:::

Karapatang Pantao, Pagpapahalaga ng Tao

Larawan 1:  Federation of International Human Rights Museums

Larawan 1: Federation of International Human Rights Museums

Tungkol sa May-akda: 

Si Tracy Puklowski ay kasalukuyang naninirahan sa Alice Springs, Australia, kung saan siya ay nakatalaga para sa pagpapaunlad ng unang pambansang art gallery ng mga katutubo (National Aboriginal Art Gallery) ng bansa.  Bago nito, siya ay isang general manager ng Creative Arts and Cultural Services sa Launceston, Tasmania, kung saan sakop nito ang dictatorship ng Queen Victoria Museum and Gallery, ang pinakamalaking institusyong kultural na pang rehiyon ng Australia.  

Kasalukuyang naroroon si Tracy Puklowski sa Alice Springs, Australia kung saan nananagutan siya sa pag-unlad ng unang National Aboriginal Art Gallery ng bansa. Noong nakaraan, General Manager of Creative Arts and Cultural Services siya sa Launceston, Tasmania, at sakop dito ang Directorship ng Queen Victoria Museum and Gallery, ang pinakamalaking regional na institusyong kultura sa Australia.

Bago tumungo sa Australya, madaming matataas na puwesto ng pamumuno ang nahawakan ni Tracy sa GLAM sector ng New Zealand. Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa Getty’s Museum Leadership Institute.

Tungkol sa National Aboriginal Art Gallery:

Ang National Aboriginal Art Gallery sa Mparntwe/Alice Springs ay magiging isang sikat na destinasyon na maglalahad ng mga kwento mula sa pinakamatandang nabubuhay na kultura ng mundo sa isang bagong lugar sa puso ng Australia, at magbibigay ng isang pagtatampok ng mga katutubong tao para ipakita at ipagbunyi ang kanilang mga nagawa sa pamamagitan ng sining.

Kilalang destinasyon ang National Aboriginal Art Gallery sa Mparntwe/Alice Springs, naglalahad ng mga kuwento mula sa pinakamatandang nabubuhay na kultura sa mundo, sa isang bagong lugar sa puso ng Australia at magbibigay rin ng lugar sa mga katutubong tao upang maipakita at maipagdiriwang ang kanilang mga nagawa sa pamamagitan ng sining.

Ang Gallery ay gaganap ng isang mahalagang tungkulin sa pagtahak ng Australia sa landas ng paglalahad ng katotohanan, at nakatuon sa pagtitiyak ng mas nakararaming pang katutubong pamumuno, pangangasiwa at manggagawa.  Sa ganitong paraan, ang Gallery ay magsisilbing daan para sa mga katutubo upang maipahayag ang kanilang mga kwento sa mundo, magbibigay daan para matukoy kung paano ilalahad ang mga kwentong ito, (magbibigay lakas sa kanila at magdedesisyon kung papaano ilalahad ang mga kwentong ito).


Ang pagtatatag ng FIHRM-Asia Pacific sa noong 2019 ay naging mahalagang sandali sa pandaigdigang pag kilanlan ng kahalagahan ng karapatang pantao sa diskurso at pagsasanay sa museo. Ang mga sangay na pang rehiyon ng Federation of International Human Rights Museums ang nagsisilbing magpalakas ng mga boses na kadalasang hindi naririnig at nagbibigay ng mahalagang entablado upang matukoy at maharap ang mga partikular na isyu sa karapatang pantao na pang rehiyon. Sa artikulong ito, tutuntunin ko ang aking pakikipag-ugnayan sa FIHRM at babalik-tanawin kung paano ang pagharap sa mga isyu sa karapatang pantao ay dapat pumaling mula sa gilid gilid patungo sa kaibuturan, para sa ating lahat.  

Nang mailunsad ang Federation of International Human Rights Museums (FIHRM) noong 2010, ikinarangal kong maimbitahan bilang isang pangunahing miyembro ng lupon. Ito ay isang nakakapanabik at napapanahong simulain; dumadami ang mga isyu sa katarungang panlipunan para sa mga museo, ngunit ito ang unang panlahatang internasyonal na pagtugon sa mga karapatang pantao.

Gayunpaman, kumirot ng kaunti ang aking konsensya. May karapatan ba akong magsabi sa ngalan ng aking noo’y mga museo, ang Museum of New Zealand Te Papa Tongarewa (Te Papa), na kami ay ‘museo ng mgakarapatang pantao’?  Ano nga ba ang museo ng mga karapatang pantao? Sana’y hindi ko naman kami nailagay ng walang kamalay-malay sa posisyon bilang nagpapanggap.

Matapos balik-tanawin ang aming kasaysayan at mga pinahahalagahan bilang isang museo, napagpasyahan kong ang maging isang museo ng mga karapatang pantao ay hindi nangangailangan ng isang tiyak na mandato ng karapatang pantao.  Ang katapatan ng Te Papa sa pagkakaiba-iba, pagsasama at kagustuhan sa pagharap sa mga mapanghamong suliranin ay nangangahulugang kami ay karapat-dapat kaming mapasali roon.

Isinulat ko ang tungkol dito noong 2015 nang ako ay namuno sa pagpupulong ng FIHRM:

“Para sa Te Papa, sa malawak na pakahulugan, ang hustisyang panglipunan, mga karapatang pantao, at access…ay hindi mga pandagdag lamang, na maaaring isali o tanggalin. Sila ay nasa pinakapuso ng kaangkanan ng museo, o whakapapa.  Naipasa ang Museum of New Zealand Te Papa Tongarewa Act noong1992 at ito ay nagbigay ng matibay na pundasyon para sa isang museo na gagawa ng mga bagay sa ibang paraan … Nang pinagtibay ng Board of the Museum ang isang Bicultural Policy … napagpasyahan nito na kailanganin ang pagpapahayag sa pagkakaroon ng dalawang kultura sa isang bansa o rehiyon  (biculturalism) sa lahat ng lugar ng museo.

Idagdag pa dito na ang pananaw ng Te Papa ay binabago ang mga puso, mga isip at mga buhay, at mayroon kang isang museo na handang sumuong sa mga mapanghamon at sa mga hindi komportable, isang museo na kinakailangang handa para manindigan kung totoong sinisikap nitong makagawa ng mga karanasan na makakapagbago sa kaniyang mga bisita, komunidad, at kahit mga tauhan nito.

Tulad ng ipinahayag sa website ng FIHRM, dapat nakahanda ang museo ng karapatang pantao na hamunin ang pag-iisip at kasanayan ng tradisyonal na museo. Sa ganitong dahilan, kinikilala ko ang Te Papa bilang isang museo ng mga karapatang pantao at ako ay nasasabik na salubungin ang mga delegado sa Setyembre.”

Nakakaaliw na pansinin na isinulat ko ito batay sa palagay na may ilang mga museo na maaaring nagtuturing sa mga karapatang pantao bilang hindi mahalaga at kinakailangang hikayatin na makita ang kanilang mga sarili sa ganitong paraan.  Marahil kailangan nilang pagtibayin ang kanilang dedikasyon sa mga karapatang pantao, tulad nang una kong ginagawa sa 2010.

Sa parehong artikulo, binigyang pansin ko rin ang konteksto na kung paano tumatakbo ang mga museo ay lubha at mabilis na nagbabago. Ang tinutukoy ko ng mga panahong iyon ay ang anyo ng kultura at politika sa New Zealand; hindi ko nakita noon kung gaano kabilis at kalaki ang mga pagbabago sa darating na mga taon,para sa ating lahat.  Ang mga ‘bagay’ na ito ay  pandaigdigan, nakakapagbago ng buhay, mga pagbabago na may epekto sa sangkatauhan; at sila ay nangangailangan ng labis na pagtugon.

Ang proyekto na 2019 ICOM para lumikha ng bagong kahulugan ng museo ay sumibol mula sa pagtanggap na ang kasalukuyang kahulugan ay hindi “lubusang nagpapakita at nagpapahayag ng mga komplikasyon ng ika-21 siglo at ang mga kasalukuyang katungkulan at dedikasyon ng mga museo, kahit ng kanilang mga hamon at pananaw sa kinabukasan”. Marami sa atin ang nakasaksi, na may kasamang pagkaaliw at sa kalaunan ay pagkainis, sa mga hidwaang naidulot nang ang mga salita at iba’t ibang mga kaugalian ay nalunod na lamang sa balon ng kaisipan.  Aasa na lamang ang isang tao na ang mga pangyayari ng nakaraang dalawang taon ay magsisilbing mitsa para sa pag-iisa ng mga museo sa Prague sa 2022, kung saan ang paksang ito ay pagtatalunang muli. 

Paano hindi magiging ganito? Ang mga pandaigdigang kaganapan, madla na tumatangkilik ng mga museo at mga komunidad na may kinalaman dito ay hindi uupo at maghihintay na lamang sa mga museo na makapagpasiya kung natukoy na natin ng wasto ang ating mga sarili o hindi. Ang mga pagbabago at hamon ng mga nakaraang taon ay hindi lamang nasa ating harapan - sila din ay lumilibot sa mga tanghalan, sinusuri ang mga libro, at nakatitig sa atin.  

Unibersal Deklarasyon ng Karapatang Pantao Artikulo 27:1

Ang bawat isa ay may karapatan malayang makilahok sa kulturang buhay ng komunidad, tamasahin ang mga sining at makibahagi sa pagsulong ng agham at mga benepisyo nito.

Tayong lahat ay kasalukuyang nasa kalagitnaan pa rin ng isang pandaigdigang pandemya na nakapagpabago ng ating mga buhay, habangbuhay.  Ang mga museo at tanghalan ay hindi lamang pumaling sa pagtugon, sila ay dagliang tumalilis sa mga dating gawain; dumaan sa mga lockdown, idinerekta ang bagong lakas sa pag-aaral, karanasan at pakikilahok online, pinamahalaan ang mga espasyo at madla, at ang iba, ay malungkot na hinarap ang katotohanang pagsasara ng tuluyan. Demokratiko ang pandemya sa paraang walang tao anghindi tinablan ng epekto nito, ngunit ito rin ay kaibigan ng hindi pagkakapantay-pantay, pinalalala ang kahirapan at kawalan. 

Kaya sumunod rito na ang mga museo na marahil permanenteng magsara ay ang mga maliliit na madalas na magdahop; ang mga may tangan ng mga alaala at kwento ng mga maliliit, malalapit sa isa’t isa na pamayanan, at ang mga nag-uugnay ng mga tao at kanilang mga komunidad sa kanilang kasaysayan at tradisyon.

Tayo ay napaalalahanan noon, ng ating mga katungkulan na magsikap at para sa ating mga pamayanan, na panatilihin ang kanilang mga alaala, at ibahagi ang kanilang mga kwento.  Dapat natin ipagpatuloy ang pagtanggal sa mga hadlang dito at magtulungan sa pag likha kaysa mangibabaw. Tayo ay naatasan ng hamon at pribilehiyo na makipagtulungan sa mga pamayanan at mga indibidwal, upang bihagin ang natatanging sandaling ito para sa kinabukasan, at tumulong sa muling pagbuo at paghilom bunsod ng masidhing karanasan ng tao.

Hindi bagong ideya ang kakayahang paglunas ng sining, gayundin ang  konsepto na ang mga museo ay maaaring maging ligtas (at kinakailangan) na lugar para magtipon bunsod ng labis na pagkabigla (trauma), o harapin at alalahanin ang mga nakababahalang pangyayari. Ngunit lubhang iba na ang takbo ng mga bagay-bagay ngayon, ang lokal ay naging pandaigdigan, at kabaligtaran.

Unibersal Deklarasyon ng Karapatang Pantao Artikulo 3

Ang bawat isa ay may karapatan sa buhay, kalayaan at seguridad ng tao.  

Unibersal Deklarasyon ng Karapatang Pantao Artikulo 25:1

Ang bawat isa ay may karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa kalusugan at kagalingan ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya, kabilang ang pagkain, damit, pabahay at pangangalagang medikal at mga kinakailangang serbisyong panlipunan, at ang karapatan sa seguridad kung sakaling magkaroon ng kawalan ng trabaho, sakit, kapansanan, pagkabalo, matandang gulang o iba pang kawalan ng kabuhayan sa mga sitwasyong hindi niya kontrolado. 

Ang matinding krisis sa pandaigdigang klima ay isa na namang banta sa ating pamumuhay at isa ring kapuna-punang krisis sa mga karapatang pantao. Ang pagbabago ng klima ay isang nagbabantang panganib sa seguridad ng pagkain, pamamahay at mismong buhay. Ang mga maliliit na pulo-pulong bansa ang siyang pinaka lantad sa mga epekto ng pagbabago sa klima, sa kabila ng higit na mas maliit na ambag sa pagdudulot nito kaysa sa ibang bansa. Ito ay isang tiyak na banta sa rehiyong Asya- Pasipiko.

Ang lahat ng museo ay may tungkulin na ginagampanan sa pagtaas ng kamalayan tungkol sa pagbabago sa klima at pagsasagawa ng aksyon, lalo na bilang tagapangalaga ng ebidensya sa isang ‘post-truth’ na mundo kung saan dapat ipagtanggol ng mga siyentipiko ang mga katotohanan sa agham. Noong ako ang Direktor sa Queen Victoria Museum and Gallery (QVMAG) sa Tasmania, natuklasan ng aming mga siyentipiko na ang mga hayop (insekto) ay  gumagalaw papalayo ng papalayo patungong timog dahil sa umiinit na kapaligiran.  Ang ebidensyang iyon, kasabay ng deklarasyon ng mga awtoridad sa krisis sa klima, ang nagpadali sa pasyang gawin pinaka sentro ng atensyon ng museo ang pagbabago sa klima.

Gayunpaman, hindi lamang ito ukol sa karunungan base sa mga koleksyon at ebidensya, kundi Ito ay tungkol sa mga gawi at ugali. Nagpatibay ang Horniman Museum and Gardens ng isang malawakang programa sa pagbabago ng klima noong unang bahagi ng 2020 na nakatuon, hindi lamang sa pakikipagtulungan sa madla upang maitaas ang kamalayan at baguhin ang mga pag-uugali, ngunit hinahamon din nito ang museo na tingnan ang sariling mga gawi at mga gawain.

Dapat pag-isipan ng mga museo ang kanilang sariling kontribusyon sa pagbabago sa klima – paano natin gagamitin ang ating mga yaman? Nagpaplano ba tayo ng mga gusaling may kakayahang magtagal? Naaayon ba sa ating mga pinahahalagahan ang ating mga isponsor? Hindi sa boardroom nangyayari ang mga pagtatalo kamakailan ukol sa pag-isponsor ng mga fossil fuel companies sa museo; nangyayari ito sa publiko.

Paano naman ang pangangailangan ng mga refugee o dayo dahil sa klima? Kung inaakala mong isyu ito ngdarating na panahon, nagkakamali ka. Nangyayari na ito ngayon; sa 2020, may 30.7 milyon na tao sa mundoang umalis sa kanilang kinalalagyan at ang mahigit sa 98% sa kanila ay bunga ng panganib na may kaugnayan sa panahon. Libu-libong mga residente ng Marshall Islands ang inilipat sa iba’t ibang bahagi ng Estados Unidos kung saan sila ay nahaharap sa bagong hamon na mapananatili ang kanilang koneksyon sa kultura at tradisyon. 

Unibersal Deklarasyon ng Karapatang Pantao Artikulo 7

Ang lahat ay pantay sa harapan ng batas at may karapatan sa pantay na proteksyon ng batas nang walang diskriminasyon. Ang lahat ay may karapatan sa pantay na proteksyon laban sa anumang diskriminasyon na labag sa Deklarasyong ito at laban sa anumang pag-uudyok sa ganitong diskriminasyon. 

Ang paggamit ng puwersa ng kapulisan laban sa mga taong hindi puti ay nagpasiklab ng pandaigdigang protesta at muling nagpabuhay sa kilusang Black Lives Matter. Unang nakatuon sa kalupitan at karahasan ng pulisya, lumawak ang sakop ng kilusan nang nagkamit ng suporta mula sa buong mundo at saklawan ang mga isyung kaugnay sa diskriminasyon ng lahi na nakabaon sa sistema ng lipunan at ang walang kamatayang kolonyalismo. Isang ilaw na nagbigay liwanag sa kasaysayan at kasanayan ng mga museo.

Kung tutuusin, walang bago sa mga pagtatanong tungkol sa mga aspeto ng kasanayan ng museo; hiniling mga opisyal para sa British Museum na ibalik ang mga marmol ng Parthenon sa Greece noong mga unang taon ng 1980, at nagtanong si Maurice Berger ng katanungang Mga Nang-uuri ba ng Lahi ang mga Museo?noong 1990.  Gayunpaman, ang mga bagay na ito ay hindi naging kasing kapansin-pansin tulad ng mga sikat na paksa noong mga panahong iyon. 

Ang mga grupo tulad ng  Decolonize This Place at BP or not BP ay aktibong namuna sa mga espasyo ng museo gamit ang mga “performative interventions” kung saan humihiling ito na magbigay pansin sa pagbibigay ng pondo, pagbalik sa sariling bansa, mga kasanayan ng pagkamit, indigenous agency, at ang kalagayan ng mga manggagawa o mga tauhan. Ang The Unfiltered History Tour ng Vice media ay nagsiyasat sa mga kuwento ng ‘mga pinagtatalunang kagamitan’ sa British Museum. May isang dating tauhanng ilang mga kultural na institusyon ang nagsalita laban sa kakulangan ng katarungan sa lugar ng trabaho, istrakturang rasismo, kasama – sa isang karima-rimarim na kabalintunaan - ang Canadian Museum for Human Rights.

Ang boses ng mga pinagmulang pamayanan ay unti-unting lumalakas habang hinihiling nila ang marapat na pagbabalik ng kanilang mga kayamang kultural. Noong 2018, naglakbay ang mga inapo mula sa Rapa Nui hanggang sa British Museum upang hilingin ang pagbabalik ng kanilang ninuno (tupuna), Hoa Hakananai’a. Sa isang episode ng The Unfiltered History Tour na nakatuon sa kolonyal pagnanakaw ng Hoa Hakananai’a’, masidhing sinabi ni Talita Rapu (inapo at Gobernador ng Rapa Nui), “Na kay Rapa Nui ang katawan ngunit nasa inyo ang kaluluwa. Naglalakad kami sa mundong ito nang walang kaluluwa, isang katawan na walang laman.” Kinikikilala ng madami sa amin na nakapagtrabaho sa mga koleksyon ng mga katutubo na ang kaluluwa ng mga materyales na kultural ay nananahan sa mga komunidad, pamilya at inapo. Ngunit bakit hindi ito ang maging pangkaraniwan kaysa maging natatangi? Kung ang muling pagsasama ng ‘katawan at kaluluwa’ ang pinakamabuting kahihinatnan ayon sa pasya ng mga tradisyonal na may-ari, ano pa ang maaaring ipaglaban ng museo?  Kung hindi tayo handang humiwalay sa mga kasanayan ng kolonyalismo, tiyak na tayo ang nagkakasala sa pagpapalala ng mga bunga nito.

UN Deklarasyon sa Karapatan ng mga Katutubong Tao Artikulo 3

May karapatan kami sa sariling pagpapasya.

Malaya kaming pumili ng aming katayuan sa pulitika at pag-unlad sa ekonomiya, lipunan at kultura.

 

Natagpuan ko ang aking sarili nan may matinding pagnanais na isulat ang artikulong ito habang naninirahan sa isang bansa (Australya) na walang Bill of Rights sa antas na Pederal, bagaman ang kada estado ay unti-unting pinagbubuti ang kanilang mga pagtugon para mapangalagaan ang mga karapatang pantao ng kanilang mga mamamayan. Habang ang sitwasyon ay maaaring malayo pa sa pagiging perpekto, ibinabalik nito ang katungkulan na mapanatili at mabigyang kahulugan ang mga karapatang pantao sa mga indibidwal at organisasyon.  Ako rin ay nagtatatag ng isang bagong katawan ng kultura, ang National Aboriginal Art Gallery para sa Australia. Itatayo ito sa Alice Springs sa Northern Territory. Isa itong lugar na maganda at nakikilala sa kultura at sining, gayundin sa mga kapinsalaan at troma ng mga henerasyon.

Australia’s First Peoples ang kumakatawan sa pinakamatanda at patuloy na nabubuhay na kultura sa mundo, na may kulturang ipinapahayag sa pamamagitan ng mga imahe o anumang pwedeng makita o mapanod na nagtatagal at buhay. Nang magbago ang sining ng mga katutubo mula sa buhangin at bato sa tabla at canvas, tuluyang nagbago ang landasin ng kasaysayan ng sining ng Awstralya, binibihag ang imahinasyon ng madla sa buong mundo. Ito ay nagbigay ng mga benepisyong panlipunan, pang ekonomiya, pang kultura at espirituwal sa mga alagad ng sining at kanilang mga pamayanan, nagdala sa mga kwento at kasaysayan ng mga katutubo sa mga bagong madla, at pinagtibay ang pagkakaugnay-ugnay sa iisang kultura. Para sa akin, ang Northern Territory, ang kasalukuyan kong tirahan, ang pinakamalaking buhay na Art Gallery sa mundo. Hindi maiiwasan ang malakas at buhay na buhay na sining.

Ang Northern Territory ay mayroon ding pinakamataas na proporsyon ng mga taong Aboriginal and Torres Strait Islander, at halos 45% ng lahat ng mga tahanan ng mga katutubo ay nabubuhay ng mababa sa ‘poverty line’. Ang bilang ng pagpapatiwakal sa kabataan ay tatlong ulit ng bilang ng pambansang katampatan. Tinatayang 85% ng populasyon sa bilangguan ng Northern Territory ay mga katutubo.

Kaya ang tanong ko ngayon sa aking sarili ay kung hindi ang Gallery tulad ng National Aboriginal Gallery (o kahit anupamang lugar) and dapat nakikipaglaban para sa mga karapatang pantao; kung hindi paano natin gagawin ito  Ito ay magtatakda sa atin para muling isipin at muling idisenyo ang ating ginagalawan kung gusto nating magkaroon at makagawa ng kahulugan. Para sa National Aboriginal Art Gallery, isa itong pangako sa First Peoples’ Principles ng pagtitiyak ng mas madaming pamumuno, pamamahala at manggagawang katutubo. Ito ay nangangahulugang katapatan sa boses, ahensya at magkabahaging awtoridad, at pagsabi ng katotohanan na kailangan ng Australia kung gusto nitong simulan ang paghilom sa nakaraan at tumungo sa pambansang pagkakasundo. Ang pangkaraniwang pamantayan ng galleriya/museo na may ilang pirasong nakadikit ay hindi magiging malapit sa pagkamit ng alinman sa mga ito.

Hindi na tayo mapipigilan na maugnay sa mga pangyayari sa buong mundo at mga hamon sa karapatang pantao na naitala rito, anumang laki, lugar o layunin. Karamihan ng mga institusyon ng kultura ay matagal nang nakatuon sa madla ng maraming taon, at ang pagsasaalang-alang ng madla sa ating iniisip ay umani ng maraming malalaking benepisyo  – mas mahusay na pakikipag-ugnayan, mas malaking kahalagahan at marami pang iba. Ngunit panahon na naman para sa isa pang hakbang pasulong. Dapat matuto tayong magtuon sa sangkatauhan. At magsisimula ito sa pagtanggap na ang mga karapatang pantao at ang karangalan ng lahat ng tao, ay pananagutan natin lahat.

Larawan 2:  Karapatang Pantao, Pagpapahalaga ng Tao

Larawan 2: Karapatang Pantao, Pagpapahalaga ng Tao

[1] Human Rights Museum | CAMD – Public Site

[2] Paglikha ng bagong kahulugan ng museo:  mahigit sa 250 panukala ang tingnan! - International Council of Museums - International Council of Museums (icom.museum)

[3] Lungsod ng Launceston nagdeklara ng ‘emerhensya sa klima’ - Lungsod ng Launceston

[4] Data sa istatistika sa paglilipat ng kapaligiran  (migrationdataportal.org)

[5] The Unfiltered History Tour on acast

[6] Hoa Hakananai'a from The Unfiltered History Tour | Podcast Episode on Podbay

[7] Kasalukuyang hindi nababanggit ang Aboriginal and Torres Strait Islander people sa Konstitusyon ng Australia at hindi sila kinikilala bilang First Peoples.

[8] Submission 18 - Northern Territory Council of Social Service (NTCOSS) - Expenditure on Children in the Northern Territory - Commissioned study (pc.gov.au)

[9] Pagbibigay ng liwanag sa pagpigil sa pagpapatiwakal sa NT (missionaustralia.com.au)

[10] Northern Territory nagpasimuno ng Aboriginal Justice Agreement upang mabawasan ang mataas na rate ng pagkabilanggo ng mga katutubong tao – ABC News