:::

Mula sa Pagiging Isinasalaysay sa Pagiging Tagapagsalaysay: Isang Pagmamasid ng at Pagninilay sa Porum ng Pangingibang Bansa at Mga Karapatang Pantao, Oktubre 20-22, 2021

Manunulat:Hsuwen Yuan

Isang research assistant si Hsuwen (Emily) sa Kagawaran ng Edukasyon sa National Taiwan Museum (NTM), Taipei, Taiwan. Ang mga pananaliksik ni Emily ay pangunahing nakatuon sa social inclusion at museum accessibility of international migration sa Taiwan. Inatasan siyang magsimula ng Immigration Docent Project sa loob ng museo noong 2015. Ang Immigration Docent Project ay nagbibigay ng paglibot sa loob ng museo sa iba’t ibang wika (nangunguna na rito ang mga wika sa Timog Silangang Asya, Ingles at Intsik) at tumutulong sa pakikipag-ugnayan ng museo sa dayuhang komunidad. Nakamit at nasimulan ng NTM at mga dayuhang komunidad ang mga pista ng sining ng mga bansa sa Timog Silangang Asya, mga pagtatanghal, mga gawaing pang edukasyon, at pagpapakahulugan ng mga koleksyon mula sa mga bansa sa Timog Silangang Asya. Mahigpit na nakikipagtulungan ang dalawang panig simula pa noong 2016.

Ang Pambansang Museo ng Taiwan

Ang Pambansang Museo ng Taiwan (National Taiwan Museum), itinatag sa 1908, ang isa sa pinaka lumang museo sa Taiwan. Noong 1915, matapos ang dalawang taon ng paggawa, ang museo ay natapos, and ito ito ang isa sa mga kapansin-pansin na pampublikong gusali dito sa Taiwan. Sa mahigit na sa isang siglo, ang museo ay nakatirik sa harapan ng Taipei Railway Station at may mayamang koleksyon, ang kanyang natatanging lokasyon ang siyang dahilan ng pagiging isang mahalagang palatandaan ang Pambansang Museo ng Taiwan. Patuloy na nakatuon ang koleksyon at pagsasaliksik ng museo sa antropolohiya (agham ng tao), agham ng lupa, hayop, halaman, pagkakaiba sa kultura at pagsasama-sama ng lipunan bilang pagtugon sa mga pinakahuling usong takbo sa lipunan at ang dumadaming bilang ng pangingibang bansa. Nakamit ng museo ang layuning edukasyonal at mapagsilbihan ang madlang may iba’t ibang karanasan ng kultura sa pamamagitan ng pagtatanghal na may tema, mga gawaing pang edukasyon, paglalathala at iba’t ibang proyekto sa magkakaibang kultura.


Paunang Salita

Ang National Human Rights Museum (NHRM) ng Taiwan ay isang makabuluhang lugar na nagpapaalala sa mga Taiwanese na hindi dapat kalimutan ang panahon ng White Terror, lubos na mahalaga sa pag-unlad at progreso ng demokrasya sa Taiwan. Ang museo ay nagsisilbing sentro ng edukasyon para sa kasaysayan ng mga paglabag sa karapatang pantao, sumusuporta sa mga isyu sa karapatang pantao, nagsusulong ng mga layunin para sa karapatang pantao at nagtatanim ng pangkalahatang mga kaugalian upang mapangalagaan ang demokrasya at mga karapatang pantao sa Taiwan.

Isang mahalagang kaanib ng International Council of Museums (ICOM), ang Federation of International Human Rights Museums (FIHRM) ay nagtaguyod at naglagay ng sangay nito na Asian-Pacific (FIHRM-AP) sa National Human Rights Museum ng Taiwan sa suporta at pagkilala ng FIHRN at mga kaugnay na organisasyon, NGO at mga propesyonal.

Ngayon, ang NHRM at FIHRM-AP ay may mga bagong misyon na ilagay ang mga lokal na isyu ng karapatang pantao sa ilalim ng pandaigdigang konteksto ng pangingibang bansa at mga alalahanin tungkol sa karapatang pantao. Hinaharap ng dalawang museo ang mga isyu sa pandaigdigang karapatang pantao sa pamamagitan ng pagtayo ng mga grupo na magsisilbing entablado o tulay upang mapadali ang mga pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan, mga NGO, mga museo at mga dayuhang komunidad ng iba’t ibang nasyonalidad sa Taiwan. Samantala, ito ang unang pagkakataon para sa mga propesyonal ng museo at mga manggagawa sa NGO na lumahok sa isang harapang talakayan, suriin at pagtulungan ang mga isyu sa pangingibang bansa at mga karapatang pantao sa Taiwan.

Ang Layunin at Simula ng Forum at Workshop

Ngayon, ang mga kasalukuyang museo ay humaharap sa maraming isyu na ipinataw ng pangingibang bansa sa mga destinasyong lungsod. Ang pangunahing alalahanin nitong porum ay kung paano tinatanggap ng mga museo ang mga migrante at lalabanan ang mga stereotype, diskriminasyon at takot o galit sa mga banyaga (xenophobia) sa pamamagitan ng diyalogo ng iba’t ibang kultura. Paano tinatayo ng museo ang mga talaan ng migrasyon at  mga karapatang pantao, pinapanatili ang mga makasaysayang lugar at mga lumang gamit, itinatago ang mga personal na mga gamit, kuwento at alaala? Matapos ang masusing talakayan sa 3 araw na porum at workshop, maraming mga perspektibo at karanasan mula Taiwan, Awstralya, India, Amerika, Bangladesh, Tibet at Timog Sudan ang nakapagbigay linaw sa maraming kasanayan, teorya at karanasan ng pagmumuseo bilang tugon sa pagtaas ng pangingibang bansa sa buong mundo at mga kaugnay na mga isyu sa karapatang pantao.

Programa sa Oktubre 20: Ang Kalupunan ng mga Grupo ng mga Museo para sa mga Migrante at Katarungang Panlipunan

Unang Pulong: Pagtataguyod ng Programa para sa Komunikasyon sa pagitan ng mga Museo, Migranteng (Manggagawa) Pamayanan at ang Publiko

Ms. Rohini Kappadath, General Manager, Immigration Museum, Museums Victoria, Australia, idinetalye ang mga sumusunod na paraan bilang pundasyon para sa museo na sanayin ang mga karapatang pantao, tulad ng:

  • Pagkilala sa mga bagong gampanin ng mga museo;
  • Pagsusuri ng mga luma at hindi na ginagamit na mga patakarang museo
  • Palagiang pagtatanong sa sarili kung kung kami ba ay pirming nakatuon sa mga boses ng migranteng pamayanan na balak namin makatrabaho sa darating na panahon.

Madaming ibinahagi si Rohini sa kanyang mga pamamaraan sa pagtatrabaho base sa kanyang karanasan ng maraming taon sa Immigration Museum sa Awstralya.

Ang dalawang sumusunod na mga tagapagsalita: Hsu-wen Yuan (Emily) at Ying-Hsuan Li, ay mula sa Taiwan. Inilahad nila ang mga pinakabagong patakarang museo ng Pambansang Museo ng Taiwan at ng Museo ng Kaohsiung sa Paggawa.

Ang unang grupo ng mga migranteng manggagawa mula sa rehiyon ng Timog Silangang Asya (SEA) ay dumating sa Taiwan noong 1990s.  Sa taon ng 2021, may mahigit na 700,00 migranteng manggagawa at 300,000 na mga imigrante mula sa rehiyong SEA ang naririto sa Taiwan. Pumunta sa Taiwan ang mga migranteng manggagawa upang tugunan ang pangangailangan sa paggawa ng mga imprastraktura, pangingisda, industriya ng paggawa, at pangangalaga sa bahay. Karamihan sa mga imigrante mula sa SEA ay naparito sa Taiwan sa pamamagitan ng kasal, at sila ang naging pangunahing tagagawa at miyembro sa pamilya. Gayunpaman, nakabaon ang lipunan ng Taiwan sa kulturang may mababang pagtingin sa mga imigrante mula sa rehiyon ng SEA. Dahil sa mga sagabal sa kultura at wika, mga stereotype, mga pagkiling, ang mga migranteng manggagawa at imigrante (mga dayuhang asawa) ay patuloy na hindi naiintindihan at namamaltrato sa Taiwan.

Isa sa mga pinakamatagal na museong naitayo sa Taiwan, ang Pambansang Museo ng Taiwan sa Taipei ang nagsimula ng “Proyekto ng Pagpasyal sa Museo sa Magkakaibang Lenggwahe” noong 2015 na nagtawag ng  maraming imigrante mula SEA na gumanap bilang mga taga gabay sa museo upang mag-alok sa mga kapwa imigrante ng karanasang mamasyal sa loob ng museo nang walang sagabal sa wika (Figure 1). Higit pa rito, nakipag-ugnayan ang museo sa mga komunidad ng migranteng manggagawa, at nakipag tulungan sa pagsasagawa ng mga pista ng iba’t ibang kultura kung saan ang mga miyembro ng komunidad ang namuno at nagsaayos ng mga programa (Figure 2). Sa gayon, ang mga imigrante at migranteng manggagawa ay malayang makapagpapahayag at maipapamalas ang ganda ng kanilang mga kultura sa Pambansang Museo ng Taiwan. 

Figure 1. Isang taga gabay sa museo mula sa Vietnam na maalam sa maraming lenggwahe ang nagpapakilala ng arkitektura at kasaysayan ng museo sa isang grupo ng mag-aaral mula sa Vietnam.

Figure 1. Isang taga gabay sa museo mula sa Vietnam na maalam sa maraming lenggwahe ang nagpapakilala ng arkitektura at kasaysayan ng museo sa isang grupo ng mag-aaral mula sa Vietnam.

Figure 2. Mga Indonesian manggagawa na nagtanghal ng tradisyonal na Balinese Kecak sayaw sa Nasyonal Taiwan Museo. Hindi nakakaligtaan ni Mr. Fajar (nasa gitna sa harapan) ng Citizen Protection Department, Indonesian Economic Representative Office sa Taipei ang aktibidad.

Figure 2. Mga Indonesian manggagawa na nagtanghal ng tradisyonal na Balinese Kecak sayaw sa Nasyonal Taiwan Museo. Hindi nakakaligtaan ni Mr. Fajar (nasa gitna sa harapan) ng Citizen Protection Department, Indonesian Economic Representative Office sa Taipei ang aktibidad.

Ang Museo ng Kaohsiung sa Paggawa ay unang nagtampok ng mga manggagawang Taiwanese at ngayon ang kanilang pokus ay lumawak hanggang sa mga migranteng manggagawa.  Ang museo ay bumuo ng isang pagtatanghal ng mga isyu ng migranteng manggagawa, nagbibigay ng iba’t ibang mga perspektibo.  Ang proseso ng pagbuo ay kinabilangan ng mga lokal na migranteng manggagawa upang masiguro na sila rin ay makakapagsalita para sa kanilang mga sarili.  Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito, ang mga migranteng manggagawa ay maaaring maging tagapagsalaysay at ipakilala ang kanilang sariling kultura sa isang pampublikong museo na hindi natinag ng mga opisyal na salaysay.  Ang mga museo bilang mga institusyong pampubliko at pang edukasyon ay dapat manatiling mapanuri at harapin ang lipunan sa mga isyung dapat hindi nila alisan ng pansin.

Pangalawang Pulong: “Mga Dayuhang Migrante: Ang Pagsasama at Pagliliban sa Kasaysayan ng Imigrasyon”

Si Prof. Chia-Li Chen, tagapagpayo at isang cultural equity practitioner ng museo,  ay nagbukas ng pulo na ito na may mapanuring perspektibo. Sa kanyang mga salita: “ang kasaysayan ng imigrasyon ay napupuno ng pulitika.” Sa pulong na ito, ang pangunahing argumento at talakayan ay nakasentro sa kung paano pinalalakas ng mga museo ang mga imigrante habang hinaharap ang mga stereotype at pagkili ng lipunan. Ang sumusunod ay ang isang buod ng tatlong mahahalagang konsepto na ipinahayag ng mga nagtanghal sa pulong na ito:

Ang pagtatala ng kasaysayan ng mga dayuhang migrante ay hindi kailanman nagawa mismo ng mga migrante at ngayon maaari na silang makapagsalita para sa kanilang mga sarili.

Nagsimula ang pula kay Ms. Agnès Arquez Roth, isang museum practitioner mula sa Paris. Ang kaniyang pagtatanghal ay nagpakita kung paano niya sinimulan ang kaniyang proyekrto sa paghahanap ng “tamang lugar”. Pagkatapos, nagsumikap si Ms. Roth na tumugon sa mga kasalukuyang isyu ng imigrasyon sa France sa pamamagitan ng proyekto.  Kung titingnan natin ang Europa bilang isang malaking kontinente na walang hangganan, ang labis na laki bilang ng imigrante sa magkakaibang panahon sa kasaysayan ay naganap sa napakakumplikadong konteksto. Ang mga konsepto ng magkakaibang komunidad ng pangingibang bansa ay hindi bahagi ng karaniwang patakaran habang humaharap sa mga isyu ng pangingibang bansa sa Pransya. Ang pambansang patakaran ng pangingibang bansa sa Pransya ay may isang mahabang kasaysayan ng pagkakakilanlan ng iisang kultura sa halip na pinapayagan ang magkakaiba-iba.  Sa pagpupunyagi ni Ms. Roth, sinikap nilang itaguyod ang iba’t ibang paraan ng pagsasama-sama ng mga komunidad ng mga nangingibang bansa at isama ang kanilang kasaysayan bilang isang bahagi ng kasaysayan ng Pransya sa pamamagitan ng pag-imbita sa kanila na makipag tulungan sa museo.  Kahit ito ay isang napakahirap na gawain, kinakailangan ito at ito ay mas mabuting paraan upang maabot at makipag-ugnayan sa komunidad ng mga nangingibang bansa. Hindi lamang nito naisasama ang mga dayuhan, binibigyang laya din nito ang mga nagsasanay ng museo na harapin ang mga bagong kaparaan ng komunikasyon na hindi pa nila kailanman nagamit.

Dapat ingatan ang panatilihin ng husto ang mga pamanang imigrasyon upang magkaroon ng “puwang” ang mga nagingibang bansa na maisalaysay ang kanilang kasaysayan.

Ang gawain patungkol sa pamanang imigrasyon ay dapat hamunin, labanan at baguhin ang mga stereotype at pagkiling laban sa mga nangingibang bansa sa iba’t ibang panahon ng kasaysayan upang mas lalung mapansin at matalakay. Inihayag ni Mr. Ed Tepporn ang diaspora ng mga nangibang bansang Intsik o mga Asyano sa Amerika.  Ang mga komunidad ng mga nangibang bansang Asyano  sa Amerika ay hindi patas na tinrato ng lokal na lipunan o kahit ng patakaran ng pamahalaan magmula noong ika-18 siglo.  Noong 202, nang pumutok ang pandemy ng COVID-19 sa Amerika, naging tampulan ng galit na humahantong sa krimen ang mga migranteng Asyano.  Ibinunyag ni Tepporn ang maagang pagpiit sa mga Asyanong migrante sa istasyon ng Angel Island Immigration.  Habang ang mga migranteng Europeo ay nakalapag sa silangang baybayin ng Amerika nang buong sigla at puno ng mga positibong inaasahan, ang mga dumating galing Asya at Isla ng P asipiko sa kanlurang baybayin, na karamihan sa istasyon ng Angel Island Immigration, ay nakaranas ng pagmamaltrato na siyang nagbukod sa kanila mula sa mga migranteng Europeo.  Sa pamamagitan ng pananatili ng mga tanawin at gusali, ang mga karanasan at kuwento ng mga migrante mula sa Asya ay maipapakita sa publiko at maisasama sa mga bagong salaysay ng museo.

Marapat hikayatin ng mga  at ng mga gumagawa ng patakaran ang pakikilahok ng mas marami pang migrante sa mga pagsasalaysay sa museo.

Dapat din ay magawa nilang bumuo ng mga grupo at pakikipagtulungan sa mga komunidad ng mga nangingibang bansa bilang ito na ngayon ang pangunahing trabaho ng mga makabagong museo, ayon kay Chia-Ni Wu, Associate Curator at Pinuno ng Public Service Division ng Pambansang Museo ng Kasaysayan ng Taiwan, habang ang iba’t ibang pagdagsa ng pangingibang bansa sa kasaysayan ng Taiwan ay nagpakita ng maraming panig ng buhay na naranasan ng mga migrante. Matapos ang ilang taon, nalipat ang tuon ng pagtatanghal (exhibit) mula sa mga grupong etniko patungo sa mga indibidwal na kwento.  Ang misyon na makabuo ng tiwala sa pagitan ng museo at mga komunidad ng migrante  ay sadyang nakakaubos oras, pagpupuna ni Wu.  Ngunit, ito ay kinakailangan para sa anumang gawain na naglalayong isama at makipagtulungan sa mga komunidad ng migrante.

Pagkatapos ng karanasan ng Taiwan, ang pulong ay naging dismayado nang marinig ang salaysay ng mga Tibet refugees tungkol sa kanilang karanasan sa India. Si Mr. Tashi Phuntsok ay nagbigay ng sadyang nakababahalang paglalahad ng  kasaysayan, mga kadahilanan ng diaspora ng mga taga Tibet at ang mga hamon na kanilang hinarap bunga ng pagkawala ng permanenteng tirahan. Ang kanyang paglalahad ay tumunton sa simulain ng pagpapatapon sa mga Tibetan sa pamumuno ng ika-14 na Dalai Lamai noong 1959, sampung taon matapos ang digmaang sibil ng mga Intsik.  Ang maramihang pag-alis ay nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon. Ginamit ni Mr. Phuntsok ang pagkukumpara upang mailarawan ang mga patakaran sa tatlong daan paalis: India, Bhutan at Nepal. Sa India, ginawang paggabay ng pamahalaan ang Tibetan Rehabilitation Policy bilang pamantayan ng mga pasilidad na ginagamit bilang kanlungan ng mga Tibetan na nasa pangangalaga ng bawat pamahalaan ng estado upang maprotektahan ang karapatang pantao ng mga ito. Bilang/Sa kabaliktaran, lumagda ang Nepal ng isang kasundaan sa Tsina na lubhang nakapagpataas ng posibilidad ng pag-aresto at deportasyon ng mga takas na Tibetan sa Nepal. Pinanatili ng Museo ng Tibet ang kasaysayan at mga pagdurusa ng mga Tibetan sa kanilang pagkakatapon at inilahad ang mga kontrobersiya sa mga patakarang ito.

Programa noong Oktubre 21: GITJR (Pandaigdigang Simulain para sa Katarungan, Katotohanan at Pagkakasundo) at Mga Karapatan ng Migrante

Unang Pulong: Katotohanan, Alaala at Katarungan

Sa pulong na ito, si Braden Paynter, isang direktor ng Methodology and Practice, ICSC, ang naging tagapamagitan ng pulong na na may mga tagapag lahad mula sa Estados Unidos, Silangang Aprika at Taiwan. Ibinahagi nila ang kanilang mga kasanayan sa pagtatala ng  katotohanan sa mga paglabag ng karapatang pantao.

Isa sa mga hamon para makalikom ng ebidensya ng mga paglabag na ito ay nangangailangang magbalik-tanaw ang mga biktima sa kanilang mga di kanais-nais na karanasan.  Kaya, ang tiwala ay kailangan muna mabuo muna para makapagbigay ng isang ligtas at pribadong kapaligiran ng sa gayon ang mga biktima ay malayang makapagpahayag ng kanilang mga karanasan na hindi nakakaramdam ng hiya o takot.  Matapos makaramdam ng kaligtasan ang mga biktima sa presensiya ng isang sistema na nagbibigay suporta, maaari na silang hikayatin na magsalita para sa kanilang mga sarili.  Ang isang matibay na suporta galing sa mga tauhan o manggagawang panlipunan ay kinakailangan.

Pangalawang Pulong: Ang Shelter, Ang Mga Sistema na nagbibigay Pangangalaga at Suporta sa mga Migrante

Pagkatapos ng pangalawang pandaigdigang digmaan at noong mga 1990s, mabilis na dumami ang mga lokal at internasyonal na NGO at mga sistemang nagbibigay suporta sa mga minorya, mga takas at mga grupong ng nangangailangan bilang pagtugon sa mga hidwaan tulad ng pagpatay ng lahi at mga digmaang sibil sa magkakaibang bahagi ng mundo.

Tulad ng paglalarawan ni Mr. Mofidul Hoque sa pangyayaring pagpatay sa lahi ng Rohingya, ang mga ulat at pagtatanghal sa nasabing pagpatay at krisis na kinaharap ng mga taong Rohingya ay nakatawag pansin sa buong mundo.  Hinikayat ni Mr. Modiful Hoque na ang krisis ng Rohingya ay isang pandaigdigang problema at ang isang pandaigdigang problema ay humihingi ng pandaigdigang aksyon.  Sakali mang mabigo ang internasyonal na komunidad na mamagitan sa isang hidwaang pang rehiyon, sana man lang ang mga karatig bansa ay umabot at dagling kumilos upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon. Dapat lumikha ang mga iskolar at aktibista ng maraming saliksik at mga lathalain upang makapagbigay kaalaman sa internasyonal na komunidad.  Pagkatapos, sila rin ay dapat makipagtulungan sa paghanap ng dagli, mabilis, at permanenteng mga solusyon upang mahinto ang pang-aapi sa mga minoryang etniko ng Myanmar.

Ang pagpapahayag ni Mr. Mofidul Hoque ay sinundan ng dalawang tagapaglahad mula Taiwan: Ms. Kaili Lee, Direktor ng GOH-Migrants Garden of Hope Foundation, at Hsiu-Lien Chen, tagasaliksik sa Taiwan International Workers Association (TIWA). Ang parehong organisasyon ay nagbigay ng kanlungan at mga sistema na nagbibigay suporta para sa migranteng manggagawa sa Taiwan.  Nagbigay din sila ng legal na pagsanggunipara sa migranteng manggagawang naabuso, napagsamantalahan, at nadisgrasya sa trabaho.  Ang TIWA as isa sa mga kauna-unahang NGO na nagtuon ng pansin ng lipunan sa mga isyu ng karapatang pantao ng mga migranteng manggagawa sa Taiwan sa pamamagitan ng mga makabagbag-damdaming protesta (Figure 3-5) at panghihikayat sa mga pulitiko na siyang nagpabago ng mga tuntunin  para mas higit na maprotektahan ang mga kapatan ng mga migranteng manggagawa.

Figure 3. Ang nagaganap dalawang beses sa isang taon na parada ng mga migranteng manggagawa noong Enero 16, 2022. Ang tema sa taong 2022 ay “Kalayaang Magpalit ng Amo.”

Figure 3. Ang nagaganap dalawang beses sa isang taon na parada ng mga migranteng manggagawa noong Enero 16, 2022. Ang tema sa taong 2022 ay “Kalayaang Magpalit ng Amo.”

Figure 4. Ang barikada ay isang simbolo ng hindi makatarungang regulasyon na nagbabawal sa mga migranteng manggagawa na malayang makalipat ng trabaho.

Figure 4. Ang barikada ay isang simbolo ng hindi makatarungang regulasyon na nagbabawal sa mga migranteng manggagawa na malayang makalipat ng trabaho.

Figure 5. Pagkatapos ng anunsyo, itutulak ng madla ang kawayang bakod (kulungan sa preso) upang laban sa hindi makatarungang batas.

Figure 5. Pagkatapos ng anunsyo, itutulak ng madla ang kawayang bakod (kulungan sa preso) upang laban sa hindi makatarungang batas.

Workshop at Pagsasanay sa Mga Karapatang Pantao ng mga Migrante para sa mga Propesyonal sa Oktubre 22

Mula Minorya hanggang sa Mayorya; mula sa isinasalaysay hanggang tagapagsalaysay

Sa wakas, siniyasat ng workshop kung sino ang may hawak ng “kapangyarihan” na magpasya kung ano ang itatanghal at kung paano bibigyang kahulugan sa isang bansang patutunguhan kung saan ang mga isyu ng karapatang pantao ng mga dayuhang migrante ay dati nang hindi masyadong nabibigyang pansin.   Habang ang pandaigdigang ekonomiya ay patuloy na nagtutulak ng pangingibang bansa, ang mga kaakibat na isyu ng karapatang pantao ay tumataas at kumakalat sa ibat’t ibang kontinente at hangganan ng mga bansa.  Ang mga isyung politikal at hidwaan sa ilang mga piling lugar ay patuloy na nagaganap sa likod ng pangyayaring ito sa buong mundo: pinalalala ang mga problema ng ng migrante sa ibat’ ibang bansa. Kaya’t walang anumang lipunan ang maaaring magpikit mata sa katotohanan na tayo ay nabubuhay sa isang bagong panahon kung saan ang iba’t ibang antas ng pangingibang bansa ay bahagi na ng ating lipunan–ang punto nga lang dito ay “kung sino ang mauuna”.  Kaugnay nito, ang mga “migrante” ay siyang bumubuo ng “mayorya” ng lipunan at dapat akapin ng bawat lipunan ang mga komunidad ng migrante bilang kanya bagong kapital.  Malayo ang nararating ng pagkakaunawa sa iba’t ibang kultura sa pagtulong sa isang lipunan na maging bukas ang isip at walang tinatangi.  Kapag nagawa ng mga museo na manguna sa pagninilay-nilay, muling pag-iisip, at pag-akap sa mga hamon na ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga iba’t ibang komunidad ng migrante, saka lamang sila magiging isang entablado para sa mga migrante upang makapagsalita at sa gayun mapabilis ang pakikilahok ng lipunan.  Dapat ang mga museo, institusyong kultural, tagapagsanay ng museo, at mga iskolar ay patuloy na nagtutulungan upang turuan ang publiko.  Bilang ang mga gobyerno ay maaaring magpatuloy na walang pakielam sa pangigibang bansa at sa mga kaugnay nitong isyu sa mga karapatang pantao, o marahil pa ay gampanan ang papel ng mga salarin, mas lalung mahalaga para sa mga museo, institusyong kultural, NGO, at mga propesyonal na may magkakaibang karanasan na ipakita ang pagkakaisa sa pamamagitan ng masusing pagtutulungan ng sa gayon ang mga isyung hinarap sa porum na ito ay hindi masasa walang bahala.

Konklusyon

Ang talakayan sa tatlong araw na porum ay nagmumungkahi na ang mga museo sa iba’t ibang panig ng daigdig ay may katungkulan na humanap ng iba’t ibang kaparaanan upang mga harapin ang mga isyu sa karapatang pantao.  Ang kakayahang makipagtulungan sa mga komunidad ng migrante ay mahalaga ngunit nangangailangan ito ng mahusay na pagsasanay sa kakayahang mangasiwa ng pakikilahok ng iba’t ibang kultura.  Higit pa rito, ang mga museo ay naatasan na bumuo ng mga talaan na masusing napapangalagaan at bumuo ng mga pagtatanghal na mayroong mga kritikal na perspektibo na nagtatawag para sa kamalayan ng lipunan ng mga dayuhang migrante at mga isyu ng mga karapatang pantao.  Pinakahuli, ang mga museo ay marapat na nakikipagtulungan sa mga iba’t ibang NGO at eskwelahan upang makabuo ng mga lupon ng grupo para mapanatiling may alam tungkol sa iba’t ibang aspeto ng lipunan at maisulong ang kanilang layunin sa pamamagitan ng mga lupon ng grupong ito.

Mula sa Pagiging Isinasalaysay sa Pagiging Tagapagsalaysay: Isang Pagmamasid ng at Pagninilay sa Porum ng Pangingibang Bansa at Mga Karapatang Pantao, Oktubre 20-22, 2021

Mula sa Pagiging Isinasalaysay sa Pagiging Tagapagsalaysay: Isang Pagmamasid ng at Pagninilay sa Porum ng Pangingibang Bansa at Mga Karapatang Pantao, Oktubre 20-22, 2021