may temang “Tunog ng Karapatang Pantao: Pagtutulungan ng Museo at Pamayanan sa Asya-Pasipiko”, tatalakayin ang pakikilahok, mga ideya at pagbabahagi ng karanasan ng publiko sa museo.
1. Opisinang Nagsasagawa:
Organizer: National Human Rights Museum
Opisinang Nagpapatupad: Fu Jen Catholic University Graduate Institute of Museum Studies, Greenhill Exhibition Co., Ltd.
2. Petsa ng Aktibidad:
Nobyembre 6-7, 2023 pagtatalumpati sa napiling paksa at pagpapahayag ng thesis; workshop sa umaga ng Nobyembre 8 (may hangganan na 30 tao lamang);
Nobyembre 8 hapon hanggang Nobyembre 10, planong pagdalaw limitado sa miyembro lamang at hindi tatanggap ng rehistrasyon.
3. Lugar ng Aktibidad:
Nobyembre 6 - Nobyembre 7|LinTze International Conference Hall sa National Taiwan University(Google Map)
Nobyembre 8 workshop sa umaga|National Human Rights Museum(Google Map)
4. Mga link sa aktibidad: Rehistrasyon sa pagpupulong link, iskedyul ng pagpupulong download
- Walang bayad sa pagsali sa taunang pagpupulong, pakilabas ang sulat ng kumpirmasyon o ID ng pagpupulong sa may pasukan at mangyaring sumunod sa mga tuntunin sa pagpupulong.
- Magbibigay ng 6 oras ng panghabambuhay na pag-aaral bawat araw sa mga pampublikong tagapaglingkod. Mangyaring sumunod sa nakatakdang oras ng pagdating at pag-alis.
- May sumasabay na tagapagsalin sa Chinese at Ingles sa pagpupulong. Kapag kinakailangang umupa at manghiram ng translation device, mangyaring ihanda ang maybisang ID (Nasyonal ID, Health Card, ID sa paaralan o pasaporte) at ipalit ang ID sa counter upang makapaghiram.
Tagapangasiwa: National Human Rights Museum Grupo sa Eksibisyon at Edukasyon | 02-2218-2438 #605 | nhrm.fihrmap@gmail.com
Eksklusibong mailbox para sa 2023 FIHRM-AP Taunang Pagpupulong | fihrmap2023@gmail.com


